A/n: Hello guys I'm back! Will update daily on December! ---- 3rd Person’s P.O.V Halos kuminang ang mata ni Krista pagdating nila sa 3rd floor kung nasaan ang mga liquor shop. “Omygosh! Gusto ko gumawa ng mini bar sa condo ko!” Bumuntong hininga si Artemis, “hinay hinay lang dai, isipin ang atay.” “Yes po, yes po,” wala sa sariling tugon ng dalaga. “Dali Artemis pasok na tayo sa loob!” ‘Tinitingnan ko pa lang ang mga kumikunang na bote ng alak ay parang naduduwal na ako. Naalala ko yung lasa ng alak na may sili shems!’ sa loob loob ni Artemis. “Ikaw na lang pumasok sis, titingin na lang muna ko sa mga korean shop sa bandang dulo.” “Okie sis, text na lang kita pagtapos na ko dito hehe,” excited na tugon ni Krista habang nakatingin sa mga alak sa loob. “Take y

