***Vienna's POV*** - "Bitawan niyo ako! Ano ang balak niyo sa akin?" Nagpupumiglas ako, pilit na kumakawala mula sa matitigas na kamay ng dalawang lalaking mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko. Hindi ko alintana ang sakit na dulot ng mahigpit nilang pagkakahawak; ang tanging nasa isip ko ay ang makawala mula sa kanila. Ngunit sa kabila ng aking matinding pagpupumiglas, tuluyan nila akong naisakay sa isang sasakyan na nilipatan namin kat dinala sa isang hindi pamilyar na lugar. Ilang sandali pa, naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Binuksan nila ang pinto at marahas akong kinaladkad palabas. Wala silang pakialam kung natatapilok ako sa pagmamadali nilang ipasok ako sa loob ng isang silid. Pagkarating namin, bigla na lamang nila akong binitawan nang walang pag-iingat, dahil

