ALDEN: NAIKUYOM ko ang kamao na malalaki ang hakbang na lumapit sa pinto. Muling kinatog na halos kalampagin ko na ito. "Larah? Larah, please? Makinig ka naman sa akin oh?" pakiusap ko na panay ang kalampag sa pinto. Nangunotnoo ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Nailapat ko ang tainga sa may pinto na pinakinggan sila sa loob ng bahay. Pero maski kaluskos ay wala akong marinig! "Larah!? Larah!? Halos gibain ko na ang pinto sa lakas ng pagkalampag ko dito. Hindi ko na rin gusto ang nagpaparamdam sa akin. Napaka impossible naman kasing. . . wala manlang nag-iingay sa loob! "Young Master!" Napalingon ako sa mga bagong dating kong bantay na tumatakbo palapit sa akin. Para akong maiiyak na napahilamos ng palad sa mukha ko. "Young Master, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang t

