Halos mawasak ang labi ni Erika sa lawak ng ngiti niya. Dinala siya ni Aaron sa isang mamahaling kainan sa lugar na iyon kung saan talaga namang napakaganda ng lugar. Nagbubunyi ang kalooban ni Erika dahil kinikilig siya sa ginawang iyon ni Aaron para sa kaniya. "Nakapili ka na ng kakainin mo?" Tumango naman ang dalaga. "Oo, ikaw ba?" "Mayroon na rin. Maghintay lang tayo ng ilang minuto," nakangiting sabi ni Aaron. Nakatitig lamang si Aaron kay Erika kaya naman kumunot ang noo ng dalaga. "Hoy! Bakit nakatitig ka lang diyan sa akin? Wala ka bang balak na magsalita? Baka mapanis ang laway mo niyan." "Wala eh. Bigla akong natameme sa ganda mo." Mahinang tumawa si Erika. "Ang harot mo na talaga. Saan mo ba nakuha ang mga banat mong iyan? Siguro talagang nagse- search ka pa online para g

