LA 7

2131 Words
Dumating na ang araw kung saan nagfofocus ang lahat sa darating na examinations week. Naging abala ang lahat ng estudyante sa pagrereview para sa first periodical test namin. Naka isang buwan na pala ko dito sa Luciferian Academy. Sobrang bilis ng araw. Halos hindi ko na napapansin ang oras at panahon. Dahil sobrang busy ko lately sa pagsusulat ng novel at pagiging alila ng Prinsipe ng Ilog. Tsk. Ngayon naman ay nagfofocus na ko sa pagrereview. Isinantabi ko na muna ang pagsusulat. Dahil mas mahalagang makapasa ako sayang ang scholarship. Kinakamusta naman ako nila Mama at Papa minsan kapag namimiss nila ko at kapag tatanungin ako about sa pagpasok ko at pag sstay sa loob ng Academy. Satisfied naman sila sa nagiging sagot at mga kuwento ko. Hindi ko lang sinabi na alila ako ng Prinsipe ng London dahil natapunan ko ito ng pagkain at sauce. Dahil siguradong mag aalala sila sakin kapag nagkataon. Ayoko ng pag isipin pa sila. Nagpapadala naman sila ng pera sa aking card at pangbayad sa miscellanous. Namimiss ko na nga sila. Kaya lang tiis muna hangga't hindi pa pwede. Every month kasi may periodical exam kami. Kaya talagang lahat ng oras namin ginugugol namin sa pag aaral. Mabuti nalang nga at tahimik pa ang mga gang ngayon. Tipong may binubully o kalokohan man silang ginagawa pero hindi worst. Yung mga nasa lower rank lang naman yung madalas nagawa ng gulo. Nagvavandal, nang bubully, nagnanakaw at kung ano ano pang kalokohan. Hindi nga nawawala yung mga suicidal na biktima dahil naeexperienced talaga nilang mabully. Hays! Bakit kasi nauso pa yang bullying na yan e? kawawa yung mga biktima nagkakaroon ng trauma. Kaya madalas madaming nagdadrop out at naalis ng paaralan dahil doon. Hindi naman kawalan iyon sa Academy kaya lang sayang yung perang ginagastos ng mga magulang nila dahil hindi sila nakakapasok ng ayos at nagdadrop out pa. I sighed. Napalingon ako sa maingay kong kaibigan. "Huy! Elyse, ano pang tinutunganga mo dyan? Wala tayong teacher!"nagulat ako sa biglaang paghampas sakin ni Zia. Kung bakit ba naman kasi nalipad sa outer space ang isip ko! "aray naman, Zia!"reklamo ko. Nagbeautiful eyes lang ang bruha saka nagpeace sign. Napailing nalang ako sa inasal nito. Sabay kaming lumabas ng classroom. Lalabas na sana ko nang may humarang sakin. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang guwapo nitong muka. Pero blanko at malamig ang expression. Sayang talaga ang kagwapuhan nito napakadamot sa emosyon. Ni hindi marunong bumati ng ayos at ngumiti. "where do you think you're going? Hmm."anito sa malamig na tono. Napangiwi naman ako at si Zia na nag excuse nalang at sinabing magkita nalang kami sa classroom mamayang hapon. Napakadaya talaga ni Zia. Sabagay wala naman siyang magagawa sa isang River. Baka mapahamak lang siya. "Kita nalang tayo sa Math subject later! Mauuna na ko. May gagawin pa pala kami sa Gym."anito saka nagflying kiss pa. Ngumiti nalang ako at tumango. Hindi ko na masyadong nakakasama si Zia sa loob ng Academy dahil inookupa ni River ang lahat ng oras ko. Ang sarap niya talagang ibaon sa lupa. Hay nako! "Let's go."ani River habang nakapamulsa. Sumunod naman ako sakanya na parang tuta.. Ano ba yan? Walang pagbabago dakilang buntot pa rin ako ng Prinsipeng laging nireregla at ubod ng lamig. Nakasimangot akong sumunod sakanya. Nasanay na rin ang mga estudyante na lagi akong kasama ng Prinsipeng ito. Marami nga ang humihiling na sana sila nalang ang inalipin nito kahit pahirapan pa sila ay ayos lang. Bakit di nalang kaya nila ko palitan? para makahinga na ko ng maluwag. Nakakaumay na rin kasi. "What?"tanong ko nang bumaling ito sakin na walang kaexpression expression. Napanguso ako dahil doon. He sighed. Saka nagkibit balikat. Saka inabot sakin ang hawak niyang gitara. Tinanggap ko naman iyon. "nothing, can you walk faster?"iritable nitong saad. Kita mo, ang lakas talaga magsungit. Wala siyang pinalalagpas na oras. Kelan kaya ito magiging mabait at ngingiti? Nauumay na ko sa muka niyang laging seryoso at malamig. Hayy! Nakarating kami sa music room para sa practice nila. As usual, nakakainlove talaga yung boses na meron sila. Lalo na siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa kong isama palagi. Wala naman akong ibang ginagawa kundi panoorin sila. Kinakanta nila yung your call ng secondhand serenade. Gosh! Ang galing talaga! Napapikit nga ako saka nataas balahibo ko. Waiting for your call, I'm sick, call I'm angry Call I'm desperate for your voice Listening to the song we used to sing In the car, do you remember Butterfly, Early Summer It's playing on repeat, Just like when we would meet Like when we would meet Kahit na mataas kayang kaya ni River. As in. Siya ang nagdadala. Saka si Rome. I was born to tell you I love you And I am torn to do what I have to, to make you mine Stay with me tonight Ewan ko ba kung bakit kapag nagmumulat na ng mata si River sakin ito nakatingin. Kaya nagkakaroon ako ng goosebump e. Kinikilig ako! Yikes! Sino bang hindi kikiligin? Kapag ganyan kagwapo at kagaling kumanta ang nasa harapan mo? Swerte naman ng magiging girlfriend nito dahil mahaharana siya ng kagaya ni River na ubod ng ganda ng boses. Stripped and polished, I am new, I am fresh I am feeling so ambitious, you and me, flesh to flesh Cause every breath that you will take When you are sitting next to me Will bring life into my deepest hopes, What's your fantasy? (What's your, what's your...) Grabe talaga kapag nagsesecond voice si Rome at Yohann ang ganda ng combination ng boses. Jusko! Idagdag pa yung sa lead vocalist na nakakadala talaga. Para silang mga professional sa galawan at pagkanta nila. Wala akong ibang masabi kundi Excellent! Hanggang sa natapos sila sa practice nila ngayon nalss pa rin ako. Pambihira! May Lucifer's syndrome nako! Hindi talaga nakakaumay ang boses ng mga ito. Bukod doon ay nakakatindig balahibo. Parang may humahaplos sa puso ng nakakarinig. Nakarecord sa buong campus yung bawat kanta nila sa tuwing walang klase kaya rinig na rinig sa buong Campus. Halos lahat di mapigilang kiligin at madala ng kanta nila sa tuwing nakaplay iyon. Siguro kung nasa outside sila makukuha sila bilang Banda at mas sisikat pa. Kasi ang galing talaga. Idagdag mo pa na ang guwapo nilang lahat tapos may maganda pa silang katawan. Nag uumapaw sa abs at s*x appeal. "may practice tayo after class ng basketball, diba Captain?"nagulat ako sa pagsasalita ni Zeus at bumaling ito kay River na cool na cool nanaman maglakad. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nu Zeus. Varsity player pala ang hudyong Prinsipe at Captain Ball pa. Nasa kanya na talaga ang lahat. Napapalingon at napapatili nanaman sakanila ang mga babae ng Luciferian Academy. Gosh! Nag gagala ng sama sama ang Lucifer's Wings! Kyaaahh! Prinsipe River! Ang cute talaga ni Prinsipe Rome oh! Kyaaahh! Pakasalan mo ko please! Baby Zeus! Yohann babe! Idate mo naman ako! Kyaah! Ang hot ni hunk! Grabe! Halos marindi ako sa tuwing titili sila ng ganyan. Jusko! Hindi ba sila natatakot na mawalan sila ng boses? At di ba sila inaatake ng kahihiyan sa pinag gagawa at sinasabi nila? Jusko naman! "Yeah. 5 pm sharp."anito saka nagsuot ng headphones. Now I know kung bakit lagi siyang nakaheadphone naririndi siya sa mga tao. Ayaw talaga niya sa mga maingay at papansin. Buti talaga hindi siya naboboring sa buhay niya. Nakakarindi rin kaya ang sobrang katahimikan parang ibig mo nalang mahimatay sa pagkaboring. Sabagay wala nga pala itong pakiramdam. Tsk. "Mauuna na kami, Lead/Captain. May klase na rin kami. Kita kits nalang mamaya."sabay na sambit ni Zeus at Yohann. "Una na kami, Rome pare."saad naman ni Hunk. Tumango lang ang kambal. Nagtungo naman kami sa Holoseyo para kumain. Nakaramdam ako ng matinding gutom kakareview. Mamaya ay ganoon ulit ang aking gagawin. Para hindi ako makalimot sa lessons. "Hey, Elyse! Hinay hinay lang sa pagkain. Hindi tayo nagmamadali."ani Rome the monggoloid. Napatigil ako dahil doon. Medyo nahiya ako rito. Lumalabas ang pagiging patay-gutom ko kapag ganitong overwork sa pag aaral. Kaya lang need ko talaga magfocus dahil hindi naman ako mayaman at hindi rin maharlika. Bawal malate sa examinations. Dahil hindi na makakapag exam. Samantalang pag Royalblood okay lang. Sabagay, dalawang Prinsipe nga pala itong kasama ko. Sila ang priority ng school at may privilege sila na anytime pwede silang pumasok sa classroom. Pero hindi e, isa akong hamak na scholar at di ko ugaling mang abuso ng kapwa at posisyon. Kaya hindi ako nagpapatulong sa mga ito sa bagay na iyon. "kelangan nating magmadali, Mahal na Prinsipe. Dahil magiging agaw eksena tayo sa oras na magsimula na silang magklase."paliwanag ko. Hindi naman ito nakasagot pero pansin kong nagmadali na rin ito sa pagkain. Panay tinginan ang mga tao. Sanay na naman ako sa ganyan nilang gawain. Sino ba namang hindi masasanay kung araw araw ka nalang titingnan ng ganyan at pagkatapos magbubulong bulungan? Nasaan na kaya ang manners ng mga ito? Hindi ba sila nagsasawa talaga? "halika na."aya ko sa dalawa. Sa oras ng klase wala munang 'ako ang master mo kaya ako ang masusunod' kundi 'walang master master, classes is my priority' Tumayo na sila para sabayan ako sa paglalakad papasok. Kung titingnang mabuti ang kambal, magkaiba man sila ng personality pero parang iisang tao pa rin ang kasama mo dahil sa parehas nilang itsura. Perks of being a twin. Pero may kanya kanya silang s*x appeal. At para sakin mas malakas ang kay River. Kung sino pa itong cold at masungit siya pang pinagpala sa kagwapuhan. Pinagmasdan ko naman ito habang naglalakad kami. "what are you looking at?"malamig na sita sakin ni River. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad at nung nasa tapat na kami ng classroom ay huminto ako para paunahin sila. We're 10 minutes late for petes sake. Napakabagal ko pa rin maglakad kahit pinaka mabilis na iyon. At tama nga ang sinabi ko, nang oras na bumukas ang pinto. All eyes on us. At natahimik ang teacher namin sa pagdidiscuss pero syempre di sila sinita. Sino ba namang maglalakas ng loob manita kung kapatid ng may ari ang papagalitan mo? At ako na pinaka malas na tao sa mundo ang napagdiskitahan. "Miss Montefiore, why are you late? You're 10 minutes late!"saad ni Ma'am Casper. Kinabahan ako bigla dahil doon. Napahiya ako sa biglaan nitong paninikmat. Unfair talaga kapag bumabase sila sa estado ng buhay. "I'm s---"natigil ako nang hilahin ako sa bag ng Prinsipe ng mga ilog. Nagulat naman ako dahil dito. Pero thankful ako dahil sinave ako nito sa pamamahiya ng guro namin. Napahiya si Ma'am dahil doon. Sa inis ay nagpatuloy siya sa klase ng masama ang loob. Napayuko nalang ako. "cheer up, friend! Ayos lang yan. Alam kong wala kang kasalanan kung bakit kayo late."ani Zia saka ako tinapik sa balikat. I nodded, at pinili nalang makinig sa tinuturo ni Ma'am. Marami akong natutunan sa klase namin. At sigurado akong kasama iyon sa exam. Kaya nag jotdown ako ng mga notes. Nakagawian ko na iyon..Ayokong umasa sa stock knowledge baka mastock lang at mawala yung knowledge. River is sleeping during class hour. Pero wala namang magawa si Ma'am Haime Casper dahil kahit sleepyhead itong si River ay nag eexcel talaga ito sa klase. Katunayan, siya nga ang Top 1. Mapapa-sana all ka nalang talaga sakanya. "Hey, Elyse..sama ka sakin mamaya?"nagulat ako nang kalbitin ako ni Cross. Napakunot ang noo ko dahil doon. Kelan pa kami naging close ng hambog na ito? "Nope. May practice sila mamaya. Di ako makakasama alam mo na."turan ko. Hindi naman na ito kumibo pa. Hinayaan ko nalang din siya. Nung bandang alas singko sumama ko kina River at sa iba pang kaibigan nito para panoorin ang practice game nila. At halos mapanganga ako sa galing nitong maglaro. Kalaban nila ang taga Midori Division hindi ko alam kung sino ang mga ito pero kulelat ang mga ito sakanila. Kinawawa lang sila ng team nila River. Grabe ang galing talaga. Hindi makaporma ang kabila kapag hawak na ni River at Rome ang bola. Sobrang galing ng dalawa at ang liksi gumalaw. Hindi makahabol ang kalaban. Wala pating sablay ang shooting. Palagi iyong pasok sa ring. Nakakalusot rin sila sa bantay kahit anong higpit noon. In the end, panalo ulit sila. Lumapit ako rito at inabutan siya ng tubig at tuwalya. Kinuha naman niya ang tuwalya at ipinunas sakanyang buong muka, leeg at buhok. Saka niya ibinalik sakin ang tuwalyang basa ng pawis. Naiinis ko siyang inirapan ng basta nalang niya iyong ihinagis. Hindi naman mabaho ang kanyang pawis. Hindi rin maasim. Napakabango noon dahil sa pabango niya. Kumapit iyon sakanyang balat. Uminom siya ng tubig at hindi na ko pinansin. Napagpasyahan nilang magshower mamaya bago umalis. May mga gamit naman sila sa locker room ng Gymnasium kaya ayos lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD