Artemis’ P.O.V Nagising ako dahil sa malakas na tawanan. Pagmulat ng mata ko ay napansin kong galing sa TV ang tunog. Akala ko naman may tao na akong kasama. “Hala gabi na pala,” nang mapansin kong madilim na ang langit at nakabukas na ang mga ilaw ng mga gusali sa labas. “Happy Father’s day daddy!” sambit ng bata na may hawak na cake sa TV. “Thank you anak! You surprised me,” masayang ani ng tatay at niyakap ang bata. Agad kong pinatay ang TV. Ngayon ko lang na-realized na ‘di pa pala ako naka tanghalian at gabihan pero hindi ako makaramdam ng gutom. Natulog lang ako whole day. Lumabas ako ng condo ni kuya ng naka blue pair pajama at walang ligo o kahit na anong ayos. Sa sobrang higpit ng security, I don’t think merong fans na makakapasok dito. Pumasok ako sa elevator a

