49th Scandal "Kamusta na? Gaga ka! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka. Grabe, parang hindi mo ko kaibigan." Mahigpit kong yakap si Hannah, namiss ko ang original bestfriend ko. Ilang buwan rin kaming hindi nagkita at nagkausap. "Ayos lang ako. Ikaw?" Bumitiw ako sa yakap at ngumiti sa kanya. Bakit parang blooming siya ngayon at sobrang ganda? "Okay rin naman. Going strong kami ng boyfriend ko." Namula siya at itinuro ang isang lalaking nag-iihaw sa may ihawan malapit sa batis. Nang mapansin nitong itinuturo siya ni Hannah ay kumaway siya. "Mag-iisang buwan na kami, hindi ko na nasabi sa'yo dahil walang signal dito. Hindi ako makatawag. Sa bayan lang meron." Hindi ko napigilang tumili dahil sa pag-amin ng bestfriend ko. Gosh, I knew she's pretty and her boyfriend is so lucky to have h

