Araw ng Lunes.. Maagang nagising ang lahat ng estudyante ng Luciferian Academy. Sobrang excited na sila dahil ngayon mismo ang araw ng Intrams. May mga bandaritas sa palibot ng gym at dinekorasyunan din mismo ng Student Council ang bawat sulok ng Academy. Walang pinagkaiba sa festival. Kaya mamamangha ka talaga at matutuwa kapag nakita mo ang kabuohan noon. Ngayon ko lang ito nakita ng hindi ako unconscious. Kaya naman kakaibang saya ang nararamdaman ko. Ninamnam ko naman ang sariwang hangin sa veranda ng Penthouse ni River. This is really relaxing to the point na napapapikit ako. Kung sana payapa, ganito katahimik at kasaya ang Luciferian Academy. Kung sana ordinaryong eskwelahan lamang ito. Mas maganda sana at mas maeenjoy ko sana ang intramurals. Dahil abala si River sa pag checheck

