LESSON 19

2245 Words

LESSON 19 “Problem Solved?” HALOS buto na lang ang natitira sa isang braso ni Roxanne nang tigilan iyon ni Gail. Nasanay na siya sa lasa ng laman ng tao at dugo. Nasanay na ang kanyang sikmura. Kung noong una ay nasusuka pa siya, ngayon ay hindi na. Kahit papaano naman ay naibsan niyon ang gutom na kanyang nararamdaman. Umikot ang kanyang mata sa paligid. Ngayong may lakas na siya kahit papaano ang kailangan naman niyang gawin ay mag-isip ng paraan kung paano siya makakatakas. Dumako ang mata niya sa box na nasa ibabaw ng lamesa. May mga laman nga pala ang box na naroon. Dalawang kahon na lang ang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Baka isa sa mga laman niyon ay magagamit niya para makatakas. Ang kailangan lang niyang gawin ay makalapit doon. Inusog niya ulit nang inusog ang upuan palapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD