3rd Person’s P.O.V
“ P-po,” gulantang na sagot ni Artemis.
“Saan mo gusto magkita hijo? Or gusto mong pumunta na lang ako sa lugar mo?”
“M-mr. Vazques huwag na lang po sa lugar ko. Hindi pa po kasi ako nakakapaglinis hehe.” naaiilang na wika ni Artemis. ‘Nakakalat yung mga gamit ko sa sala. Baka mabuko pa ang sikreto namin Kuya nang wala sa oras.’
“Ganun ba hijo?”
“Sa coffee shop na lang po kaya na malapit sa studio 3 po?” kabadong sambit ni Artemis.
“Okay, hijo,” tugon ni Mr. Vazques. “Let’s meet in an hour,” at naputol na ang tawag.
Nagulat ang mga lalaking nakasuot ng suite and tie nang biglang tumayo ang Founder sa kalagitnaan ng meetin.
“Mr. Vazques, shall we continue the meeting?” wika ng lalaking nakatayo sa gilid ng malaking flat screen t.v.
Tumikhim si Mr. Vazques at tiningnan ang labing limang lalaki na nakaupo ngayon sa mahabang conference table. “Let’s end the meeting here,” ma-awtoridad na wika ng Matanda.
“Yes sir,” sabay-sabay na nagsitayuan ang mga lalaki at nag-bow kay Mr. Vazques.
“Sir saan po tayo?” aniya ng secretary ni Mr. Vazques habang nakabuntot sa Founder.
“Call the owner of the coffee shop near my studio. Tell them that I will buy that place,” saad ni Mr. Vazques bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Nang umandar na ang mamahaling sasakyan na sinasakyan ni Mr. Vazques ay may dalawang itim na sasakyan na nakasunod dito, kung saan nakasakay ang mga body guards niya.
Nag-ring ang cellphone ng Matanda at agad niya itong sinagot. “Hello?”
“Lolo!” sigaw ni Eion sa kabilang linya.
“Bakit?”
“Hindi gumagana lahat ng card ko,” wika nito, “ayaw i-activate nila Dad,” pagsusumbong ng Binata.
“Oh, asan na ang pera na kinikita mo sa pag-aartista?” aniya ng Matanda habang nakatingin sa daanan.
“Diba nga ‘Lo, kakabili ko lang ng pang anim ko na sports car? Nabalita pa nga ‘yun e.” pagwawala ni Eion.
“Oh anong gusto mong gawin ko?” medyo natatawa ang Matanda.
“Pa-activate ulit ng mga cards ko ‘Lo,” bulalas ng Binata, “hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang dineactivate nila Dad ‘yun. Nananahimik lang naman ako.”
Napabuntong hininga si Mr. Vazques, “You still didn’t know what you did wrong?”
“Wala naman akong ginawa ‘Lo e.”
‘Kwinelyuhan mo lang naman ang babae mong pinsan.’ Sa isip-isip ni Mr. Vazques. “Kung ‘ganun pala, magtiis-tiis ka muna nang walang pera.”
“’LO!” naka-pout ang Binata habang hawak ang cellphone nito. “Tungkol pa rin ba ‘to ‘dun sa Lyric na nahimatay kahapon? Hindi namana ko yung may kasalanan na nahimatay siya e.”
“Teka muna,” Nasapo ng Matanda ang kanyang ulo, nang marinig ang sinabi ng apo, “mukhang hi-high blood-in ako sa’yo hijo.”
“’Lo kasalanan ko ba na kalalaki niyang tao, ang hina ng katawan niya?” aniya ni Eion, “yung magulang niya dapat yung sisihin, kasi hindi siya pinakain ng tama kaya mukhang malnourished yung Lyri-“
“STOP,” napatigil sa pagsasalita si Eion nang marinig ang pagtaas ng boses ng Lolo niya. “I will not activate your credit cards unless you manage the inventory of TheBrandee, in the Mall.”
“Pero ‘Lo, hindi ako magaling sa numbers, numbers na ‘yun e,” saad ng Binata, “saka baka pagkaguluhan ako sa mall ng mga fans.”
“Then you will choose, wala kang credit card or gagawin mo ang pinagagawa ko,” tugon ni Mr. Vazques habang hinihilot ang sentido.
“’Lo that’s unfair.”
“Then say goodbye to you credit ca-“
“Okay, okay,” biglang singit ni Eion, “I will go to the mall tomorrow.” Pinatay na ni Mr. Vazques ang tawag.
“Sir nandito na po tayo sa café,” sambit ng secretary ni Mr. Vazques na mukhang nasa thirties na.
“Nakausap niyo na ba ang may-ari?” sambit ng Founder.
“Yes po, 5 million daw po yung coffee shop Mr. Vazques.”
“Okay,” mahinahong tugon nito, “give them 10 million.”
“Noted po.”
Pagpasok ni Mr. Vazques sa coffee shop ay naiwan ang ibang body guard sa labas para magbantay. Halata sa mga mukha ng mga nagtatarabaho sa loob ang pagkagulat.
“Good afternoon po,” magiliw na bati ng babaeng mukhang nasa thirties pa. Tipid na nginitian ni Mr. Vazques ang babae. “Sir, ito po ang mga staff sa coffee shop,” at tinuro ng Babae ang apat na barista at isang babae na nasa cashier area.
“Guys,” tugon ng Babae sa mga staff, “si Mr. Vazques na ang may-ari ng coffee shop na ‘to from now on.” Naiwang nakatulala ang ibang staff at ang iba ay nakaawang ang panga.
Umupo si Mr. Vazques sa table katabi ng glass window, kaya naman tanaw na tanaw niya ang labas. Huminto ang brown na van sa harap ng coffe shop at lumabas dito si Artemis.
‘Kailan pa siya nagsimulang magpanggap bilang si Lyric? Her face look exactly like her mother. Ang hindi niya lang nakuha ay ang brown na buhok ni Rea at ang green na mata nito.’ muni-muni ni Mr. Vazques.
Pinagbuksan ng pintuan ng guard si Artemis at ang dalawang babaeng nakasunod sa kanya.
“Thank you po,” sambit ni Artemis at nilibot ng Dalaga ang paningin niya sa café, ‘Hindi ba sikat ‘tong coffe shop kaya wala masyadong tao?’ sa isip nito.
Paglingon ni Artemis ay nakita niya si Mr. Vazques na nakangiti at kinawayan siya. Agad lumapit ang Dalaga. “Hello po Mr. Vazques,” ngiting sambit ni Artemis, “nice to meet you po.”
“Nice to meet you too, Mr. Parker,” at naglahad ng kamay ang Matanda, at tinanggap ito ni Artemis, bago sila umupo.
“Pasensya na po sa abala ha,” nahihiyang sambit ng Dalaga, “alam ko pong busy kayo, Sorry po.”
”No hijo,” Humalakhak ang Matanda, “I’m not busy today, don’t worry.”
Lumapit ang isang waiter sa table ng dalawa. “Good afternoon po, what’s your order po sir?”
Napatingin si Artemis sa menu na binigay sa kanya. Halos manlaki ang mata ng Dalaga nang makita ang mga presyo ng inumin at pagkain. ‘What the fudge, ginto ba ‘tong kakainin namin?’
“You can order whatever you want,” nakangiting saad ni Mr, Vazques nang makita ang itsura ng Dalaga.
“Ano po kuya,” sambit ni Artemis, “isa pong chocolate float with vanila ice cream po, tapos cinnamon roll po,”
“Noted po sir,” sagot ng waiter, “kayo po sir?” saad ng Binata kay Mr. Vazques.
“Kapeng barako at cinammon roll.”
Napalingon si Artemis sa kinauupuan ni Nami at Krista sa kabilang table. Nag thumbs up sign si Nami at nginitian ang Dalaga, samantalang si Krista ay mabilis lang na sinulyapan si Artemis at tumingin na muli sa menu na nakaptong sa table.
‘May tampurorot pa rin si Krista huhu.’ sa loob-loob ni Artemis.
“So what is it you want again?” tanong ng Founder.
“Gusto ko po sana iurong yung kaso na related sa’kin, na nakasampa po kay Ana,” desididong sambit ni Artemis sa founder. ‘Kwento sa’kin ni Ms. Nami sa sasakyan ay nakakatakot daw tingnan si Mr. Vazques, pero ngayong nasa harap ko na siya ay panatag naman ang loob ko sa kanya.’ mungkahi sa isp ng Dalaga.
“Why?” tugon ng Founder, “dahil sa kanya naging delikado ang buhay mo.”
“Here’s your order po,” singit ng waiter at nilagay sa table ang mga pagkain.
“Yes po, nasaktan po niya ko. Pero ‘nung naka-usap ko po siya kanina, na-feel ko na hindi niya naman po sinasadya na gawin sa’kin ‘yun. Actually po, tanging pamilya ko lang po ang nakakaalam na allergic ako sa sili,” paliwanag ni Artemis, “I think she just want to prank me, sadyang minalas lang siya na allergic ako ‘dun.”
Humigop si Mr. Vazques sa mainit niyang kape. “I see your point.”
“Talaga po?” masayang sambit ni Artemis.
“Pwede nating iurong ang kaso mo sa kanya,” seryosong sambit ni Mr. Vazques, “pero hindi ko iuurong ang kaso ng kumpanya ko.”
Tila bumagsak ang mukha ni Artemis. Humigop na lang ang Dalaga sa choco float niya para maitago ang pagkadismaya nito.
“She needs to learn that all our action has a consequences. Nakakalungkot lang, na kailangan niya iyon matutunan sa mahirap na paraan,” sambit ng Founder. “Hindi ka pwedeng gumawa ng maling bagay at mag-expect ng magandang resulta sa dulo.”
Napalunok si Artemis sa sinabi ni Mr Vazques. ‘I’m decieving a lot of people while I’m pretending to kuya Lyric. Natatakot ako, na baka sa huli hindi maging maganda ang resulta nito.’
TO BE CONTINUED