---------- ***Vienna’s POV*** - Dinala ako ni Dylan sa underground na bahagi ng HQ. Sinabi niyang may ipapakita siya sa akin. Aminado akong nakaramdam ako ng takot at matinding kaba nang marating namin ang madilim at nakakapanindig-balahibong lugar na ito. Hindi ko mapigilang isipin kung ilang buhay na kaya ang nawala sa kamay ni Dylan sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay parang tahanan ni Kamatayan na naghihintay lang sa kanyang susunod na biktima. "A-Anong g-ginagawa natin dito, Dylan?" Nauutal kong tanong habang pinipilit kong itago ang panginginig ng aking boses. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay, at halos hindi ako makahinga dahil sa bumalot na takot sa aking dibdib. "Ang lugar na ito, Vienna," aniya habang mabagal na lumalakad palapit sa isang pintuan, "dito ko madalas

