Simula

1676 Words
Simula “Babe, malapit na tayo.” Iminulat ko ang aking mga mata nang marahang tapikin ni Philip ang aking pisngi. Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa malapad niyang balikat at naniningkit na pinagmasdan ang labas ng bintana ng sasakyan. Bumungad sa akin ang malaking arko na may nakalagay na ‘Hacienda De Salvi’. May kalumaan na ang arko dahil halata na ang iilang kalawang dito. Ngunit naiintindihan ko naman dahil mula pa ito sa kanunu-nunuan ng boyfriend ko. Paglagpas namin sa arko ay bumungad sa akin ang malawak na lupain na puno ng puno ng mangga. “Babe, all this land belongs to our family. Lahat ng nakikita mo ay sa mga De Salvi,” pagyayabang niya sa akin. “Itong mga mangga ay isa lang sa mga tanim ng hacienda,” dagdag niya pa. “May tubuhan din kami, grapes, at ranch.” “I see…” bagot kong tugon. Sa totoo lang ay wala akong kahit na anong interes na sumama kay Philip sa pag-uwi niya sa probinsya nila. Ano namang gagawin ko rito? Magtanim? Mas gugustuhin ko pang mag-bar na lang kasama ang mga kaibigan ko o mag-scroll sa social media buong araw. Ang rason lang naman kung bakit ako sumama ay dahil nagmakaawa siya sa akin. Wala raw kasi siyang kasamang umuwi at naiilang siya sa uncle niya. Kung hindi pa siya nangako na pupunta kaming Europe pagkatapos nito ay hindi pa ako sasama. Two weeks. Kailangan ko lang magtiis nang dalawang linggo. Aangal pa sana ako dahil sobrang tagal, pero wala akong ibang choice dahil para din naman ito sa kanya. Umuwi siya ng probinsya nila para personal na kausapin ang uncle niya at kunin ang approval nito para tuluyan na siyang makaupo bilang CEO ng kompanya nila. “Malapit na tayo. Nakikita ko na ang mansyon,” sabi niya. Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at tanaw ko na nga ang napakalaking kulay puting mansyon ng mga De Salvi. Isa sa rason kung bakit ako pumayag na maging girlfriend ni Philip ay dahil sa yaman ng pamilya niya. Siya ang totoong definition ng old money dahil sa generational wealth na mayroon sila. Pangalawa ay dahil kinumbinsi ako ng dad ko. Ang sabi niya’y makakabuti sa kompanya namin kapag ikinasal ako sa isang De Salvi. At hindi ako pwedeng humindi sa kanya dahil alam kong tatanggalan niya ako ng mana. Pangatlo, ay dahil gwapo si Philip. Boyfriend material kumbaga. Gentleman, matalino, at maalaga. “Finally makakapagpahinga na rin ako,” sabi ko saka ko inilingkis ang braso ko sa braso niya. “Tabi tayo mamaya, babe, ha?” may pang-aakit na saad ko, pero agad niyang inalis ang pagkapulupot ng kamay ko. “H-Hindi pwede, Anastasia.” Kumunot ang noo ko. “Bakit na naman? We’ve been together for almost two years, Philip. Never, even once, did we ever sleep together!” may inis kong sabi. “Nandidiri ka ba sa akin?” “Hindi sa gano’n, babe. I… I just want to avoid na may mangyari sa atin na… alam mo na.” “But I want something to happen!” matigas kong sabi. Agad niyang tinakpan ang bibig ko. “Anastasia, may kasama tayo,” aniya sabay tingin sa driver ng sasakyan. “And so?“ “Let’s not talk about that.” “God, Philip! You’re already 25 and I am 23! Ano, kailan pa may mangyayari sa atin, kapag 60 na ako?” sarkastikong sabi ko at hindi pinansin ang nahihiyang ekspresyon niya. Bahala siya riyan! Lumaki ako sa states kaya medyo liberated akong tao. Nasanay rin ako na normal lang sa magkasintahan ang intimacy, kaya gano’n na lang ang pagkadismaya ko dahil hindi ‘yon mapunan-punan ni Philip. Ni simpleng french kiss umaayaw pa! Inisip ko na lang na masyado siyang gentleman at pinapahalagahan niya ang pagkababàe ko. Pero konting-konti na lang talaga at mapupuno na ako. Kung ‘di lang talaga ako mawawalan ng mana ay matagal ko na siyang iniwan! Ni minsan ay hindi namin nasubukang matulog nang magkasama. Kung nasa iisang kwarto man kami ay dalawa pa ang kama. Pakiramdam ko tuloy ay nandidiri siya sa akin. At ayaw ko nang gano’n! “Babe, are you mad?” “Of course,” diretsong sabi ko at masama siyang tiningnan. “Pakiramdam ko nandidiri ka sa akin, eh.” “No—“ “Dapat lang.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo alam kung ilang lalaki ang umiyak nang maging tayo,” kumpiyansang sabi ko sa kanya. “Maraming naglalaway sa akin, pero ikaw ang sinagot ko. Kaya sana punan mo naman ang pangangailangan ko.” “Anastasia…” paglalambing niya at sinubukan pang ilingkis ang braso sa baywang ko pero tinampal ko ito. “Babe… You know how much I respect you, right? I just can’t—“ “Ako na nga ang nagsasabi sa ‘yo na walanghiyain mo ako, Philip! Bastusin mo ako!” “Babe!” Sinubukan niyang takpan ang bibig ko pero tinampal ko ang kamay niya. “Ano ba, nakakahiya kay Mang Danny.” Inirapan ko lang siya. “Mas may pakialam ka pa kay Mang Danny kaysa sa akin? Why don’t you go fùck each other?” “Anatasia, please…” Napairap na lang ako saka pumagilid malapit sa bintana para makalayo sa kanya. Pinag-krus ko ang magkabilang braso ko sa aking dibdib saka itinuon ang tingin sa mga puno ng mangga. Pagkabalik na pagkabalik namin sa Manila, bibili na lang talaga ako ng vibràtor at dìldo. Mukhang mas may silbi pa ang mga ‘yon kaysa sa lalaking ‘to! Siya lang ang bukod tanging lalaking kilala ko na umayaw sa grasya! Palay na ang lumapit sa kanya, tutukain na lang niya, oh! Sa inis ko ay ‘di ko na napansin na huminto na pala ang sasakyan. “Babe, we’re here…” “Alam ko,” pagtataray ko saka binuksan ang pinto. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at nauna nang lumabas. Sinalubong kami ng tatlong babae at dalawang lalaki. Tingin ko’y mga helper sila ng mansyon. Bumati sila sa akin pero dahil wala ako sa mood ay nilagpasan ko lang sila. Mas nairita pa kasi ako dahil sa nakakapasong init ng araw. Bakit ba kasi tanghaling tapat kami pumunta rito?! “Philip, pwede bang pumasok na tayo?” naiiritang tanong ko sa kanya. “Let the helpers handle our bags!” “Okay, okay…” Nagmadali siyang lumapit sa akin. “Babe, please calm down. Baka iba ang maging impression ng mga tao sa ‘yo,” pagpapakalma niya. “So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi rin naman tayo magtatagal dito. You just need to get your uncle’s approval right? Bakit hindi mo siya tanungin ngayon agad?” “Babe, it’s not that easy, okay? Kailangan ko pang pakisamahan si Uncle Dom.” “Dom… So that’s his name, huh?” Iginala ko ang mata ko sa paligid. “But where is he? Hindi ka ba niya mahal at ‘di ka niya sinalubong?” “Galing pa po ng rancho si Señor Dom. Pero baka parating na rin po ‘yon ngayon,” magalang na sagot ng isang babae. “Sa loob na lang po kami maghihintay, Manang Tina,” magalang na sabi ni Philip. “Medyo hindi kasi sanay ang girlfriend ko sa initan.” “Hindi talaga,” segunda ko. Napailing na lang si Philip saka ako hinila papasok ng mansyon. Pagkapasok namin ay kahit papaano kumalma ako dahil medyo malamig na sa loob. Malalaki rin ang bintana at magkabilaan kaya labas-pasok ang preskong hangin. Naupo kami sa furniture na gawa sa kahoy at pinatungan ng malambot na kutson. Halos lahat ng kagamitan ay gawa sa kahoy. Marami ding paintings at portraits sa pader. Tila isang malaking ancestral house ang mansyon. At mukhang naalagaan nang maayos dahil wala akong nakikitang bakas ng sira at kalumaan. Agad kong kinuha ang cellphone ko at kumuha ng pictures. Nag-selfie na rin ako at ise-send na sana sa mga kaibigan ko pero bumalik lang ang inis ko nang makitang walang signal—ni isang bar! Saang kawalan ba ang probinsyang ‘to?! “Señorito, dumating na po si Señor Dom,” sabi ng kasambahay. “Nasa likod po siya ng mansyon.” “Sige po, pupuntahan po namin siya agad-agad,” sagot ni Philip saka bumaling sa akin. “Babe, tara…” “H-Ha? Bakit kasama ako? You just go,” pagtataboy ko sa kanya pero hinila niya pa rin ako. Mas lalo lang tuloy akong nainis. Nang makarating kami sa likod ng mansyon ay agad na nahagip ng mga mata ko ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng cowboy hat habang nakatalikod sa amin at pinapainom ng tubig ang isang puting kabayo. Wala itong suot pang-itaas. Nakasabit lang ang checkered nitong damit sa balikat niya habang sumisilip naman ang garter ng puting brief nito sa kupas na maong nitong pantalon. Kay lapad ng likod nito. Nangingintab ang katawan niya sa pawis. Bakat din ang muscles sa likod niya, at doon pa lang masasabi kong maganda ang katawan nito. His back is so sexy. He’s like a freaking cowboy in a magazine. “Uncle Dom!” masayang tawag ni Philip saka ako hinila palapit sa lalaki. Uncle Dom? Ito ang uncle niya? Akala ko matanda na ang uncle niya na may malaking tiyan at napapanot na ulo? Pagkaharap ng uncle niya ay doon na ako natigilan. Ang hot! Tama ang hinala ko na may maganda itong katawan. Namumutok ang abs nito. Tila nagmumura sa tigas. Pero kung may nakapukaw man ng atensyon ko, iyon ay ang malaking dragon na tattoo nito sa kanyang kaliwang dibdib pababa sa gilid ng kanyang abs habang ang buntot nito ay natatakpan ng brief nito. Hindi ko mapigilang mapalunok. Shìt. Gusto kong makita ang buntot ng dragon niya. Naglaho ang lahat ng inis na nararamdaman ko. Pakiramdam ko’y hindi ako mababagot sa dalawang linggong pamamalagi ko sa hacienda ng mga De Salvi. At salamat ‘yon kay Uncle Dom!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD