LESSON 21 “Protect Her” NAKAKAPANIBAGO ang araw na iyon ng Lunes. Kung pangkaraniwang araw ay napakaraming estudyante ang bubungad sa iyo pagpasok mo ng Santa Clara National High School, iba ng araw na iyon. Mabibilang lang sa daliri ang estudyante na nakikita ni Abby. Iilan lang ang pumasok. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon. Halos lahat ay takot nang pumasok sa kanilang school dahil sa sunud-sunod na pagpatay sa mga estudyante. Ngunit siya ay hindi natatakot. Alam naman kasi niya na ang target ng killer ay mga bully at hindi naman siya kabilang sa mga bully. Noong isang linggo ay idinulog niya kay Principal De Vera ang kanyang natuklasan. Sinabi niya dito na maaaring si Bridgette ang killer dahil sa kaparehas ng handwriting nito ang handwriting ng nasa notebook. Agad silang n

