Chapter 1

3976 Words
"Ayan your so pretty na hihihi!" Magiliw na sabi ni Aria habang sinusuotan niya ng damit ang kanyang doll. "Aria hindi ka pa ba tapos diyan? Aba, iha higit isang oras ka ng naglalaro. Ni hindi mo ginagalaw yang meryenda na bigay ko!" Sermon sa kanya ng kanyang yaya Rosa. "Just a little minute yaya Rosa. I'm not done yet!" "Hay nako bata ka! Dalian mo na lang diyan!" Suko na sabi nito. "Okie yaya Rosa!" Umalis na ito sa living room at dumiretso na sa kitchen. Sa murang edad ay tanging ang yaya Rosa niya lang ang kalaro niya. Nasa ancestral house na pag-mamay ari ng lola niya sila nakatira kasama ng magulang niya. Malayo ang mga bahay bahay rito sa Cagayan. Maliban sa isang malaking bahay sa tabi nila. Ngunit caretaker lang ang nandiyan dahil ang may-ari ng bahay na ito ay umalis daw at nangibang bansa. "Done" she happily said nang matapos niyang ayusan ang kanyang Bratz doll. Dadalhin niya na lang ito sa tabi ng kwarto niya kung saan nandon ang iba pa pang collection niya na laruan. Liligpitin niya na sana ang mga nakakalat na iba pang laruan sa mesa at sahig nang may narinig siyang malakas na busina sa labas. "Baka si Daddy na yan!" Sigaw niya at masayang lumabas ng bahay. Iniwan ang mga laruan na nakakalat. Tumakbo siya hanggang sa gate at tinulak ang gate. Ngunit kumunot-noo siya ng hindi ang Daddy niya ang naabutan niya kundi isang hindi kilala na sasakyan ang dumating. Nasisigurado niya na hindi ito papunta papasok ng bahay nila kundi sa kabila. Magara ang sasakyan nito. Bumisina ang kotse at lumabas si Mang Canor, ang caretaker ng bahay. "Maligayang pagdating Sir. Vance!" Masayang bati nito sa kausap. Habang nakatingin siya sa kausap ni Mang Canor ay may narinig siyang tumatawag sa kanya. "Pssstt!!" Tawag nito. Lumingon si Aria. Nakita niya ang lalakeng kung titignan ay medyo mas matanda sa kanya. Nakangiti ito at kumakaway. "Hi!" He happily said. She blushed and shyly waived at him. "Who's that Valen?" A woman's voice inside the car at dahil maliit siya ay hindi niya makita dahil nasa kabila ito. Tabi ng driver. "A pretty girl Mommy!" Valen answered to his mom. "What did I said to you Valen? Don't talk to strangers!" Pagalit na sermon nito kay Valen. Sumimangot naman si Valen habang nakatingin sa kanyang ina ngunit ng bumaling sa kanya ang tingin ay ngumiti. She blushed again. His smile is cute. "Bye pretty girl!" He shouts and closed the car's window. Mukhang tanga siyang nakatayo sa gate kaya papasok na sana siya nang nakita niya ang ama ng lalake na nakatitig sa kanya. Malalim ang titig nito ngunit pinaandar na nito ang sasakyan at pumasok sa abandoned house. Kinagabihan na dumating ang kanyang mga magulang. Sinalubong niya ang dalawa at hinalikan ang mga ito sa pisngi. "How's our princess?" Her daddy asked. "Great Daddy!" Aria answered. Gumanti lang ng malaking ngiti ang Mommy niya at tinanong ang katulong sa tabi kung handa na ba ang kanilang dinner. "Yes ma'am!" Tumango ang kanyang Mommy at pumunta na sila sa dining room. Nagsimula na silang kumain. Habang nilalagyan ng Daddy niya ang plato niya ay nagtanong na siya. "Daddy sino po yung mga tao sa kabilang bahay?" Tanong niya habang kinakagat yung favorite niyang fried chicken. Kumunot-noo si Clixton maging ang mommy niya rin. "Tao? What do you mean Aria? Kilala mo naman si Mang Canor diba?" Inabot ni Aria ang ketchup sa gilid ng kanyang plato saka sinawsaw ang fried chicken na hawak niya bago sumagot. "Nope Daddy there's a new faces out there. Nakasakay nga po sa magandang sasakyan kanina. Family po ba ni Mang Canor yun Dad?" Inosente niyang tanong saka sumubo ulit ng pagkain. Nagbago ang facial expression ni Clixton. Kung kanina ay nakangiti pa ito ngayon ay biglang sumeryoso. Bumaling ang tingin ni Clixton sa asawa at tama siya ganon rin ang nakita niya sa mukha nito. "So they're back?" Bulong na tanong ni Amelia at sapat na iyon para marinig ng kanyang anak. "You know them Mommy?" She innocently asked. Titig na titig siya dito. Tumingin sa kanya ang kanyang ina saka matamis na nginitian at kinuha ang kutsara pagkatapos nilagyan ng kanin at gulay saka siya sinubuan. Sumimangot siya habang ngumunguya. She's not a baby anymore. Seven years old na nga siya eh. "I'm not a baby anymore Mommy!" Reklamo niya. Tumawa lang ito saka ginulo ang buhok niya. "You're still a baby!" Umirap siya. "Don't change the topic Mommy. You know them?" Huminga ng malalim si Amelia saka inalis ang tingin sa anak. "Yes, I knew them but they are not a family related. They are....ahm.....they are--". Hindi alam ng nanay niya kung ano ang sasabihin at mabuti na lang dinugtungan ito ng asawa niya. "They are the family of your grandmama's friend. When your lola got married. She bought a land near to her loyal friend so that everytime they need each other's help. They run each other." Tumango tango siya. "If that's the case then our family is still friends right? Can I be close to them?" Nagniningning ang mata ni Aria sa naiisip. Knowing may makakalaro na rin siya. Umiling agad agad ang nanay niya. "They are just your lola's friend. Not our family friend!" Pagdidiin nito. Mukha na atang galit. Pasimpleng hinawakan ni Clixton ang kamay ng asawa sa baba ng lamesa saka nagkatitigan. Mukhang nakikipag-usap ang mga mata nito sa isa't-isa. Unti-unting kumalma si Amelia. Oh? Nalungkot siya bigla. Masama na ba makipag-kaibigan? Huminga ng malalim si Amelia at tinignan naman siya ng kanyang ama saka ngumiti. "Your done with your food Aria. Go upstairs and work with your assignments. Susunod si Daddy sayo to help you!" Bagsak ang braso niyang tumayo saka naglakad patungong stairs. Hindi niya na naririnig ang pag-uusap ng dalawa basta ang alam niya lang ay mukhang pinagbabawal siyang lumapit sa mga ito. Bakit kaya? Lumipas ang limang araw ay weekend na naman. Sa limang araw na yun hindi niya na nakita ang mga bagong lipat. Naging busy rin siya sa school kaya hindi siya rin napapansin kung lumalabas ba ito o hinde. Aria decided to go out using her bike. Wala ang magulang niya dahil sabi nito ay may aasikasuhin daw silang business sa bayan. "Aria saan ka pupunta?" Tanong ng kanyang yaya Rosa habang kinukuha niya ang bike sa garahe. "Maglilibot lang yaya Rosa!" Kapag ganito ang sinasabi niya ay alam na nito kung saan siya pupunta. Hindi naman siya umaabot na umalis sa lugar nila dahil panigurado ay sesermunan siya ng nanay niya pagka-uwi. "Ok cge ingat ka ah!" Paalala nito. Nag-ok sign na siya at sumakay na sa kanyang bike. Bago pa man siya umalis ay tinititigan niya ang bahay sa tapat nila. Mukha atang walang tao ulit pero nandon ang sasakyan. Ang tahimik kasi. Nandiyan kaya yung lalake? Tanong niya sa isip niya ngunit pagkunwan nagkibit balikat siya at umalis. Her Daddy taught him how to used her bike. She's a fast learner kaya kahit mag-isa lang siya lumilibot libot dito sa lugar niya ay safe siya. Dumaan siya sa iba pang parte ng bahay ng lalake at masasabi niya ngang mas malaki ang bahay nito kaysa sa kanila. Farm house rin ito katulad ng kanila. Hindi pinaderan ng semento kundi kahoy rin kaya kitang kita ang exterior ng bahay. Papasok na siya sa lugar kung san maganda talaga tignan ang mga malalaking puno sa gilid ng daan. May mga bench dito sa kung saan pwede mong tambayan kapag gusto mo mag-isip or mag-relax sa mga natural na ganda nito. May malawak rin na field kung gusto mo manood ng sunset at sunrise. Bibihira ang mga dumadaan dito na sasakyan kaya wala talagang maiistorbo sayo. Nirerelax niya ang sarili niya habang ninamnamnam ang tanawin ngunit naputol ito nang may marinig na tumatawag sa kanya. Mali pala siya sa walang istorbo tss! "Psttt!!!" Sino naman kaya iyon? Tumigil siya sa pagba-bike at tinignan iyon. Hindi siya nagkakamali ito yung lalake sa sasakyan. May dala rin itong bike at kumakaway sa kanya. Binilisan niyo ang pagba-bike hanggang sa tumigil ito sa gilid niya. "Hello pretty neighbor!" Bati nito sa kanya. She blushed. Tinawag na naman siya nitong pretty. "He-hello!" Nauutal niyang bati. "I'm Valen. Zeus Valen Lexington and you?" Pakilala nito at nilahad ang kamay. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito at nahihiyang tinanggap. "Aria. I'm Aria Forbes" "Nice to meet you Aria! So anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Valen sa kanya habang nililibot ang tingin sa mga puno. Kita sa kislap sa mga mata nito na sobrang saya niya. Ngumiti siya. "Wala lang kapag bagot ako sa bahay ay naglilibot ako dito sa Hacienda Familia. Ikaw ngayon lang kita nakita ulit?" Tanong niya. "Bakit na-mimiss mo na ako?" Pang-aasar nito sa kanya. Aria raised her eyebrow. "Kapal mo!" Humalakhak naman si Valen. "Nakita kasi kitang lumabas ng bahay niyo kaya sinundan kita." Mas lalong tumaas ang kilay niya. Nakita? Eh hindi nga niya nakita ito eh? "Papano mo ako nakita eh noong tumingin ako sa bahay niyo kulang na lang bahayan ulit yun ng multo dahil sa walang katao tao eh?!" Ngumisi ito. "See? Sabi ko na namimiss mo nga ako?" Anito at tumawa ng malakas. Napatigil naman si Aria sa sinabi. Ramdam niyang mainit na mainit ang pisngi niya. Masyado ba siyang halata? Hindi napigilan ni Aria ang sarili at hinampas niya ang braso nito. Napa-aray naman ito agad ngunit hindi siya nakonsensya. "Bahala ka na nga diyan!" Asar na sabi niya at sinimulan na ipidal ang bike. Mabilis naman ang kilos ni Valen at sinundan si Aria. "Antayin mo ako ito naman asar agad?!" Tss. Bahala ka na nga diyan! Bulong niya sa sarili. "Sorry na nakikipag-kaibigan lang naman eh!" She rolled her eyes. "What if ayoko?" "Sus alam kong hindi mo matitiis tong gwapo kong mukha?!" Napaismid siya. "Teka diba galing ka sa ibang bansa? Anong bansa yun at bakit marunong ka magtagalog?" Pag-iiba niya ng usapan. Tumawa si Valen at sinubukan nitong lumapit sa kanya saka pinisil ng pisngi niya. Napa-aray naman siya. "You're really cute Aria!" What? Anong cute ron sa tanong niya? "Actually I was born here in Cagayan but I grew up in States at kahit naman lumaki ako ron syempre kailangan pa rin matutunan ang native language kaya isa rin yun sa inaaral ko!" Paliwanag nito. Tumango siya. Sabagay tama naman ito. "Ayaw mo ba mag-stay dito?" "Bakit ayaw mo ako umalis?" Pang-aasar ulit ni Valen sa babae. Asar na namang binalingan ni Aria si Valen. Wala na bang masabi ito at puro walang kwentang side comments? "Alam mo ewan ko sayo!" Pagkasabi niya ay mas binilisan niya ang takbo ng bike niya. Lumiko siya sa kaliwang daan papuntang lake. "Ang hilig mo naman mang-iwan. Race tayo gusto mo? Paunahan papuntang lake?" Kumunot-noo siya. "Papano mo nalaman patungo ron? Favorite place ko yun eh!" Nagulat siya sa sinabi nito. "Anong akala mo sakin taong bahay lang? Syempre gusto ko rin naman iexplore tong lugar na to no. It always amaze me. Sobrang ganda ng Familia Hacienda!" "Oo naman no my grandmama has a great taste when it comes to nature!" Pagmamayabang niya. Totoo naman kasi. Pinasadya ng kanyang lola na tumingin ng magandang spot na lugar kung saan pwede itong manirahan at magpahinga. Sakto na noong dalaga pa ito at naligaw sa kagubatan. Nakita niya ang lugar ng Familia Hacienda. Wala itong sinabi at sumang-ayon lang kaya naman napangisi si Aria at pinidal ng mabilis ang kanyang bike para unahan si Valen. Mukha naman itong nagulat at sinubukan habulin siya ngunit alam niya ng mananalo siya dahil nakikita niya na ang asul na lawa. "YES!!" She happily exclaimed. "I won!" Pang-aasar niya sa lalake. Tumawa naman si Valen. "Mali wala ka pa sa daungan ng lawa." Pagkatapos nito sabihin ay bumaba ito ng bike at tumakbo patungo sa lake. Nataranta naman siya at bumaba rin sa kanyang bike. "Oy ang daya mo?" Sigaw niya at kabayong takbo ang ginawa para maunahan niya si Valen. Matangkad si Valen kumpara sa kanya na hanggang kalahati lang ng braso nito ang height niya. Kaya hingal na hingal siya ng huminto sa harapan nito. Nasa daungan na pala sila. "Daya mo!" Inis na sabi niya. Nginisian lang siya nito at tumalikod. Nilagay nito ang mga kamay sa bewang at pumikit. Nilalanghap ang sariwang hangin ng lake. Siya naman ay pinapanood lang ang ginagawa nito. "Hayss this is life!" "Wala bang ganito sa States?" Curious niyang tanong. "You mean in City? Well the answer is no." Napataas siya ng kilay. Ginagago ba siya nito malamang city yon wala namang ganitong lugar sa mga naglalakihang bahay at buildings sa City. "Malamang sa probinsya lang makikita ang ganito no?" Nakakailan na talaga ito. "Ito naman ang pikon pikon. Relax ka lang Aria nagbibiro lang ako. Ang cute mo kasi maasar hahaha!" Napairap siya pero ramdam niyang nag-init ulit ang pisngi niya. "Eesh!" sagot niya at walang atubiling kumuha siya ng tubig sa lawa at sinabuyan ito. Hindi naman ito naka-ilag agad dahil sa gulat. "Aria!" Sabi lang nito ngunit hindi niya it pinansin at tuloy tuloy lang siya sa pagsasaboy ng tubig rito. Enjoy na enjoy siya dahil hindi nito alam ang gagawin. "Stop it, Please hahahaha!" Hindi naman naaasar sa kanya si Valen bagkus natutuwa pa ito habang pinanangga ang kamay sa mukha. "What if I don't like?" "Then can we became friends?" Tanong nito sa kalagitnaan ng pagsaboy niyang tubig. Gumaganti na rin ito sa kanya. Pareho na silang basa. "No!" Labas sa ilong niyang sabi. "Ah ganon?" Mas sinabuyan ng mas malakas ni Valen. Hanggang sa hindi nila namalayan na mahigit isang oras na pala silang naglalaro. Basa na ang damit nila pero nagdecide pa rin silang pumunta ng flower farm. Malapit lang ito sa lawa. Pwede mong lakarin ngunit mas better pa rin kung may bike ka. "Saan tayo ngayon?" Tanong ni Valen. "Kaliwa lang tayo. Nakikita mo na dalawa lang daan. Isa pabalik ng bahay natin at isa papuntang flower farm." "Oh? Akala ko papuntang ibang probinsya na yan eh. Medyo masukal na yung daan." Tumawa siya. "Parte pa rin yan ng Familia Hacienda kaya halika na." Nilandas na nila ang papunta sa lugar na 'yon. Habang tumatagal ay hindi na puro malalaking puno ang nakikita nila kundi may mga iba't-ibang bulaklak na sa paligid. "Wow!" Namamangha na bulalas ni Valen sa archway ng Flower Farm. Punong puno ito ng iba't-ibang kulay ng Bougainvillea. "My Dad said my grandmama's friend loves flowers. So I guest it is your lola." "I never heard about that?" Napataas siya ng kilay. Totoo? Hindi ba sila close ng lola niya? Huminto sila sa isang malaking cottage. Bumaba siya at iniwan ang bike maging si Valen at tumakbo sa loob. "Aling Lila! Aling Lilia!" Masayang tawag niya sa isang katiwala ng Hacienda. "Aria?" Hindi sure na tanong ng matanda at bumaba mula sa second floor. "Aling Lilia I'm here!" Masayang bati ni Aria. Si Valen naman ay nandon lang sa veranda ng bahay. Hindi siya pumapasok sa hindi kilalang bahay. "Aria!" Lumawak ang ngiti ng matanda nang makita ang apu-apuhan ngunit nawala rin agad nang makita ang suot nito. "Bakit basang-basa ka?" Lukot noong tanong nito. "Naglaro kami ni Valen!" "Valen? Sinong Valen? Juskong bata ka kung kani-kanino ka nakikipaglaro sa hindi mo kilala!" Nagugulahang sermon ng Ale. "Si Valen po apo ng kaibigan ng lola ko." Kaswal na sagot niya. Hindi niya alam kung kilalanin niya itong kaibigan or hinde eh. Masyadong mapang-asar. Lumaki naman ang mata nito at bumaling ang tingin sa likod niya. Nandon pa rin si Valen sa veranda nanonood lang sa kanila. "Ikaw pala yung apo ni Doña Clara?!" Namamanghang tanong nito. Tumango lang si Valen at pumasok na. Nagmano ito kay Aling Lilia. "Aba at kay gwapong bata pa!" Aling Lilia wag masyado baka lalong lumaki tenga ng isa diyan. "Thank you po!" Magalang na sagot ni Valen. "Buti naman Aria may may makakalaro ka na rin. Hindi puro si yaya Rosa mo ang kalaro mo parati. O siya cge na at magbihis na kayo. Basang basa kayo oh?!" "Wala po akong damit!" Napatampal ng noo si Aria. Oo nga pala siya lang ang merong gamit dito. Kapag gusto niya kasing maglaro maghapon sa flower farm or sa lawa. Hindi niya na kailangan pang bumalik ng bahay niya. Sinadya niya na lang maglagay dahil mas malapit ang lawa at flower farm kaysa sa bahay niya. "Don't worry Iho magagawan ng paraan yan. Alis muna ako at kukunin ko na agad ang damit mo." Nahiya naman bigla si Valen. "Nag-abala pa po kayo!" Umiling lang ang Ale. "Walang problema iho isa yan sa trabaho ko. O ano Aria aalis muna ako ah. Magbihis ka na." "Opo thank you Aling Lilia!" Binalingan ni Aria si Valen. Nakatingin lang rin ito sa kanya na mukhang may malalim na iniisip. "Valen ok ka lang?" Para naman bumalik ito sa wisyo at tumango. "Ah ha? Oo ok lang ako." "May problema ba?" Curious niyang tanong at lumapit sa kanya. Tipid ito ngumiti and give her an assurance na ok talaga ito. Tumango lang si Aria at hinila ito ang kamay ni Valen patungo sa sofa. "Dito ka lang ah? Magbibihis lang ako. Don't worry sandali lang si Aling Lilia babalik rin yun agad. Hindi ka magkakasakit agad." "I'm not easily infected to any disease, Aria!" Yabang talaga tss! She just rolled her eyes and ignored him. She run up to the second floor and open her own bedroom. Aria dressed up as a cow girl style in her cute little dress. After that she went down the stairs amd trying to find Valen but he's out of nowhere. "Valen nasan ka?" She shouts. After a few minutes. She saw him went out to the kitchen. He must be dressed up in the kitchen restroom. He wears a simple black t-shirt and pants, yet it looks attractive. His eyes locked in her. She saw how he scan her dress. "Cute!" He commented. Her cheeks burned. It looks tomato now. "Cute like a witch doll!" He added then smirked. Umusok bigla ang ilong niya. Langya talagang lalakeng 'tong eh. Kaya ayaw niya maging kaibigan ito. "Jerk!" She shouts at him. He laughed. "Baby your mouth it's bad. Your just seven years old, I guess!" "And you? You look like a old man with many wrinkles to me!" "Well Aria, fyi I'm really older than you. Three years perhaps!" Really? Kaya pala unang kita niya palang to medyo may katandaan nga sa kanya. At kung pano ito magsalita, may naalala tuloy siya. "See? I'm right then, old man!" She teased. "Aria!" Someone called, it's Aling Lilia. Nakangiti ito habang pinapanood silang dalawa ngunit ang parang may kahulugan ata iyon. "Bakit hindi mo na lang kaya ipasyal yang kaibigan mo kesa magtalo kayo? Parehas naman kayong maganda at gwapo. In fact bagay nga kayo!" Hindi maunawaan ni Aria ang huling sinabi ng matanda dahil pabulong ito. Ngunit sapat na yon para malaman na maganda siya at gwapo si Valen. Tss. Hindi gwapo yan! Hambog! "Aling Lilia may sinasabi po kayo?" Agaran naman ito umiling. "Wala iha oh siya tama na yan at ipasyal mo naman si Valen sa ganda ng flower farm." Tumango siya kahit papano pagmamay-ari ng lalake ito. Binalingan niya si Valen. "Lika na ipapasyal kita dito." "Ok. Aling Lilia mauna na po kami." Magalang nitong paalam. Tignan mo to kapag sa ibang tao napaka-bait sa kanya lang tumutubo yung horn nito. "Cge cge mag-ingat kayo Valen at Aria. " Tuluyan na silang nagpaalam. Nauna siya rito. Binuksan niya ang bakod at pumasok sa malaking field na punong puno ng ibat-ibang klaseng bulaklak. May mga rosas, tulips, dahlia, carnation, sunflowers at iba pa. "Valen saang bulaklak mo gusto pumunta mun----" hindi niya natuloy ang sasabihin nang lumingon siya sa likod niya ay wala ito. "Valen?!" Tawag niya. At lumingon lingon sa paligid. Nasaan na ba ang hambog na yun? "Val---" hindi niya na naman natuloy ang sasabihin niya nang may naglahad sa kanya ng tatlong sunflowers. Lumingon siya sa kung sino yon only to find out it's Valen. Malaki ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. "Oh?" Sabi nito. Mula sa cottage nakatanaw lang si Lilia sa dalawa. "Tignan mo nga naman Doña Clara at Doña Isabel. Mukha atang magkatotoo yung pangarap niyo." Bulong niya sa hangin. Nakatitig lang si Aria kay Valen ngunit pagkunwan ay tinanggap niya rin ito. But wait.. "Baka naman trip mo na naman to?" Mahirap na. "I can teased you in everything but I never trip any girl's feelings." Hindi niya alam kung pano ang sasabihin kaya nag-aya na lang siya lumibot sa iba pang parte ng flower farm. Mukha namang nag-enjoy ito dahil tinawag sila ng iba pang katiwala upang matuto rin magtanim ng mga rosas. After a couple of hours ay pagod na sila. They decided to rest at the ceranda. Aling Lilia gave them two orange juice and cupcakes. Nagpasalamat muna sila bago ito umalis. "Can I asked you a question?" He asked. Lumingon siya rito habang binabalatan ang cupcake. "Ano yun?" "Bakit wala kang kaibigan at sabi yaya mo lang raw ang nakakalaro mo?" Intriga nito. Kumagat muna siya bago nagsalita. "Probinsya ito. Malayo layo rin ang agwat ng mga bahay bahay dito hindi katulad sa mga city na dikit dikit." Napataas kilay ito. "Oh? It doesn't make sense pwede naman sila pumunta punta dito. Nag-aaral ka naman sa school diba? Unless home-school based ka?" "Hindi uso ang home-school based dito hindi katulad niyo na foreigner. Ang mga kaklase ko ay hindi ko katulad. Maginhawa at nakukuha ko pa rin ang gusto ko. Sila ay todo kayod ang mga magulang para lang makapag-aral sila. May iba sa kanila na bibihira pumasok para lang tumulong sa nanay at tatay nila." Sumang-ayon naman ito. "Pero kapag nasa school ka naman nakikipaglaro ka naman? At may kaibigan ka rin?" "Oo naman no?" Sagot niya. Natahimik bigla ang paligid kaya inabot niya ang juice at uminom. "Ikaw dito ka na ba titira permanently?" Turn niya naman magtanong. "I don't know to my parents. They said, they will be busy for their business." Ah ok. "May crush ka na ba?" Ewan kung bakit niya natanong yun. Uminom ito ng juice at kumagat ng cupcake bago nagsalita. "Why did you asked?" Kailangan talaga may dahilan lagi? "Wala lang!" "So you're interested with me, huh?" "Edi wag!" Umingos siya. Tumawa naman ito ng napakalakas. "Secret!" Sagot nito. Pagkatapos nila kumain ay nag-aya siya umikot sa iba pang parte ng flower. Hindi na nila namalayan na pagabi na pala. Nagpasya na silang magpaalam kay Aling Lilia. "Mag-iingat kayo!" Bilin lang nito at umalis na sila. Hindi pa naman cguro siya masesermonan dahil wala pa ang mga magulang niya kapag ganitong oras. "Hindi ka ba pagagalitan kasi gabi na tayo uuwi?" Tanong niya kay Valen sa kalagitnaan ng kanilang pagba-bike. "Hinde." Malungkot nitong sabi. "Eh bakit parang malungkot ka pa?" Curious niyang tanong. Nakikita niya rin sa mga mata nito ang kalungkutan dahil kahit gabi ay ang liwanag na nagsisilbing gabay nila ay ang mga lamppost. "Wala." Sagot lang nito. "Paano kita magiging kaibigan kung may tinatago ka?" Totoo naman eh. Napahinto ito at seryoso siyang tinignan. Ganun rin siya. "So pumapayag ka na maging kaibigan ko?" Natutop niya ang kanyang bibig. Pumapayag na ba siya? "I will asked you again. Can I be your friend?" Sa totoo lang may tanong sa kanyang isip kung bakit parang ayaw niya rin makipag-kaibigan rito. Sa reaksyon ng kanyang Mommy parang sinasabi na hindi dapat kami makipag-kaibigan sa kanila. Lalo na sa kanya. But they are my grandmama's family? Humugot tuloy siya ng malalim na hininga saka pumikit. Muli niyang idinilat at tumingin rito. "Yes." ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD