" Picture-an mo 'ko dito love oh. " Sabi ko sa boyfriend ko.
" Okay sige, mag pose ka na love! " Magiliw na sagot niya.
Iyan ang hilig niya. Ang kunan ako ng litrato.
Para daw pag tumanda na kaming pareho ay marami kaming litratong tatanawin bilang alaala.
" Isa pa, love. " Sabi niya saakin.
At sinunod ko nga iyon. Madami pa kaming kinuhang litrato. Ang iba ay ako lang mag-isa at minsan ay nagpapa-picture sa ibang taong dumadaan.
Hawak kamay naming binabaybay ang ang daang pinagigitnaan ng sobrang daming puno.
Simple lamang iyong ngunit napakasya. Buo na ang date naming iyon sa napakasimple naming pinaggaga-gawa sa araw na iyon.
Butil ng pawis ang siyang pumuno sa aking noo at leeg nang napabalikwas ako mula sa isang 'di maipaliwanag na panaginip...... O alaala?
Hindi ko alam. Basa hindi ko iyon maipaliwanag at hindi ko iyon nagustohan.
Sobrang init ng pakiramdam ko. Para akong nagaapoy.
Hinawakan ko ang aking noo at inilayong bigla ang aking kamay mula sa tila nagbabaga kong noo.
Mainit. Teka.... nilalagnat ba ako?
Napamura nalang ako ng bigla nalang bumukas ang pintuan at pumasok si kuya Jerick na may dalang palangganang may tubig at bimpo.
" Kamusta ang pakiramdam mo? Sobrang init mo kanina, ah. " Sabi niya habang patuloy na lumalapit at umupo sa tabi ko at ipinatong ang palangganang dala niya sa maliit na lamesa.
" Nilalagnat ka. Dahil siguro sa pagpapaulan natin kagabi. " Sabi niya habang unti-unti nang pinapahid ang bimpo sa aking noo.
Doon ko lang naalala ang nangyari kagabi.
Naabutan kami ng ulan sa kalagitnaan ng paglalakad namin pauwi dito sa kaniyang bahay.
Kaya dahil sa pagod mula sa pagtakbo at dala ng kabasaan ay hindi na kami nakapag-usap tungkol sa pagtratrabaho ko sa Maynila.
" Ah, kuya... Iyong binanggit mo kagabi? 'yong sa pagtra- "
" Huwag na muna iyon Ash. Magpagaling ka nalang muna bago natin iyon pag-uusapan. " Putol niya saakin.
" Pero ku- "
" Sige, sasabihin ko sa'yo at pag-uusapan natin iyon, pero pagka gumaling ka na. Kaya kung ako sa'yo, magpagaling ka na upang sabihin ko na saiyo. " Sabi niya sabay tayo.
" Punasan mo na ang iyong katawan at magbihis ka na, at pagkatapos ay lumabas ka na at ihahanda ko lang ang makakain mo, maliwanag? " Sabi niya sabay namewang sa harap ko.
" Maliwanag. " Sabi ko naman sabay salute kunwari.
" Good. " Sambit niya sabay ngiti at lumabas na ng tuluyan at isinara na ang pintuan.
Napangiti 'rin ako. Kahit na nilalagnat ay excited parin akong malaman ang kung ano man ang sasabihin niya tungkol sa pagma-maynila ko.
Hindi ko alam kung ang rason ba na makatulong sa kanila ang siyang nagtutulak sa akin na mag Maynila.
Dahil may isang parte sa akin na tila nanabik sa lugar na iyon.
Nilalagnat ako ngayon, at tulad nalang sa tuwing nilalagnat ako ay palagi nalang akong mayroong napapanaginipan.... O .....naaalala?
Hindi ko alam basta gustong-gusto ko ang mag Maynila.
Hindi na 'rin ako nag tagal pa sa kwarto at lumabas na pagkatapos na linis ang katawan at magbihis.
Mabangong sopas ang siyang nasimhot ko nang patungo na ako sa kusina.
" Upo ka na dito. " Nag-angat ng tingin si kuya sa akin at ipinaupo na ako.
" Grabe amoy palang ang sarap na! " Sambit ko.
" Aba't mabuti hindi ka nawalan ng pang-amoy. " Sabi niya sabay lapag ng sopas sa harap ko.
" Ah, hindi naman ako sinipon kuya. " Sagot ko't sinimulan na sana ang pagkain nang bigla nalang akong bumahing.
" Ayan, nagkasipon na, Ash. " Sabi ni kuya sabay tumawa-tawa pa.
" Kumain ka na. Makabubuti 'yan sa lagnat at sa sipon mo na kakadating lang. " Sabi niya at sumandok na ng para sa kaniya.
Kung sinu-swerte ka naman oo. Lagnat tsaka sipon. Sana makatulog ako ng maayos mamayang gabi.
Tahimik at patuloy kami sa pagkain ng basagin ni kuya ang katahimikan.
" May napanaginipan ka na naman ba? " Tanong niya habang nasa pagkain parin nakatutok ang mata.
" A-ah, Hmm. " Sagot ko naman sabay tango.
" Iyong lalaki pa 'rin ba? " Tanong niya at iniharap na ang mukha at tumitig sa akin.
Tumango-tango ako.
" Ngayon, may mukha na ba? Klaro na ba? Kilala mo na ba kung sino siya at kung bakit ko siya napapanaginipan? " Sabay sabay na tanong niya.
" Walang mukha pa 'rin kuya. Pero this time, napanaginipan ko na b-boyfriend ko 'raw siya. " Sabi ko at tumigil sandali sa pagkain.
" Nagda-date 'raw kami. Kinukuhanan niya ako ng litrato, kuya. Iyan daw ang hilig niya. Ang kunan ako ng litrato. "
Pag kwento ko sa napanaginipan ko kaniana.
" B-Boyfriend? " Tila na gulat pa si kuta roon.
Tumango-tango ako at ipinagpatuloy ang pag kain.
" Ano 'bang buhay ang meron ka roon? " Bulong ni kuya na hindi ko naintindihan.
" Ha? Ano kuya? " Tanong ko.
Umiling lamang siya at ipinagwalang bahala ko nalang 'rin at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Buong maghapon lang akong manatili sa bahay. Hindi na 'rin ako pinayagan ni kuya na maggalaw pa at mas mainam na magpahinga na muna 'raw ako.
At dahil nakaabot pa kay Jaquie at sa nanay nila ay agad itong sumugod dito sa bahay.
" Diyos ko! Ashy, anak okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Naku! Ang init mo pa oh! " Sunod-sunod na talak ni tita Josephine.
" Okay na po ako, tita. " Sagot ki naman habang kinakapa kapa niya parin ang aking noo gamit ang likod ng kaniyang palad.
" Magpahinga ka na muna, Ashey. " Sabi ni Jaquie na may pagaalala 'rin sa boses.
Tumango nalang ako sa kaniya.
Being surrounded by these people makes me happy. Makes me contented in life.
Having them is enough.
Sila lang sa buhay kong ito ay sapat na. Isang pamilya.