---------- ***Vienna's POV*** - Isang linggo na ang lumipas mula nang tuluyan na akong pinakawalan ni Dylan. At simula noon, wala na akong naging balita tungkol sa kanya. Mukhang totoo nga ang sinabi sa akin ni Javier—na hindi ko na muling makikita si Dylan, o kahit sino man sa kanila, pati na sina Cyrus at Titus. Kahit na mamatay-tao sina Javier, Cyrus, at Titus, hindi ko maikakaila na naging mabuti ang pakikitungo nila sa akin. Sa kabila ng kanilang madilim na mundo, naging mga kaibigan ko sila, kaya’t hindi ko rin maiwasang malungkot sa pag-iisip na hindi ko na sila muling makikita. Isang linggo na nga ang lumipas, at isang linggo na rin akong nangungulila sa presensya ni Dylan. May mga sandali na hindi ko mapigilang isipin—kung sana sinunod ko na lamang ang lahat ng gusto niya, ku

