32nd Scandal May mga pangyayari kahit ayaw natin, kailangan nating tanggapin. Sa mundong ating ginagalawan, tayo ang gumagawa ng desisyon at ng ating kapalaran. Pero bakit ganun? Ako ba ang gumawa ng kapalarang makasama si Layron sa loob ng ilang araw? Pagkatapos na pagkatapos gumaling ng mga paa ni Layron ay aalis na ako dito. Maayos naman syang kasama pero may mga pagkakataong naiinis ako sa kanya. Pangatlong araw ko pa lang 'to dito pero pakiramdam ko ay taon na ang lumipas, halimbawa na lang ay nung unang araw namin na magkasamang matulog. (Flashback) "Hoy, huwag ka ngang paawa dyan. Pumasok ka na sa loob, dun ka sa sofa." Pasalamat ang Layron na 'to dahil marunong akong maawa. Ang sabi nya ay sa labas sya matutulog at dito ako sa loob. Medyo maliit yung sofa at tingin ko ay hin

