1st Scandal

1928 Words
1st Scandal [Kaylee’s POV] “Oh ija, ito ang sabaw.” “Salamat po, manang.” Kinuha ko ang mangkok na inabot sa’kin ng may-ari ng carinderia at inilagay ito sa lamesa ko. Dinampot ko ang kutsara at tinidor at kumuha ng kanin at ulam tsaka isinubo. “Anong plano mo?” Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Hannah, bestfriend ko. Well, 3 years na kaming mag-bestfriend simula pa lang nung 4th year highscool, transferee kasi sya nun at wala naman akong masyadong kaibigan kaya nagkasundo kaming “Wala.” “Anong wala? Lilipat na kayo ng maynila at wala ka man lang plano?” Ah, yes. Napagdesisyunan ng pamilya namin na lumipat na ng maynila dahil nagpaplano kaming magtayo ng maliit na negosyo duon. Mas malaki nga naman ang tsansa kung dun itatayo ang business na naiisip namin. Isang computer shop. Pero sa totoo lang, ayoko. Pinilit ko sina mama na maiwan ako dito sa probinsya dahil sa iba’t ibang rason. Isa na nga ay dahil dito sa bestfriend ko. Baka kasi mahirapan syang maghanap ng makakasama dito sa University na pinapasukan namin. Naaawa naman ako kung nag-iisa lang syang kumakain sa recess at lunch. Haaay. “Ano ba kasing plano ang mga sinasabi mo? Wala naman akong balak gawin sa maynila, magkukulong na lang siguro ako sa kwarto.” “Ang tinutukoy kong plano ay yung tungkol sa boyfriend mo. Sabi mo kahapon, ayaw nyang umalis ka pero dahil sigurado ka na dyan sa pag-alis mo, nagalit sya. Anong balak mo dun?” Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi ni Hannah. Ito yung pinakamalaking dahilan ko kung bakit ayaw kong sumama sa maynila. Ayokong maiwan dito ang lalaking mahal ko. At kahapon nga, nagalit sya sa’kin dahil sa naging desisyon ko. Ipinaglaban ko din naman sa mga magulang ko na maiwan ako dito eh, pero di nila ko pinakinggan. Ipinaliwanag ko na din lahat sa kanya kung bakit kailangan kong umalis pero ayaw nyang makinig. Sinabi ko na nga ding babalik ako dito tuwing bakasyon at sembreak pero ayaw pa din nya. Hindi pa kasi kami sanay na magkalayo, hindi pa kami handa sa Long Distance Relationship. Bago pa lang kasi ang relasyon namin. Pitong buwan nya kong niligawan at nung isang buwan ko pa lang sya sinagot. Ibig sabihin, wala pa kaming dalawang buwan at hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa’ming dalawa dahil alam kong kulang pa ang oras na yun para maging loyal kami sa isa’t isa. Miski naman ako ay natatakot mawala sa tabi nya. Hindi naman sya babaero pero baka mawala ang spark sa’ming dalawa pag matagal kaming nagkalayo. “Ewan ko rin Hannah. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Bukas na ang alis namin dito at hindi pa rin sya nagpapakita sa’kin hanggang ngayon.” “Intindihin mo na lang din. Alam mo namang 2nd year college pa lang tayo. Hindi pa tayo ganun ka-matured. Natatakot lang yun para sa relasyon nyo.” “Haay. Sana nga. Salamat Hannah ah? Pasenya na’t maiiwan ka rin dito.” Hinawakan nya ang kamay ko tsaka huminga ng malalim. “Wag mo na kong intindihin dito. Ikaw nga ang inaalala ko’t masyadong maraming krimen sa maynila. Basta mag-iingat ka dun ah? Wag mo kong kakalimutan!” “Sus. Ikaw pa ba ang kakalimutan ko? Adik!” Nagtawanan kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang kami pero mararamdaman mo na pareho kaming malungkot dahil sa nangyayari. Syempre, sino ba namang kaibigan ang magsasaya pag magkakahiwalay na? Wala naman. Nang matapos kaming kumain ay pumunta na si Hannah sa sunod na klase nya at ako naman ay pumunta sa Registrar’s Office. “Mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagpunta mo sa Maynila, ah? Basta Ms.Kaylee Salvador, mag-iingat ka dun. Heto ang print grades mo pati na rin ang iba pang forms na kakailanganin mo para makalipat ka sa school na papasukan mo sa maynila. Teka, san mo ba balak mag-aral? Magla-la salle ka ba? Ateneo?” Inabot ko ang binigay nyang mga forms at umiling sa tanong nya. “Hindi po. Maliit na university lang din po ang papasukan ko don.” Nagpaalam ako tsaka umalis. Paglabas ko ng office ay nakita ko si Blaine na nakasandal sa dingding at halatang may hinihintay, napatingin sya sa direksyon ko kaya agad syang lumapit sa’kin. Inirapan ko lang sya at sumimangot. “Kaylee, sorry na. Sorry na kung nagalit ako sa’yo kung aalis ka. Ang hirap lang kasi eh.” Humalukipkip ako at naghintay pa ng sasabihin nya. Aaminin kong medyo nagtampo rin ako sa kanya dahil sa hindi nya pag-unawa sa’kin. “Kaylee, sige na, mag-usap tayo. Ayoko ng ganito.” “Bakit? Ginusto ko ba to?” Hindi ko na naiwasan ang medyo pagtaas ng boses ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na syang yakapin. Nakakalungkot isipin na hindi na kami magkikita simula sa isang araw. Mahina pa naman ang signal dito ng broadband kaya hindi rin kami masyadong makakapag-skype. “Hindi. Hindi, Kaylee. Walang may gusto nito. Magiging mahirap to para saki—” “So, sa tingin mo ay hindi ako mahihirapan? Nakakainis ka!” Bigla nya kong niyakap kaya hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Nasanay na din kasi ako na nandyan sya palagi sa tabi ko. Pareho kaming maga-adjust sa magiging bagong mundo namin na hindi kasama ang isa’t isa. Hinampas hampas ko na din ang dibdib nya pero hinawakan nya lang ang likod ko at hinaplos haplos ito para mapatahan ako. Hinalikan nya ko sa noo tsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Sorry, sorry for being stubborn. Alam kong naging makasarili ako dahil hindi ko inunawa ang kalagayan mo. Sarili ko lang ang inisip ko.” “P-pano na yan? Aalis na ko dito? Edi m-maghahanap ka na ng ibang babae mo?” “Tss. Kelan ba ko nambabae? Hah? Ikaw talaga! Baka nga ikaw ang manlalaki dun! Balita ko, madaming sikat na tao ang naroroon. Pano kung may nakita kang mas gwapo sa’kin? Ha? Babalikan mo pa rin ba ko dito?” “Hindi naman ako pupunta dun para manlalaki. Mag-aaral ako dun. Basta hindi ka mambababae hah?” “Promise?” Itinaas ko ang kanan kong kamay at inilabas ang hinliliit ko. “Pinky Promise.” Kinuha nya ang hinliliit ko gamit ang hinliliit nya at pinagdikit ito. Sana matupad namin ang mga pangakong to. Hindi ako manlalalaki at hindi rin sya mambababae. Kinuha nya ang bag kong nasa likod ko at nilagay nya yun sa isa nyang balikat. Nakakatawa, pink pa man din yun, baka pagkamalan syang bakla. Pero ayos lang, at least sweet sya at walang pakealam sa sasabihin ng iba. “Ihahatid na kita sa inyo. Pano? Tara na?” Tumango ako sa kanya at naglakad kami palabas. Ito na huling beses na ihahatid nya ko dahil simula bukas, hindi na ito ang eskwelahang papasukan ko. Sayang. Sayang at nung isang buwan ko pa lang naisipan na sagutin sya, edi sana mas matagal na kaming mag-on ngayon. “Tara. Libre mo ko sa labas ng ice cream ah?” “Sige ba! Basta hindi ka na aalis ah?” Tinignan ko sya ng masama pero tumawa lang sya ng mahina. “Biro lang. Alam ko namang hindi ko na mababago yang desisyon mo eh.” “Tss! Ayan ka na naman. Pag-uusapan na naman ba natin yan? Katatapos lang ah? Hindi ba pwedeng masasayang alaala ang ipabaon mo sa’kin bukas?” “Binibiro ka nga lang. Hahaha! Tara na nga. Ibibili kita ng maraming ice cream. Cookies & Cream ba ulit?” “Oo.” “Hindi ka na talaga nagsawa dun no?” Pumunta kami sa suki naming tindahan ng ice cream sa gilid ng school at umupo sa table na malapit sa gilid ng pinto. Nasanay na kasi kami dito, dito nya ko unang niyayang magdate at kada may papasok na kakilala nya sa isang subject ay babatian sya na, ‘oi! Binata ka na!’. Natatawa lang ako nun pero sya, napipikon na. Hindi kasi kami makapagkwentuhan ng maayos. “Ako na ang oorder.” Tumayo sya at naglakad papunta sa may counter. Hindi ko naman maitatanggi na isa din tong boyfriend ko sa tinitilian ng mga babae sa school. Mahihirapan kang i-describe kung gwapo ba sya o cute. Pinapasali nga sya sa contest ng University bilang Mr.Adan 2014 pero tinanggihan lang nya. Nahihiya daw syang mag-trunks. Hahaha! Ilang minuto lang ang nakalipas ng makabalik na si Blaine at dinaluhan ako sa lamesa. “Ma-mimiss ko to. Wala na kong kasamang mag a-ice cream dito.” “Sus. Madami sa’yong magyayaya na pumunta dito dahil alam nilang aalis na ko no!” “Wala akong balak sumama sa mga mag-yayaya. Ikaw lang ang masarap kasamang kumain ng ice cream. Ikaw lang.” Dumating ang isang waitress at inilagay ang ice cream na inorder namin tsaka kami nginitian. Hindi pala kami. Si Blaine lang. Si Blaine lang ang nginitian nya. Kung hindi ako nagkakamali, kaedad lang namin to, 18 years old. “Ang lagkit makatitig nun sa’yo ah? Edi may dahilan ka na para mag ice cream?” “Kung hindi ka na aalis, may dahilan na ko para mag ice cream.” Ewan ko ba sa isang to. Tuwing sasabihin ko ang mga babaeng nakapaligid sa kanya, ako pa din ang bukambibig nya. Sana hindi mawala ang nararamdaman nya sa’kin pag-alis ko, dahil ako? Siya na ang gusto kong makasama pagkatapos ng lahat ng ito. Kahit ialok mo pa sa’kin si Enrique Gil, siya pa din ang pipiliin ko. Pagkatapos naming kumain, idiniretso nya ko sa bahay namin. Nagjeep lang kami at panay ang kwentuhan namin. Yung iba, napapatingin sa kamay namin dahil magkaholding hands kami. Pero ayos lang. Mami-miss ko ang lalaking to. “Pano? Alis na ko?” “Sige. Mag-iingat ka!” Tumalikod sya at nagsimulang maglakad ng marahan. Marahang marahan. Wala naman syang pilay pero ang bagal maglakad. “AH! BLAINE!” “KAYLEE! Akala ko di mo na naalala.” Lumapit sya sa’kin at akmang hahalikan ako sa pisngi pero itinulak ko sya. Kita ko ang gulat sa mukha nya pero tumawa na lang ako. So yun pala? Kaya mabagal eh naghihintay ng kiss. “Sasama ka ba bukas sa paghahatid sa’kin sa terminal?” “Ah kasi, Kaylee, wag mo sanang mamasamain pero... pero hindi kasi ako makakasama.” Bigla naman akong nalungkot dahil sa narinig ko sa kanya. Para bang bumagsak ako sa exam pero ang ini-expect ko ay pasa ako. “A-ano ka ba! A-ayos lang.” “Ayoko kasing makita ka habang papaalis. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na iuwi ka sa’min at ikulong sa kwarto ko.” Bigla naman akong nabuhayan sa sinabi nya. Akala ko, ayaw nya na kong makita. “Mami-miss kita Kaylee. Palagi mong tatandaan na mahal kita.” “Mahal din kita Blaine.” “Pano? Aalis na ko hah?” Tumalikod sya saka kumaway sa’kin ng patalikod. Tumakbo ako papunta sa kanya at hinigit sya paharap sa’kin. Nagulat sya pero napangiti na lang. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi. “I love you!” Tumakbo ako papunta sa loob ng bahay saka sinarado ang pinto at sumandal duon. Dinig ko pa ang malakas nyang tawa at unti unti kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko. “Kita ko yun Kaylee. Ikaw pa ang humalik ah? Handa ka na ba sa pag-alis bukas? Naihanda mo na ba ang sarili mo para sa maynila?” “Nakahanda na po ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD