---------- ***Vienna’s POV*** - Dalawang araw na ang nakalipas mula nang tuluyan akong gumaling, pero hindi man lamang ako kinukumusta ni Dylan. Hindi ko pa nga siya nakita mula nung ikinulong niya ako, at wala namang sinabi sa akin sina Javier at Cyrus na may inihabilin si Dylan sa kanila para sa akin. Aminado ako na nasasaktan ako sa pagbabalewala ni Dylan sa akin, kahit alam ko naman na hindi dapat. Hindi ko kailanman dapat aasahan na magkakaroon siya ng kahit katiting na malasakit sa akin. Siya na rin mismo ang nagsabi na wala siyang puso. Paano naman makakaramdam ng malasakit sa iba ang isang taong walang puso? Napakahirap talaga ng sitwasyon. Kailangan kong paibigin ang isang tulad ni Dylan Saavedra na walang puso para sa kaligtasan ko. At meron lang akong 365 na araw para gawi

