"Good evening!"
"Ikaw na naman??"
Taas ang isang kilay na tinitigan ni Rissa si Theo nang bigla na naman siya nitong salubungin paglabas niya sa pinagtatrabahuhan niyang night club.
Wala ba itong magawa sa buhay nito at palagi na lang yata itong nakaabang sa kanya?
Ilang araw na ang nakalipas mula nang bigyan siya nito ng relo at mula noon ay palagi na siya nitong inaabangan sa labas ng night club. Hindi naman ito masyadong nangungulit, madalas ay simpleng bati hanggang sa pasimple lang itong sumusunod sa kanya hanggang sa makauwi na siya sa boarding house niya.
Nilampasan na niya si Theo at dire-diretso na siyang naglakad palapit sa paradahan ng tricycle. Gusto na niyang makauwi at nang makapagpahinga na.
"Ako nga, friend. I'm really happy na isinusuot mo ang gift ko sa'yo." sabi nito habang nakabuntot pa rin sa kanya.
Hindi na lang niya ito pinansin, ni tinapunan ng saglit na tingin ay hindi.
Ano naman kung isinusuot niya ang regalo nitong relo? Mabuti na lang nga at kapaki-pakinabang ang iniregalo nito sa kanya, kundi ay baka ipinamigay lang niya iyon sa iba.
Hindi rin siya nagpasalamat dito tungkol doon, at wala siyang balak magpasalamat. Baka kasi isipin pa nitong natuwa siya at bigyan pa siya nito ng kung anu-anong regalo.
"Gusto mo ihatid na kita? Just this once..." narinig pa niyang sabi nito sa likuran niya.
Pero muli ay hindi niya pinansin si Theo at nagpatuloy lang siya sa paglalakad niya hanggang sa makarating na siya sa paradahan ng tricycle at makasakay pauwi sa boarding house niya.
○○○○○
"Good afternoon, beautiful!"
"Ay palaka!"
Muntik pang matisod si Rissa dahil sa panggugulat ng isang lalaki sa kanya!
Patungo na siya sa sakayan papuntang trabaho, pero eto at may nang-trip pa sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang nanggulat sa kanya ay walang iba iyon kundi si Theo.
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya.
"Wala ka ba talagang ibang magawa sa buhay mo kundi sundan at buwisitin ako?" tanong niya rito.
"I'm just checking on my friend. Tara na, ihahatid na kita sa work mo."
"Friend-friend. May pamasahe ako, noh!"
Nilampasan na niya si Theo at pinara ang tricycle na paparating. Hindi lumilingong sumakay siya sa tricycle.
Sana naman ay madala na ang Theo na iyon kakalapit sa kanya.
Pagbaba niya sa night club na pinagtatrabahuhan niya ay natanaw din niya ang kotse ni Theo na tumigil sa parking lot niyon. Tsk. Ang kulit talaga ng lalaking iyon! Bored na ba ito sa buhay nito?
Ipinagsawalang-bahala na lang siguro niya ang pagsunod-sunod ni Theo sa kanya. Pasasaan ba at mapapagod din ito kakasunod sa kanya.
Nakapag-apply na rin siya sa isang Mini Grocery at kapag natanggap siya roon ay aalis na siya sa nightclub. Hindi na ulit magku-krus pa ang landas nila ng Theo na iyon. Makakapagsimula na rin ulit siya at malalayo na siya sa anino ng nakaraan niya.
Mabilis lang lumipas ang mga oras para kay Rissa. Nagfocus lang siya sa trabaho niya. At nang oras na nang pag uwi niya ay tahimik siyang lumabas sa nightclub.
Gaya ng dati, pagkalabas niya sa nightclub ay nag-aabang sa kanya si Theo. Kahit hindi niya ito pinapansin ay todo effort pa rin ito lagi para mapansin niya.
"Ihahatid na kita." Alok na naman nito.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sa paradahan ng tricycle.
Oo mabait ngayon si Theo sa kanya, pero paano kapag nalaman nito ang nakaraan niya? Paano kung malaman nitong dati siyang naghubad, nagsayaw at higit pa sa kliyenteng lalaki na ni hindi niya kilala?
Irespeto pa kaya siya nito?
Irespeto pa rin kaya siya ng mga nakakakilala sa kanya kung malalaman ng mga ito ang ginawa niya? Isipin pa rin kaya ng mga itong malinis pa rin siyang babae? O baka biglang bumaliktad ang tingin sa kanya ng mga tao at ihambing o iparehas pa siya sa mga hubadera at mga babaing nagtatrabaho sa bar na nagpapa-'gamit' sa mga kliyente nila.
Malamang ay iyon nga ang mangyayari. Para na rin kasi siyang nagpokpok, at siya mismo sa sarili niya ay ikinahihiya niya ang ginawa niya.
Kaya ngayon pa lang ay umiiwas na siya na mapalapit ng husto ang loob niya kahit kanino na posibleng huhusgahan lang siya.
"Okay... I'll just follow you to make sure—"
"Puwede bang tigilan mo na lang ako? Sinabi ko nang wala kang mapapala sa akin. Hindi ko rin kailangan ng kaibigang gaya mo. Mas gusto kong mag-isa. Kaya please lang lubayan mo na ako." malamig niyang sansala sa sinasabi ni Theo sabay lingon dito.
Natigilan ito. Mukhang napahiya ito sa sarili niyo at sa kanya, pero sinikap nito iyong hindi ipahalata.
"Gusto ko lang namang—"
"Tama na." Malamig niya ulit na putol dito. Wala na siyang pakialam kung nakakasakit na siya sa damdamin ng ibang tao.
"Tigilan mo na ang pagsunod sa akin. Hindi ka nakakatulong." maanghang at mariin niya pang dugtong.
Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya kay Theo. Mabuti pang ngayon pa lang ay tigilan na siya nito. Nagsasayang lang ito ng oras, naiinis na rin siya dahil pakiramdam niya minsan ay gusto na rin niyang kaibiganin at pagtiwalaan si Theo dahil sa mga ginagawa nitong effort.
Wala pang lalaking nag-effort ng ganoon sa kanya, at rumespero gaya ng ginagawa nito sa kanya sa kabila ng pagtatrabaho niya sa nightclub. Pero tama na. Walang kahihinatnan ang pakikipaglapit nito sa kanya.
Patuloy siyang naglakad. Hanggang sa makasakay na siya sa tricycle ay nanatili lang roon na nakatayo si Theo at bahagyang nakayuko. Mabuti naman at mukhang hindi na siya nito susundan. Nahiling niya na sana nga ay lubayan na siya nito nang tuluyan.
Pagkapasok pa lang ni Rissa sa boarding house niya ay napakunot ang noo niya dahil medyo wala sa ayos ang pagkakalagay sa sahig ng tsinelas niya na pambahay. Sigurado kasi siyang maayos niya iyong iniiwan sa loob ng bahay kada umaalis siya.
Napakunot-noo siya at napalinga sa madilim na paligid ng boarding house niya. Hindi pa kasi niya binubuksan ang ilaw dahil nang makita niya ang tsinelas ay naagaw na niyon ang pansin niya. Ilaw lang sa posteng nasa labas ang tumatanglaw ngayon sa loob ng boarding house niya.
Napaisip siya nang bahagya. Malayo naman yata ang posibilidad na may nakapasok sa boarding house niya sapagkat naka-lock pa naman kanina ang pinto ng boarding house niya. At sino naman kung sakali ang papasok sa tinutuluyan niya? Magnanakaw? Sa labas pa lang ay mahahalata nang walang mananakaw sa bahay niya.
Walang anu-ano, nang bubuksan na sana niya ang ilaw ay bigla na lang may kumabig sa katawan niya patungo sa isang gilid at ikinulong nito ang mga braso niya sa bisig nito. Kasabay din niyon ay ang pagpigil ng estranghero sa bibig niya para hindi siya makasigaw.
"Ummnn! Ummnn!" Pilit pa rin niyang pagsigaw pero napapaungol lang siya dahil sa lakas ng lalaking nakahawak sa kanya.
"Wag ka nang magpumiglas! Wala ka nang magagawa." Bulong sa kanya ng lalaki. Hindi pamilyar ang boses nito sa kanya!
Bigla siyang kinabahan at nanindig ang mga balahibo niya. Mukhang hindi pera o kagamitan ang pakay nito sa kanya kundi... siya! Siya mismo!
"Ummnn! Ummnnn!!" sinubukan niya pa ring sumigaw pero ungol lang ang kinalabasan ng pagsigaw niya.
Sa gitna ng kadiliman ay biglang may lumabas na dalawang bulto ng lalaki mula sa loob ng boarding house niya. Ibig sabihin... Tatlo ang nakapasok sa bahay niya!
"Masyado ka kasing mailap. Masyadong kang maarte! Ngayon wala ka nang kawala sa amin." anang isang lalaki sabay lapit sa kanya.
Naaaninag na niya ang kabuuan nito pero hindi pa rin niya makita ang mukha nito.
Sa sinabi nito ay bigla siyang kinilabutan! Ibig sabihin ay... Balak siyang gahasain ng mga lalaking iyon? Pinagplanuhan ng mga itong pasukin ang boarding niya at doon siya mismong gagahasain? Tapos ano? Papatayin ba siya ng mga ito?
Pinilit niyang magpumiglas sa lalaking humahawak sa kanya. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya mula sa likod niya. Idiniin pa ng manyakis na lalaki ang matigas nitong hinaharap sa pang-upo niya!
"Ummnn! Ummnnnn!" pilit niyang pagsigaw.
Tinawanan lang siya ng tatlong kalalakihan hanggang sa tuluyan na ring makalapit sa kanya ang dalawa pa.
"Dito na ba natin siya titirahin?" tanong ng lalaking nakahawak sa kanya.
"Puwede naman sa kuwarto. Itali na lang natin ang mga kamay at mga paa niya." anang isang lalaking nakalapit na rin sa kanya. Hinaplos pa nito ang braso niya kaya lalo siyang kinilabutan. Nakakaramdam na rin siya ng takot sa posibleng mangyari sa kanya.
"Lalagyan pa ba natin ng busal ang bibig niya?" tanong naman ng isa pa.
"Wag na. Paano niya maisusubo ang t**i natin kung may busal ang bibig niya? Kapag nagmatigas pa siya ay suntukin na lang natin siya. Tingnan ko lang kung mag iinarte pa siya." Anang isang lalaki.
Nahindik siya. Gagahasain talaga siya—hindi, bababuyin ng mga ito ang katawan niya!
"Ummnnn!" umiling siya ng paulit-ulit. Tumulo na rin ang mga luha niya.
Bakit? Bakit ito nangyayari sa kanya? Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo at paghihirap niya ay ito ba ang kahihinatnan niya??
Naisip niya bigla si Theo at napapikit siya ng mariin.
Sana pala ay hinayaan na lang niya si Theo na ihatid siya... Sana pala ay tinanggap na lang niya ang pakikipagkaibigan nito sa kanya at baka sakaling hindi sana ito nangyayari sa kanya...