Flashback... "HANGGANG ngayon ba ay hindi ka pa rin titigil sa pakikipagkita sa babaeng 'yun?" Mula sa pagkakangiti dahil sa pagkakasama nila ni Aurora ngayong araw ay napasimangot si Phillip nang marinig ang sinabi ng kanya. Its been more than a year since he was seeing Aurora and bitter was still on his Mom's voice. Patuloy pa rin itong nagiging kontrabida sa buhay pag-ibig niya. Mabuti sana kung ang mga pinagsasabi nito ay ang mga hinaing niya noon kung bakit nilalayuan niya si Aurora. Pero hindi ang future ang iniisip nito kundi ang nakaraan. Ang nakaraan na sa totoo lang ay wala naman dapat pakialam sa relasyon nila dahil ngayon ay nasa kasalukuyan sila. Wala rin iyong magiging epekto sa nakaraan kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin maka-move-on move on a

