Makalipas lamang ang ilang buwan... nalaman ni Valentina na siya ay nagdadalang tao na pala. Agad niyang ipinaalam iyon kay Simon kung saan halos paliparin ni Simon ang kaniyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay. "Yehey! Sa wakas! Magkaka- baby na ulit ako!" tuwang- tuwang sambit ni Simon sabay yakap kay Valentina. Naluluha namang gumanti ng yakap si Valentina. Sobrang saya niya dahil buntis na siya. Na sa wakas, nagbunga na ang pagmamahalan nilang dalawa ni Simon. "Mamaya huwag ka ng kikilos. Gusto ko na nagpapahinga ka lang palagi at walang ibang gagawin. Ako na ang kikilos sa bahay na ito. Ako na ang maglilinis, maglalampaso at maghuhugas. Basta lahat ako na. Si yaya Pacita na ang bahalanag magbantay sa iyo kapag wala ako, okay?" malambing na sambit ni Simon. Napangiti naman si Valen

