A/n - Hello guys daily update ngayong January. By the end of this month tapos na yung yung story na ito. Happy reading to all!! 3rd Person's POV Naglalakad ng nakayuko si Artemis habang papunta siya sa entrance ng building. Tila nakahinga ng maluwag ang dalaga nang mapansin na kaunti lang ang fan girls na nasa labas. Nagulat ang dalaga nang bigla siyang nabunggo na malaking lalaki na naka all black at naka cap na itim. 'Muntik na ko bumagsak dun ah kung di ako nakapagbalanse,' sa isip ni Artemis. Tiningala niya ang lalaki at napansin ng dalaga ang matalim na titig nito sa kanya. Napalunok si Artemis. "S-sorry po, hindi ako tumitingin sa dinadaanan," sambit ng dalaga. 'Nakaktakot naman ang itsura nito,' sa isip isip ng dalaga ng muli niyang tingnan ang itsura ng lalaki. Ngumisi ang

