10th Scandal Simula pa kagabi, hindi na mawala sa isip ko ang nakita ko kahapon sa classroom. Si Layron at Violet, naghahalikan. AHHHH! Gusto kong makalimutan, pero hindi ko magawa. Ang sabi sa’min ni Violet dati ay hindi sya pinapansin ni Layron? Nagpapapansin sya rito, pero lagi syang binabalewala. Sa mga nangyayari sa kanila, ganun ba ang binabalewala? Tsss. Isa pa tong liberated girl. Habang tumatagal, dumadami ang kakilala kong ganito. “Anong plano mo bukas?” tanong ni Gail. “Dito ka lang ba sa boarding house natin?” Bukas? Sabado na nga pala bukas. Hmmm. Hindi naman ako makakauwi kina Inay kaya malamang na dito nga lang ako sa Boarding House. Hindi rin naman ako makakagala. “Siguro. Hindi ko pa saulo ang mga pasikot sikot dito sa maynila. Baka lumabas na lang ako pag alam ko na

