"Ano ito?" nakangiting sabi ni Valentina nang lumuhod sa kaniyang harapan si Simon. Akala pa naman niya, isang date lang ang magaganap sa kanilang dalawa ngayon. Ngunit may iba pa lang eksena si Simon. Mula sa bulsa ni Simon, inilabas niya ang singsing na mayroong kumikinang na diyamante. Na talaga namang hindi biro ang halaga. Namilog ang mga mata ni Valentina. "Valentina... ayoko ng magkahiwalay pa tayong dalawa. Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon. Mahal na mahal kita, Valentina. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay at maging ina ng aking anak. Valentina... will you marry me?" nanginginig ang boses na sambit ni Simon. Nangilid naman ang luha ng dalaga. Hindi niya inasahang magpo- propose sa kaniya si Simon. Akala niya talaga, kakain lang sila sa labas. Akala niya, normal lang ngu

