Selene Caz
Si Aldrin na katapat ang isang computer habang nasa tabi nya at tumutulong si Loreine.
Si Jazer naman na mabilis na nagta-type sa harap ng computer habang katabi nya si Jade na tumutulong din sa kanya.
Si Sir James naman at Chester ay nagtutulungan sa isang computer.
Si Mang Robert naman ay katabi ko at hawak ang phone ni Sir James para patuloy na mag-contact na pwedeng mahingan ng tulong.
At ako naman ay natataranta habang nakahawak sa phone ko at kino-contact sila Nicole.
Pero walang sumasagot.
Hanggang sa mapindot ko ang number ni Jian. Nakababata kong kapatid.
Napatayo ako nang marinig ko ang boses nya.
(A-ate?)
"Oh my God! Jian! Yes! This is me! This is your ate Lenlen. Oh my God kamusta kayo jan?" pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy na naman sa pisngi ko.
Agad na napalapit sakin si Loreine.
"Si Jian?" tanong nya.
Tumango-tango naman ako.
(We're fine ate, we're here sa house nila kuya Jade. Ate kasama mo sila Ate Loreine? Andito kaming lahat sa bahay nila Kuya Jade. Pati family nila ate Loreine, kuya Aldrin and ofcourse family din ni Kuya Jazer) masayang sabi nya dahilan para mapaluha ako.
(Mama! Papa! Si ate Lenlen!) rinig kong sigaw nya.
Rinig ko rin ang maraming yapak sa kabilang linya.
(Selene?! Oh God! Anak! Anak ko!) umiiyak na sabi ni Mama.
Napatakip ako sa bibig ko nang magsimula akong humagulgol.
Naramdaman ko naman ang pagyakap sa tagiliran ko ni Loreine.
Oh my God... I miss them... I miss my family.
(Honey? Okay ka lang ba jan? Anak?)
Inayos ko ang boses ko para hindi mahalatang umiyak ako.
"M-Mama I'm fine. Okay lang po ako. K-kasama ko nga po pala sila Loreine at sila Jade, Aldrin at Jazer. And we're fine. We will be fine. Mom listen. Pasabi po kila Tita na okay lang sila Loreine dito. Mom..." nagsituluan ang mga luha ko pero pinilit kong magpakatatag "Mom we're doing something na makakatulong satin. And I really need to communicate with Papa. I hope you understand Mama. Malo-low batt na po ako. Kaylangan ko pa po ng tulong ni Dad. I love you po. Pakipasa na po ng phone kay Dad. Promise ita-try kong makapagcharge later. We're running out of time Mom" mahabang paliwanag ko.
(Okay anak. I love you, please take care of yourself... hon si Selene)
(Selene anak...) nagsipatakan na naman ang luha ko.
Papa ko...
"P-Pa..." napakagat ako sa ibabang labi ko.
(Anak kamusta ka jan? Anak nag-aalala kami dito) bakas ang pag-aalala sa boses ni Papa.
"Pa I'm fine. We're fine... just please take care of them. I love you po" pinunasan ko ang mga luha ko.
Pero patuloy parin ang pagkirot ng puso ko.
(I will anak... I love you)
"Pa... actually Pa I need you. We need you"
Kaylangan namin si Papa ngayon. Malaki ang maitutulong nya sa pag hack sa Red Island.
(Okay... anong maitutulong ni Papa?)
Nginitian ko si Loreine sabay atak ko sa kanya papunta sa direksyon nila Jazer.
"Jazer si Papa" tawag ko kay Jazer. Nag-aalala syang tumingin sakin. Nginitian ko sya.
Tsaka ko ibinigay yung phone ko.
"Thank God Tito, we really need your help" masayang sabi ni Jazer.
"Hello Tito" sabay na sabi ni Aldrin at Jade
"Hi po Tito" sabi naman ni Loreine
"Ah yes po Tito. Four consecutive lock ang meron ang Red Island at kaylangan nating mabuksan isa-isa yon para magkaroon ng access sa kanila" huminto sya saglit, siguro dahil sa sinasabi ni Papa.
Nagsimula syang mag type ng kung ano-ano.
"Yes po Tito. Mahihirapan tayo sa first and last lock, okay got it. Okay po" seryosong sabi padin ni Jazer, huminto ulit sya tsaka sya lumingon kay Aldrin.
"Bro, I'll pass you the second code. Answer that and please make it faster. Think wisely, masyadong mahirap ang code nila" seryosong sabi ulit ni Jazer.
"Copy! Okay... gotcha! Na-received ko na. Give me 15 minutes" seryoso namang sabi ni Aldrin.
"10 minutes" sabi naman ni Jazer.
"Fine. I'll try. Come on Reine I need your help" sabi naman ni Aldrin.
"Coming" tsaka sumunod si Loreine kay Aldrin para tumulong.
Sunod naman ay nilingon ni Jazer sila Sir James at Chester.
"Sir... I'll pass the third code to your computer. Can you answer the code?" magalang na sabi ni Jazer kay Sir.
"Okay we will. Magaling naman to si Chester ih. Give us 10 minutes" tumango naman si Jazer sabay balik ulit ng phone sa tenga nya.
"Yes po Tito, okay I'll answer the last code... Okay po. After this I'll help you. Okay thank you po Tito" tsaka sya nag type ng nag type.
Hindi na ko nakinig sa pag uusap nila ni Papa.
Sa halip ay lumayo ako sa kanila tsaka ko kinuha ang bag ko at kumuha ng tubig.
Agad ko yon ininom at ramdam ko ang pagdaloy ng lamig sa lalamunan ko dahil don.
Wooh!
Agad kong pinang hilamos ang natitirang tubig.
Tinanggal ko ang necktie ko at ID tsaka ko isa isang tinanggal ang botones sa uniform ko.
"What are you doing?" tanong ni Loreine sakin.
Di ko namalayan ang pagsulpot nya sa glid ko.
"Preparing for the battle, I guess?"
Nakasa sports bra naman ako ih. Balak kasi naming mag jogging ni Loreine after class kaya sinusuot na namin agad. But ang ending eto kami. Nag re-ready para makipaglaban.
"Can I join?" masayang tanong nya.
"Go, nga pala... yung second code?" tanong ko sa kanya.
"Kaya na ni Drin yon" sabi nya naman.
Matapos kong tanggalin ang uniform ko ay agad ko namang itinali yung buhok ko.
Napangiti ako nang ginaya nya lahat ng ginagawa ko.
"Reine" huminto sya sa ginagawa nya staka sya humarap sakin. Kinuha ko ang panali sa kamay nya staka ko inayos ang buhok nya para matali nang buo gaya sakin "I'm sorry, naging pabaya ako kanina. But I promise, hinding-hindi ko na ulit hahayaang may mangyari sayong masama. I love you Reine" naluluhang sabi ko.
Agad naman syang yumapos sa bewang ko.
"Alam mo bang ang sweet mo lagi sakin? Di mo pinapakita pero dama ko. Nagmumukha akong bunso sating lahat dahil sa pagtrato mo sakin ih. Gosh! I'm so blessed to have you. I love you Lenlen" pinunasan ko ang luha ko tsaka ko sya tinap sa ulo nya.
"Halika na mag-asikaso na tayo"
"Ay Len. May leggings pala akong dala, para sana sa jogging natin. Dalawa yon. Suotin natin?" napangiti ako sa sinabi nya sabay tango ko.
Kinuha nya agad yung leggings atsaka nya ibinigay sakin yung isa.
Tinanggal ko muna yung mga tela sa legs ko na nagsilbing lagayan ng mga kutsilyo pero nanatili naman yung mga tape sa katawan ko.
Hindi muna namin hinubad yung palda namin staka namin sinuot yung leggings. Pagka suot namin ay tsaka namin hinubad yung palda.
Napatingin ako sa sarili ko.
Napangiti ako nang pareho kami nang suot at ayos ni Loreine, simula ulo hanggang sa leggings.
"Dala mo yung rubber shoes mo?" Tanong nya sakin.
"Yup. You?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo. Lagi naman ih. Minsan kasi may biglaan kaming activity. Mahirap ng naka heels no" kinuha na nya sa bag nya yung rubber shoes nya na kulay red na terno ng sports bra nya.
Kinuha ko na rin ang rubber shoes ko na kulay violet gaya nang sports bra ko.
Matapos kong masuot yung rubber shoes ko ay pumunit ako sa black kong palda nang tela.
Umupo ako at hinawakan ang binti ni Loreine.
"Anong ginagawa mo?" nginitian ko naman sya.
"In case of emergency. Basta gamitin mo yan lagi pag no choice ganon" tumayo ako matapos kong ilagay yung kutsilyo sa pinaikot kong tela sa binti nya.
"Ahh... eto pala yung ginamit mo kanina" napangiti ako nang mapait sa sagot nya.
Si Fin.
"Eto... marami pang kutsilyo sa bag ko. Gumawa kapa nang maraming paikot na tela sa binti mo at lagyan mo nang mga kustilyo. Hindi sa lahat ng oras sapat ang baseball bat" nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti muna kami sa isat-isa tsaka ko inasikaso ang sarili ko.
Nag-ipit ako nang kutsilyo sa magkabilaang braso ko, pati sa magkabilaang binti ko.
Naglagay na rin ako sa medyo taas ng paa ko, magkabilaan.
Napangiti ako sa itsura ko.
This time lalaban na talaga ako. Wala nang mas importante sakin ngayon kundi ang mga nananatiling tao sa paligid ko.
Ang teacher ko.
Ang mga kaibigan ko.
Ang mga classmate ko.
Ang pamilya ko.
Pamilya ng mga kaibigan ko.
At ang sarili ko.
Walang magandang maidudulot ang pagiging emosyonal at mahina.
Tama si Jazer.
May mamamatay... may mawawala...
Pero hindi... hindi kami nang mga kaibigan ko.
Hindi ang mga taong pinapahalagahan ko.