Chapter 4

1268 Words
"I told you Miss Reyes to always lock the door when you go out from his room!" Napapikit siya sa sigaw ng psychiatrist ng kanyang inaalagaang pasyente. "N-Nataranta po kasi ako-" "That's not enough reason for you to forget to lock the door! Miss Reyes, paano nalang kung biglang nag-shift ang personality niya?! His condition is unpredictable and dangerous!" Naikuyom niya ang kanyang kamao. Gustong-gusto niya itong sagutin ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. She works under Miss Navarro now so she needs to follow her orders.  "Naman Miss Reyes! It's your first day of looking after him tapos nagkamali ka na agad?!" "I-I'm sorry, hindi ko na po uulitin..." "Dapat lang! You should never repeat that or else, maaga kang mawawalan ng trabaho!" Naikuyom niya ang kanyang kamao at napipilitang tumango. Ito naman ay padabog na lumabas ng opisina. She heaved out a deep sigh tsaka kinuha ang mga gamit na pinapadala sa kanya ng psychiatrist sa kwarto ng kanyang pasyente. Nanlalatang lumabas siya sa opisina nito. Sumakay nalang siya ng elevator para mas mabilis siyang makarating sa floor na kung saan siya naka-assigned. Nang makalabas siya ng elevator ay agad niyang tinungo ang kwarto ni Mr. Hernandez. She unlocked the door using her key. Akmang pipihitin niya ang doorknob nang bigla niyang maalala na ayaw pala nitong agad-agad na pumapasok nang hindi kumakatok. She knocked three times and waited for a few seconds at tsaka binuksan ang pintuan. Pagkabukas at pagkabukas niya ng pintuan ay agad na sumalubong sa kanya ang kanyang natutulog na pasiyente. Nasa gilid nito ang mesa kung saan nakapatong ang isang bottled water at mga nakabukas na medisina. Lumapit siya dito at napabuntong-hininga nang hindi nito ininom ang mga nireseta nitong gamot. Sinilip niya ito. There it is again, bakit ba bigla nalang siyang natutulala pag nakikita ang gwapo nitong mukha? Hindi naman siya pabebe, she can't deny na gwapo talaga ang lalaki. Sa itsura nito ay hindi ito mukhang Pilipino. He has this pointed nose and beautiful pair of eyes. Medyo may pagka-blonde ang kulay ng buhok nito. Humila siya ng upuan at tsaka umupo sa tabi nito. Nakatingin lang siya dito nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Miss Navarro kanina sa kanya tungkol kay Thunder. It's not right to treat him like that. Hindi gagaling sa ganoong paraan ang pasyente. Thunder Hernandez' metal problem is curable. Kailangan lang itong kausapin ng kausapin. He just needs to be exposed outside, not to be locked inside his four-walled padded room. Aaminin niya, naiinis siya dito sa lalaking ito since the first time she knew him, pero para sakanya hindi naman dangerous itong lalaking ito. She can't sense anything dangerous in him. "Why won't you just take a picture of me? Mas tatagal 'yon." Kumabog ang kanyang dibdib nang marinig ang baritono nitong boses. Bahagya siyang napaurong sa kanyang kinauupuan nang bigla itong dumilat at tsaka siya tinignan. Pinasadhan siya nito ng tingin. "Am I right Sunshine Calixia Reyes?" "How did you?-" pinutol nito ang kanyang tanong nang itinuro nito ang kanyang name tag na naka-pin sa taas ng kanyang kanan na dibdib. Napakurap-kurap siya. "You're two hours late, I only gave you ten minutes to come back." Pasimple niya itong inirapan. "I was called by Miss Navarro in her office, sir. I'm so sorry." Imbes na sumagot ay tinitigan lang siya nito. Umiwas siya ng tingin. Nakakailang kasi ang paraan ng pagtitig nito sakanya. "Why aren't you looking at me? Kanina lang, parang gusto mo na akong hubaran sa pagtingin mo sakin." Putragis! Hindi lang pala baliw! Ambisyoso pa! Kung pwede lang itong kutusan, kanina niya pa ginawa e! Naikuyom niya ang kanyang kamao. "Anyway, I didn't eat." Nanlaki ang kanyang mga mata. What the hell? Ang alam niya, may nagdala dito ng pagkain habang nasa loob siya ng opisina ni Miss Navarro. "Wala po bang nagdala ng pagkain dito?" Napatingin ito sakanya. "Meron, but I don't want to eat it." "You need to eat sir. Iinumin niyo pa po-" "I don't want to drink those s**t!" he roared. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumayo dito. Nakita niya naman na napatigil ito. "I-I'm sorry... I-I just don't want to drink those..." Sabi nito at tsaka humigang muli. Hinila nito ang kumot nito at tsaka ibinalot sa sarili nito. "Get out." "Pero sir, kailangan niyo pa pong kumain-" "Kakain ako mamaya,wala akong gana ngayon... I'll also drink those medicines later... Just get out." Napabuntong-hininga siya at tsaka lumabas ng kwarto. She made sure the door is locked before leaving that place. --- Mariin siyang napapikit nang marinig ang tunog ng pag-lock ng pintuan. Is he really that dangerous that they really need to lock him inside this padded room? He clenched his fist. Napatingin siya sa mesa na nasa kanyang tabi. Doon nakapatong ang isang bote ng mineral water at mga medisina na dapat niyang inumin ngayon. Pagak siyang napatawa nang bigla niyang maalala ang reaksyon ng kanyang nurse kanina. Fear was visible to her face when he roared earlier. People are scared of him now. He's dangerous, he can kill anyone once his personality switches. Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa buong mundo, isa pa siya sa nagkaroon ng ganitong sakit? He bit his lips. His mental sickness is the main reason of the bad happenings in his life. Why people are afraid of him. Why Jerome died. And why Yvonne left him. Kung sana ay hindi lang niya nasaksihan ang ginawang pagpatay ng kanyang ama sa kanyang kuya noon ay hindi ito mangyayari. Seeing his own father killing his own brother was traumatizing. His father was under the influence of drugs when he stabbed his brother for twenty five times using a kitchen knife. Kung hindi dumating ang mga pulis, sila na sanang dalawa ng kanyang ate ang isusunod ng kanyang ama. After the incident, he and his older sister had undergone to a stress debriefing but didn't help them. Both of them became traumatized ngunit mas naunang nabaliw ang kanyang ate sa kanilang dalawa, ito kasi ang pinaka-naapektuhan dahil nagawa pa itong saksakin ng kanyang ama sa kaliwang mata nito. He saw how devastated she was. He saw how she cried every day. He saw how she talked to herself and how she took her life using the same weapon that his father used to kill his brother. He and her mother were left alone. Namatay ang kanyang dalawang nakakatandang kapatid -no, pinatay sila. His father killed his brother was killed physically while his sister was emotionally. Wala na siyang ibang nakakausap ng matino noon, lahat ng tao ay iniiwasan siya. Even his old friends and classmates avoided him. Except for one, Jerome never left his side. He always comforts him like what friends do. Masaya na sana siya at unti-unti nang bumabalik ang kanyang dating sigla nang bigla nalang silang pinatawag sa principal's office. He killed Jerome. He killed his own friend. Wala siyang alam kung bakit at paano iyon nangyari. Jerome was his friend, ang alam niya lang ay hindi niya ito kayang patayin, kahit ang saktan man lang ay hindi niya dito kayang gawin. His mother decided to get him checked to a doctor but they were referred to a psychiatrist instead. Naikuyom niya ang kanyang kamao at napapikit ng mariin. Everything still pains him. "Why are you such a crybaby?" Mabilis siyang napadilat nang marinig ang boses na iyon. Agad na tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang nurse na nakangiti sakanya. Kumabog ang kanyang dibdib. Is it just him or she really sounded like someone he knew in the past?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD