"ANO 'to?" Kunot-noong tanong ni Alejandro, dinampot niya ang tila naligaw na bagay na 'yon sa mga grocery na bitbit ni Angel. "O, hindi mo na alam kung ano ang tawag d'yan?" Napaingos si Alejandro, siya ang nagtatanong ngunit tanong din ang tinutugon ni Angel sa kaniya. Mas lalo lang tuloy na sumasakit ang ulo niya rito. "Sakeeet 'yarn?" Isa sa nakaugalian ni Angel ang gano'ng sarkastikong patanong sa tuwing dumadaing siya sa sakit ng ulo. "Hay, Alejandro Sandoval, hanggang kailan ka kaya ganyan?" Tumatalak na naman siya, kay aga pa... "Araw-araw ang almusal mo ay hang over. Sa sobrang alak na nako- consume ng katawan mo, kahit ang pang-ahit na 'to ay hindi mo na alam ang tawag?" Sarkastikong pa na ani Angel habang nasa loob ng banyo si Alejandro. Hang over at talak mo... Sa inara

