34th Scandal Dahil unti-unti kong naiintindihan na pinaglalaruan ako ni Violet, makikipaglaro ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong kaya nyang gawin, pero hindi ako basta magpapatalo. Masyado ng madaming nadadamay sa kahibangan nya. Sumisira na sya ng buhay ng iba dahil lang sa isang lalaki. Baliw. Hindi ba sya makagawa ng paraan na wala syang matatapakang ibang tao? Hindi ko lubos na maisip ang ginawa ni Alex para lang sa mama at mga kapatid nya. Mali ang ginawa kong panghuhusga, kung ako ang nasa katayuan nya ay malamang na yun din ang gagawin ko. Blood is thicker than water. Pamilya muna dapat. Palagi. Totoong sa bawat dahilan, may rason. Hindi perpekto ang mundo, hindi natin pwedeng piliin ang mga pangyayaring dapat na mangyari sa buhay natin. Aminado ko sa sarili ko na may kaunti

