3rd Person's P.O.V “Guys dali ang sarap ng tubig!” sigaw ni Mika matapos niyang sumugod sa malinaw na dagat. Dali-daling sumunod si Krista at Faye sa pwesto ni Mika. Kita sa malayo ang masasayang mukha nito habang nagtatampisaw. Nagtatawanan ang mga ito at hindi marinig ni Artemis ang pinaguusapan nila. Dumiretso si Artemis at umupo sa tela na nilatag ni Dustin. “Kuya Dustin pwedeng paupo?” “Sige lang, ano ka ba para namang others,” at nginitian siya ng binata habang inaayos nito ang malaking payong. “Ms. Parker wait lang!” napatingin ng sabay si Dustin at Artemis sa pinanggalingan ng boses. “Nagdala ako ng sunblock.” ani ni Ms. Nami habang hingal na hingal. “Bawal ka umutim or ma-sunburn dahil marami kang projects na nakapila this month,” she said while catching her

