{Flashback} BUSY ang araw na 'yon sa ospital kung saan nag-du-duty si Doc Harvey. Kaya nang makawala siya ro'n at makaupo sa sarili niyang opisina sa clinic niya ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para makapahinga na siya. But that's impossible. Naghihintay kasi sa kaniya ang limang regular patient na naraanan niya nga kanina sa labas ng clinic. Kaya kaagad niya nang inasiste ang mga 'to. Nagbilin naman na siya kanina sa assistant niya na ang mga ito na lang ang tanggapin na patient for today at pagod na nga siya. Kagandahan naman sa may sarili kang clinic na ay maaari mo na lang na piliin ang i-a-accomodate na pasyente base sa pagod mo. Tulad niya ngayon. "Marami pong salamat, Doc Harvey," pasasalamat sa kaniya ng mga magulang ng walong taong gulang na batang si Pyro, isa sa

