"SA LOOB ng maraming taon ay nirespeto ko kayo, Tita Neri. Sana ngayon ay respetuhin niyo rin ang nararamdaman ko!" Kitang-kita ni Attorney Nerilyn Dizon ang galit sa mukha ni Phillip habang kinakausap niya ito sa restaurant 'di kalayuan sa ospital kung saan naka-admit ang pamangkin niya. Hindi sila puwedeng manatili sa ospital dahil maaring malaman ni Aurora ang pagbabantang kaguluhan ni Phillip. Isama pa na ginulo ni Phillip ang ospital kanina dahilan para i-ban ito roon. "Bakit ba kailangang parusahin niyo ako ng ganito? Ginusto ko ba ang lahat ng nangyari kay Aurora? Isa lang ako sa mga biktima. Alam ko na puwede niyo akong sisihin dahil kung hindi siya nalapit sa akin, 'di mangyayari ito. Kung pinigilan ko lang ang damdamin ko. Pero hindi ko ginusto ang lahat! Sana maintind

