------- ***Vienna’s POV*** - Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Dylan kanina. Iniwan niya ako pagkatapos niyang magparaos sa akin, na para bang wala ako kahit katiting na halaga. Aminado akong hindi lang ako nainsulto kundi nasaktan pa. Pakiramdam ko, ginawa niya lang akong parausan—isang bagay na maari niyang gamitin at iwanan. Wala talaga ako sa mood kaya nanatili lang ako sa kwarto. Masama ang loob ko sa ginawa ni Dylan, kaya nagkulong ako at ayaw ko munang makita siya. Hindi ko rin makita ang dahilan para lumabas dahil ang mga makakasalamuha ko lamang ay ang mga tauhan niya na armado ng malalaking baril at parang mga aninong nakasunod lagi sa akin. Humiga ako sa kama, umaasang kahit papaano ay mapapahinga ko ang katawan at isipan ko. Ngunit habang nakahi

