Nang sumunod na araw ay ganoon nanaman ang nangyari. Hindi nako nakapasok sa klase dahil doon. Balak ko sanang pumasok kaya lang hinarang nanaman kami ng mga gang. Kaya hinila ako ni River pabalik sa Penthouse niya. Habol hininga kaming bumalik. I sighed. Paano ko pa maitutuloy ang pag aaral ko kung nasa ganito akong sitwasyon? Hindi pa ko nakakapag imbestiga ay ganito na. Sh*t lang! I'm not safe. Sobrang nakakaasar na. Inis akong naupo sa kama ko at ginulo ang aking buhok. Nakalimutan kong isara ang glass door ng Penthouse ni River sa may veranda kaya lumapit ako doon at sinimulang isara. Nakita ko nanaman ang kaganapan sa ibaba. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong masanay sa mga nangyayari. Nanginginig ako sa takot sa mga nakikita ko. Halos nabilis ang pagtibok ng puso ko at pahin

