------- ***Third Person's POV*** - Nanlaki ang mga mata ni Vienna. Mabilis na bumilis ang t*bok ng kanyang puso—hindi dahil sa saya, kundi dahil sa matinding takot at galit na nagsimulang bumalot sa kanyang buong katawan. Sa harapan nila, kitang-kita nila kung paano masiglang kinakausap ni Dylan ang triplets. Bakas sa mukha ng tatlo ang tuwa at kasabikan, lalo na nang tila may ipinangako ito sa kanila. Ilang segundo pa, sumama ang mga bata kay Dylan nang walang pag-aalinlangan, para bang matagal na nila itong kilala at pinagkakatiwalaan. "Holy s**t," bulong ni Emmanuele habang napapailing, hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Napalingon si Vienna kay Emmanuele, at sa kanyang mga mata ay nag-alab ang matinding galit. "Siya?!" Tahimik na tumango si Emmanuele, kita sa kanyang mukh

