Chapter 8 (Miserable)

1575 Words
Selene Caz "Selene, actually... hindi ko alam ang dapat sabihin ngayong wala na si Chara." seryosong sabi ni Clyde "Uhmm... kung gusto mo magpahinga ka muna, kami na munang bahala dito" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Gusto kong magpahinga, gustong-gusto ko. Pero alam ko naman na hindi lang ako ang napapagod ngayon. Gusto ko mang magpahinga, alam kong mahalaga ang meeting namin ngayon. Kasama ko ang buong SSG officers ngayon dito sa isa pang kwarto sa canteen. Storage room. Hindi masikip pero hindi rin ganon ka luwag, sakto lang para makapag-meeting kami. Nasa labas kumakain at naghahanda ang ibang studyante kasama sila Jazer. "No... pagod ako. Oo. Pero diba pagod din naman kayo?" huminga ako nang malalim tsaka ko hinawakan ang mga kamay ni Clyde, nagulat sila sa ginawa ko lalo na si Clyde. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Clyde tsaka ko sya tinitigan sa mga mata nya "C-Clyde... g-gustong-gusto ko nang umuwi... p-please tapusin na natin to. N-natatakot na ko... p-para sa pamilya ko..." hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Agad akong lumayo sa kanya staka pinunasan ang mga mumunting luha na kumawala sa gilid ng mga mata ko. Huminga nang malalim si Clyde atsaka napahilot sa kanyang sentido. "Anong gagawin ko? Selene kahit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. W-walang umiikot sa utak ko ni katiting na plano. Ni wala nga akong ideya kung anong meron don sa halimaw na yon." kalmado ngunit ramdam mo ang galit sa boses ni Clyde. "I-I... I have some information about that zombies" kinakabahang sabi ko. Sinabi ko sa kanila lahat ng nalalaman ko, ikinwento ko rin ang mga nangyare simula sa pagpapatawag sakin ni Ms. France hanggang sa pagpaplano naming pumunta dito sa canteen. "San mo nalaman ang mga yan Vice?" kuryosong tanong ni Kyle. Treasurer namin. Kung normal lang na araw mapapangiti ako sa tanong nya dahil naiisip ko kung gano ka talino nang ex ko pero sa oras na to? Hayss. "Sa kaibigan ko, yung kasama namin kanina na iba yung uniform" seryosong sabi ko sa kanila. "Pano ka nakakasigurong tama yung sources mo?" napatingin naman ako kay Fin. Representative. Lagi syang seryoso at parang walang pakeelam sa mundo. Kelan ko ba sya nakitang ngumiti? Tss. Hindi lang yon. Nanalo sya sa pwestong Representative hindi dahil ginawa nya ang lahat. Yon ay dahil sa nakakalokang looks nya. President sya nang P.A. Ibig sabihin lang non, hindi lang looks ang panlaban nya. Nakakabilib din ang talent nya pagdating sa pagkanta. Although matalino din naman sya at may leadership skill. Bat diko kaya sya sinagot? Well... u-uhmm tama kayo. Niligawan nya ko. Noon. Bat diko kaya sya sinagot? Almost perfect na sya ha? Ah! Naalala ko na. Pano ba naman kasi, sa sobrang seryoso nya, hindi mo talaga mafi-feel yung sweetness na sinasabi nya. Hindi ko nga alam kung seryoso sya nung sinabi nyang... "Selene, I like you and I want to court you" Kinikilabutan ako tuwing maaalala ko yon. Napaka-seryoso nya at wala manlang emosyon. Kaya pagkasabing pagkasabi nya non... "No. I-Im sorry... m-may balak na kasi akong sagutin si Chester." Napailing nalang ako tuwing iniisip ko yon. "Selene, are you with us?" napahinto ako sa pag iisip tsaka napatingin kay Dominic na nagsalita. Sya ang Auditor namin. "H-ha? A-ah yeah! I-Im sorry. Ano nga ulit yon?" nahihiyang tanong ko. Aishh! "Ahmm... tinatanong lang ni Fin kung sigurado ka ba sa sources mo, which is yung kaibigan mo" nabaling naman ang atensyon ko kay Jericho, peace officer namin. "Hell yeah! Ofcourse." huminga ako nang malalim atsaka ko pinaikot ang paningin ko sa kanilang lahat "Okay, I think wala kayong tiwala sa kaibigan ko. Uhmm it's okay, kahit ako nalang ang pagkatiwalaan nyo. I mean my decision. Aware naman siguro kayo na wala akong balak ipahamak yung mga studyante." pagkukumbinsi ko sa kanila. "Fine, what's your plan?" napatingin naman ako kay Clyde. "My plan? Ow! Uhmm nasa bag na dala ko yon. Wait lang kunin ko sa labas" agad akong tumayo para kunin yung notebook sa bag ko nang mapansin kong tumayo rin si Fin at sumabay sakin sa paglalakad. "Ginagawa mo? Dun ka na, kaylangan ka sa meeting" Hindi nya ko nilingon at dire-diretso lang sya sa paglalakad. What the heck?! Biglang dumoble ang paningin ko! Agad akong umiling-iling para mabalik sa normal ang paningin ko. Nakahinga ako nang malalim ng maging okay na ang paningin ko. "Ako na ang kukuha sa notebook mo, kaylangan mong magpahinga" seryosong sabi ni Fin "Kumain ka na ba?" seryosong tanong pa din nya nang di ako nililingon. Nasa labas na kami at kita ko silang lahat na busy sa paghahanda sa pag-alis namin. Napanguso ako. "Bat mo tinatanong? Concern ka no? Yiiih~ concern sya--- teka lang uy!" napabusangot ako nang di nya ko pinansin at dire-diretso pa rin sya sa paglalakad. Agad kong hinawakan ang dulo nang damit nya kaya agad syang napatingin sakin ng seryoso. Napangiti ako. But at the same time, mas natatakot hehehe. "What?" seryosong tanong nya. "Ikaw ha! Gusto mo pa din ako no? Yiiih~ umamin kana kasi---" "What the hell Selene?! Kita mo ba kung anong nangyayare sa paligid natin ngayon? Kung wala kang ibang gustong gawin kundi inisin ako---" agad ko naman syang pinahinto sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbagsak ng dalawang palad ko sa magkabilaang balikat nya. "Sshh... wag ka munang maingay, nahihilo ako sayo ihh---" "F*ck! Selene!" hindi ko na narinig ang mga sinabi nya nang lamunin na ako nang dilim. ***•••*** "What the hell Clyde?! Sinabi nang hindi tayo pwedeng magtagal dito ih!" sabay padyak padyak ko. Kanina pa ko pinalilibutan ng mga SSG officers dito para pakalmahin ako, at kanina pa ko pinagtitignan ng mga kapwa ko studyante. May plano na sila at pinaliwang na nila sakin yon, kaso kasama sa plano ay bukas pa kami aalis at mag sisimula dahil sa nangyare sakin kanina. Kaylangan ko pa daw magpahinga. "F*ck Selene! Hindi mo ba nakikita yang sarili mo?! Hinimatay ka! Hindi ka okay! Please naman magpahinga ka muna oh" bakas ang pagpipigil ng galit sa boses ni Clyde. "Selene... I think tama lang sya, you need to take a rest. Makakasama na sayo yan" rinig kong sabi ni Loreine. At ngayon lahat na sila nakatingin sakin. Malamang, rinig na nila ang pinag-uusapan namin. "Selene, magpahinga ka muna, kaylangan mo yon" sabi naman ni Aldrin na katabi ni Loreine. Napahilot ako sa sentido ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanila ih. "Guys... please, wag naman kayong OA dyan. Okay na ko. Nakapagpahinga at nakakain na ko." pangungumbinsi ko sa kanila. "Selen please, makinig ka nalang" -Jade "Magpahinga ka na muna Selene" rinig kong sabi din ng iba. Napatingin ako sa direksyon ni Jazer na katabi si Chester. Seryoso lang silang dalawa na nakatingin sakin. Inikot ko ang paningin ko, lahat sila pinipilit na magpahinga muna ako. And then nahinto ang paningin ko sa isang taong dahilan kung bat pinagpipilitan kong kaylangan na naming umalis. Pano kung lumalala sya? P-pano kung nahihirapan na sya? P-pano kung mahuli na... kami? H-hindi ko na ata kayang may dumagdag pa sa nawala sa mga kaklase ko. Lyka is a good friend of mine. Pinagkatiwalaan sya ni Chara. Ganon din ako. Kapag wala si Chara, nandyan sya to guide me. Bat hindi ko ba napansin yon noon? Pinahalagahan ko masyado si Chara kaya nakalimutan kong may Lyka. Hindi ko manlang sya na damayan sa panahong kaylangan nya ko lalo na nung nagkaron sya nang koneksyon kay Vince at kay Janice. Bumilis ang t***k ng puso ko, yung tipong nasobrahan at dahilan kung bakit hindi nako makahinga. A-alam ko ring imposible... imposible pang... m-maligtas sya... K-kasi wala namang kasiguraduhan na makakahingi agad kami nang tulong sa Red Island. Imposible... Tuwing iisipin ko yon, para akong mamamatay sa takot. Takot na baka hindi kami makaligtas. Takot na baka may mamatay na naman. Takot na isa sa nga kaibigan ko ang mahirapan. Takot na baka sa dulo, kaylangan... K-kaylangang mag-sacrifice nang iilan samin. Napahilamos ako sa mukha ko tsaka bumagsak ang mga nagbabadya kong luha. Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako. Hindi ako to' Hindi ikaw to Selene. Napansin ko ang pag aalala nilang lahat ng makita akong umiiyak. Hindi ko na natiis at napaupo na ko habang humahagulgol. Miserable. Perfect description about me right now. "Selene..." rinig kong bulong ni Loreine sakin at akma syang lalapit pero agad kong itinaas ang kamay ko na nagpapahiwatig na walang lalapit. Ilang beses akong umiling at pilit kinalma ang sarili ko. Suminghot-singhot pa ko para mas effective pero parang lalo lang akong naiiyak. Huminga ako nang malalim at ilang beses bumuga nang hangin sa kawalan. Nang medyo kumalma na ko ay agad kong pinunasan ang mga luha ko. Sinubukan kong tumayo pero tila nanghihina parin ang mga tuhod ko. Kinalma ko nalang ang sarili ko sa pagkakaupo tsaka ko tinignan ng diretso si Clyde. "A-anong plano mo?" nakatingalang tanong ko sa kanya. Pinilit kong hindi mag-utal-utal sa pagsasalita pero parang may sariling buhay ang bibig ko nang magsalita ako. "Selene..." tila naaawa na sya sakin base sa boses nya. Napairap ako. "Clyde" huminga ako nang malalim staka ako tumayo, buti at nakayanan ko. Nang makatayo ay agad ko syang hinarap "Aalis na tayo" seryosong sabi ko sa kanya. "Selene naman..." bakas pa din ang hindi pagsang-ayon sa boses ni Clyde. "Ngayon..." inikot ko ang paningin ko sa lahat. "Ngayon tayo aalis"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD