ISANG beses pa muling inalis ni Treazandra ang tila bikig na nakaharang sa daanan ng kaniyang hangin sa lalamunan bago niya tuluyan nang i-dial sa kaniyang cellphone ang numerong ngayon niya pa lang na-tap sa aparato niya. Numero ni Don Marco Sandoval Sr. Pagkatapos ng tatlong ring ay kaagad na sinagot ng don ang tawag niyang hindi masasabing random ngunit malayo naman sa planado. Because until now, nagtatalo ang reasoning at instinct kay Treazandra. Yep, until now na nasagot na ni Don Marco ang tawag niya. "Hello! Makailang ulit ko pa na pinagmasdan ang aking telepono, talagang kinilala ko kung sino ang siyang tumatawag sa akin ngayon, and oh, it's really you, Treazandra Fitzgerald!" Tumikhim si Treazandra, natatakot siya na baka walang mailabas na boses kasi. Kahit sa telepono ay nak

