25th Scandal "Malaking problema nga 'yan." Umiiling na sabi ni Gail. "At ano ba naman kasing tumatakbo sa isip nung Violet na yun? Hindi mo naman inaagaw sa kanya si Layron pero kung makaasta ay parang inaapi sya?" "Hindi ko rin alam. Gail, natatakot ako. Baka ikalat nya yung picture namin ni Layron sa f*******:. Baka makita yun ni Blaine, hindi pwede." Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa pagkataranta. Ano na lang mangyayari sa'min? Hindi pwede, kung gustong makipaglaro sa'min ni Violet, pwes makikipaglaro din ako sa kanya. At sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa pinaplano nyang 'to. Ako. Ang. Mananalo. Hindi muna ko magpapaka damsel in distress dahil relasyon namin ni Blaine ang nakasalalay ngayon dito. I shouldn't be threat by anyone who isn't brave to fight fairly. Maaari

