8th Scandal
“Wala na ata talagang magandang mangyayari sa buhay mo. Feel ko na e, ramdam na ramdam ko na ang kasamaan ng ugali nun nung nakita natin sya nung nagpaenroll ka.”
Halos maputol na ang kutsara na hawak ni Gail pagkatapos kong magkwento sa kanya kung anong ginawa sa’kin ni Violet sa room. Kahit ako ay hindi makapaniwalang nagawa nya yun. For pete’s sake, she’s a girl. Kaya nyang gawin yun sa kapwa estudyante nya? She’s crazy.
“Hayaan na lang natin. Isang beses pa lang naman nya ginagawa, baka ganun ang way nya para makipagfriend?”
Umirap sa kawalan si Gail at padabog na kinain ang ice cream na kanina pang durog.
“Hindi pwedeng ganun. Ano? Bibilangin mo kung ilang beses sa’yong gagawin yun? Sasamahan kita sa dean. Magsusumbong ka. Magsusumbong tayo. Hindi sa’kin pe-pwede ang ganyan.”
Kung ako ang tatanungin, dapat lang talaga na magsumbong. Pero iniisip ko pa lang na kakausapin namin ang dean ay nanginginig na ang tuhod ko, at ang masama pa, sigurado kong kasama sa loob ng dean’s office ang Layron na yun.
“Wa’g na. Ano ka ba! Para yun lang e, hindi naman yun problema.”
Lumapit sya sa’kin at binatukan ako. Parang siya dapat ang isumbong ko sa dean ah? Sadista.
“Nung isang araw e puro reklamo ka dahil sa Layron na yan. Umiyak ka pa nga e, akala mo di ko pansin yun? Tsss. Wag mo kong maloko-loko ah? Bukas na bukas rin ay magsusumbong tayo.”
“Wa’g mo na lang palalain ang sitwasyon. Ayos lang talaga ko.”
“Sino bang isusumbong nyo?” Napatingin kami sa pinto na kabubukas lang at pumasok si Alex na may dalang plastik at ipinatong sa lamesa. Tingin ko ay nag grocery sya.
“W-wala naman. Wag mo ng isipin.”
Nagtaas lang sya sa’min ng kilay at lumapit sa’min.
“Sino ba kasi? Sigeee na, atin atin lang. Sinong isusumbong nyo at bakit kayo magsusumbong?”
Nagkibit balikat si Gail at lumabas ng kwarto. Tinignan lang sya ni Alex na parang nalito dahil sa inasal ng kaibigan ko. Ang babaeng yun talaga! Minsan, bastos din e.
“Parang ang init ng dugo sa’kin ni Gail. Galit ba sya sa’kin?”
Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ito talagang si Gail, baka magkaroon kami ng misunderstanding dito sa loob ng boarding house dahil sa ginagawa nya e.
“N-naku! Hindi. Ganun lang talaga yun, masasanay ka din. Alam mo na, japanese flag. Hehe.”
Alam kong hindi maganda na ginawa kong excuse ang period nya (kahit wala naman) pero yun lang ang naiisip kong panakip butas sa ugali nyang minsan ay magaspang.
“Ah, ganun ba? Akala ko galit sya sa’kin e.”
“Teka, asan si Jessa?”
Napalingon ako sa buong kwarto pero wala talaga sya. Akala ko kanina ay magkasama sila ni Alex, pero hindi naman pala. May klase pa kaya sya? Pero alas sais na.
“Si Jessa ba? Nasa taas na palapag. Pumunta sa kwarto nung manliligaw nya. Dun sa kwarto nina Layron? Yung nanilip raw sa’yo? Kilala mo?”
“Manliligaw nya si Layron?”
Si Layron ang manliligaw nya? P-pero bakit yung kaibigan ni Layron ang kasalo ni Jessa sa kama. Oh my! It’s so disgusting. Nagagawa nya yun sa sarili nya? Nakakahiya.
“Hindi, a. Si Bert ang manliligaw nya. Yung palaging kasama nung basagulerong yun.”
Aaahh. Akala ko naman ay si Layron ang manliligaw nya pero kay Bert sya nagpapa ‘ano’. Well, hindi pa rin maganda kahit ganun. Nanliligaw pa lang si Bert, e. Siguro ay matatanggap pa yun ng utak ko kung 1 year na mahigit ang relationship nila, pero wala pa naman.
“Ilang buwan na syang nanliligaw?”
“Buwan? Kanina lang nag-umpisang manligaw yung Bert na yun.”
“KANINA LANG?”
Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa sinabi ni Alex. Ibig sabihin, walang namamagitan kina Jessa at Bert nung ginawa nila ang bagay na yun? Oh my. Ang hirap paniwalaan pero nakita yun ng dalawa kong mata. Ako mismo ang nakakita sa katawan nilang walang saplot na kahit na ano.
“Oo. Kanina lang, bakit? May problema ba?”
Umiling ako at tumawa ng konti. Sana ay hindi nya nahalatang fake lang ang tawa na yun. Grabe. Sobra pala talagang liberated na ang mga babae ngayon sa maynila. Sana ay hindi katulad ni Jessa tong si Alex.
Maputi kasi si Alex at maganda. Hindi sya maliit, pero hindi din matangkad. Nasa 5’4 siguro ang height nya. Hindi na masama para sa ibang babae. Malamang ay marami na tong pinaiyak na lalaki. Itsura pa lang e.
“W-wala naman. May boyfriend ka ba ngayon?”
Bigla syang tumawa at hinampas ako sa balikat. Ganun ba ang effect sa kanya pag may nagtatanong sa kanya kung meron syang minamahal ngayon?
“It’s not my thing. Wala yan sa isip ko. Ewan ko ba! Wala talaga akong interes sa lalaki ngayon. Wag mong isiping tomboy ako ah? Pero hindi ko talaga hilig ang mag boy-hunt, makipagdate, makipag holding hands. Hahaha! Hindi ko maimagine ang sarili ko na ginagawa yun.”
Namangha ako bigla sa sinabi nya sa’kin ngayon. Meron din palang mga babaeng ganito sa lugar na to. Iniisip ko naman na meron pero konti lang talaga, at hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ang isa sa mga babaeng conservative pa din.
“Edi, NBSB ka?”
“Oo. NBSB ako. Pag nga may nakakaalam na hindi pa ko nagkakaboyfriend eh medyo nagugulat sila. Bakit daw ganun? Ang sabi ko na lang, hindi ko type ang mga nanliligaw.”
Napatingin kami sa biglang bumukas na pinto at pumasok naman sina Jessa habang nakaakbay sa kanya si Bert. Naglalandian ang dalawa kaya nagkibit balikat na lang kaming dalawa ni Alex. Siguro ay hindi rin sya pabor sa magiging relasyon ng dalawa. Pero sa’kin naman, bahala na sila. Malaki na sila para pagsabihan. They already know how to make a decision.
“Jessa, bakit kasama mo yan? Di ba bawal magpasok dito sa kwarto ng lalaki? Pabalikin mo na yan sa kwarto nya.”
Inirapan lang ni Jessa si Alex at itinuon ang pansin sa manliligaw nyang kanina pa hinahalikan ang leeg nya.
“Alex, wala namang makakaalam kung walang magsusumbong. Hindi ka naman magsusumbong, di ba? Pati na rin ikaw Kaylee di ba? Sikreto natin to. Tsaka wag kayong mag-alala, malakas ang kapit natin. Pupunta mamaya dito sa kwarto si Layron. Dito rin sya matutulog.” Bumaling ang pansin nya sa manliligaw nyang ngayon ay hawak hawak ang kanang dibdib nya. “Ano ba! Hindi pwede ngayon, ok? Magpigil ka.”
Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil sa ginagawa ng dalawa. May boyfriend naman ako pero hindi namin ginagawa ang ganitong bagay dahil alam naming hindi pa panahon. Pero sila? Ano kayang mga nasa ulo nila at nagagawa nila to sa harap ng ibang tao?
“Hinahawakan lang naman, tssss. Teka, asan na ba si master?”
“Baka naman mamaya maya pa papasok yun Bert. Wag mo ng hintayin. Anong gusto mong kainin?”
“Pwedeng ikaw?”
Ayaw ko mang marinig pero wala akong magagawa. Sana ay rumenta na lang sila ng isang kwarto sa motel para nagagawa na nila ang bagay na gusto nilang mangyari ng walang naiistorbong tao.
Muling bumukas ang pinto at nakita ko ang lalaking ayaw na ayaw kong makita. Nandito na naman sya at may dala pa syang sigarilyo na hinihithit nya. Naasiwa ako sa amoy dahil kumalat agad yun sa kwarto dahil binuksan ko na kanina ang aircon.
Napatingin sya sa dako ko at nahuli nya ang mga tingin ko na nakasilip sa kanya. Ngumisi sya sa’kin at kinindatan ako. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa nya at humiga na ko sa kama. This night will be a nightmare. At dito pa nila balak matulog? Pwede naman e, sa banyo. HAH! San nila isisiksik ang sarili nila dito?
“Akala ko ay mamaya ka pa master, buti naman at dumating ka na. Manunuod kami ng porn e, buti na lang at dumating ka na at ng maumpisahan na. Jessa, kunin mo na laptop mo.”
Hindi ko na kaya ang gagawin nila. Bakit dito pa? Hindi ba pwede sa kwarto nila?
“Ayan, na-open na. Asan ba ang flash drive? Akin na at ng maumpisahan na.” Grabe talaga ang babaeng to. Siya pa talaga ang may gustong gusto sa nangyayari hah?
Nagtalukbong ako ng kumot para maiwasang marinig ang sound na lalabas sa laptop. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sarili para makatulog na. Sana ay ayos lang si Alex at si Gail naman, wag ng gumawa gulo pag nagulat sya pagpasok.
Naalala kong meron nga pala akong earphones kaya dinampot ko agad yun sa ibabaw ng table ko. nagplay ako ng music at ini full volume ang sound. Balik ulit ako sa pagtatalukbong ng kumot.
Bigla kong naramdaman na parang may lumubog sa kutson sa bandang paa ko. Tinanggal ko ang kumot na nakataklob sa’kin at tinignan kung sino yung umupo. It was Layron, giving me his playful smile. Such a jerk!
“Anong ginagawa mo diyan? Umalis ka nga!”
Meron syang sinasabi pero hindi ko marinig kaya tinanggal ko ang headset ko.
“Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhhh! Uhmmmmmm... Uhmmmmm...”
Naramdaman ko ang unti unting pag-init ng pisngi ko dahil sa narinig ko. Maling mali ang naging desiyon ko na tanggalin ang headset sa tenga ko. Nagp-play pa pala ang video na pinapanuod nila. This is so embarassing. Tinakpan ko ang tenga ko at inirapan ko si Layron na hanggang ngayon ay nakangisi pa’rin sa akin.
Naramdaman ko ang paglapit nya sa kinatatayuan ko at pilit na inalis ang dalawang kamay na nakalagay sa tenga ko.
“Bakit ba tinatakpan mo ang tenga mo? Eh ang sarap ngang pakinggan.”
Gusto ko syang sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko sya pwedeng saktan dahil sa pangalan nya, pero ang kasalungat nun ay magagawa nya ang kahit na ano sa’kin.
“W-wala. Please, wag mo na kong pilitin na pakinggan. Hindi ko gusto.”
Sa halip na bitawan nya ang kamay ko ay tumawa lang sya ng malakas dahil sa sinabi ko. He’s a demon. Tuwang tuwa syang nahihirapan ako dito sa sitwasyon na to.
“Sumama ka sa’ming manuod. Mag-eenjoy ka din naman. Wag kang mag-alala, hindi ka maiinip. Matutuwa ka.”
Lumabas ang ilang patak ng luha sa pisngi ko dahil sa takot. Pakiramdam ko ay tino-torture ako dito kasama ang isang bastos na lalaki na walang pakialam sa nararamdaman ko. Gusto kong lumabas ng kwarto pero natatakot akong baka guluhin nya na naman ako sa school.
Hindi ako sobrang tapang. May limitasyon ang pagiging palaban ko. At ang lalaking to, hindi ko sya makakaya. Ang magagawa ko lang ay iwasan sya sa kahit anong paraan. Ayokong maging empyerno ang pananatili ko dito sa maynila. Gusto kong maging simple lang, simpleng estudyante lang. Yung normal at walang inaalala.
Hindi ganito. Itong nangyayari sa’kin ngayon, para kong pinapatay. Minumulat nila ko sa bagay na ayokong pasukin.
“A-ayoko t-talaga. Parang awa mo na, ayoko. Please?”
Hindi ko na napigilan at naitago ang paghikbi ko dahil ang hirap ihinto ng pag-iyak. Alam kong tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha sa pisngi ko dahil ramdam ko ang mainit na likidong ito.
“A-ano bang iniiyak iyak mo dyan! Tsss. Ang OA mo din e.”
Hindi ko alam kung bakit umalis na sya sa kama ko pero laking pasasalamat ko na lang at iniwan nya na ko. Patuloy ako sa pag-iyak kahit nakapikit na ang mata ko. Sana, sana ay makabalik ako sa normal kong buhay. This is hell. Blaine, I wish you were here.