Chapter 2: The Raven

2294 Words
Chapter 2: The Raven Faye Villanueva I was beginning to get anxious as I stood in the shadows of The Raven. It is a slender building at wala itong bintana. Mas mataas pa ang The Raven sa mga katabi nitong building. It ruined the beauty of the bright buildings that surrounds it because of it's dark paint. The building could be seen anywhere in the city. Rage really likes his gloomy surrounding. Umalis si Angel para makipag-usap sa mga babaeng nakilala niya mula sa eskwelahan na nakalinya rin para pumasok sa club, leaving me alone to hold our place. Wearing a sexy yet revealing dress made me shiver lalo na at napapaligiran ako ng mga taong hindi ko kilala. I was out of my element. I fold and unfolded my arms, hindi makapagdesisyon kung itatago ko ba ang mababang tabas ng tela ng aking suot o kung ilalantad ko ba ito sa maraming tao. I don’t feel confident lalo na at alam kong pagagalitan ako kapag nalaman ng aking ina na naglalakwatsa ako. “Isn’t it fascinating?” Angel was a vision of red, nakatuon sa kanya ang lahat ng atensyon habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. I laughed. Hindi ako napahanga sa kadakilaan ng The Raven o kahit sa anong negosyong naitayo ng mga negosyante. Imbes na tumulong sa mga mahihirap, nauubos ang kanilang oras at panahon sa pakikipagkompitensya sa isa’t isa, para lang ipakita sa buong mundo ang kanilang yaman at kapangyarihan. If they want flaunt their wealth, and power, the least they could do is to help humanity. Tiningala ko ang gusali saka sumimangot. “I’m not a fan of black, Angel.” “Magbabago ang tono ng boses mo kapag nakita mo si Rage,” Angel whispered habang may pilyong ngiti sa labi. Pinandilatan ko siya. “Akala ko ba wala siya rito?” tanong ko. Biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib. No—it’s excitement rather. She laughed. Tinapik niya ako sa balikat at tinitigan sa mga mata. “Faye. I know you’re hot and all, pero… imposibleng makuha mo ang atensyon ni Rage. This place is huge and packed.” May punto si Angel—and yet, I’m nervous. What are the actual odds I’d really catch his attention? My stomach was into knots. Sinuklay ko ang aking buhok upang maibsan ang tensyon sa aking dibdib. “Alam mo, puwede mo namang aminin sa akin na gusto mong makita si Rage.” Napabaling ako kay Angel. Hindi ko alam na kanina niya pa ako tinitingnan. I laughed and it was shaky. “Ayaw ko siyang makita. I am here to celebrate my birthday as you promise. Nothing more, nothing less,” I said in a not-so-confident voice. Hindi ko alam kung bakit hirap akong sabihin na hindi ako interesado, pero hindi ko rin maamin sa aking sarili na gusto ko siyang makilala. I actually wanted to meet Rage, a demon as they say. Angel gave her knowing look, pero hindi pa man siya nakapagsalita ay umalingawngaw ang malakas na sigaw na nagmumula sa unahang linya. Nakipagsuntukan ang isang lalaki sa guwardiya na nagbabantay sa entrance ng club. It was a terrible idea. Of course, Rage employed big, and experienced men to guard his fortress. They were ruthless and brutal. Hindi man lang makitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata ng guwardiya pagkatapos nitong higpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan ng lalaking nanggulo. Biglang lumabas mula sa lilim ang dalawa pang guwardiya. They were dressed in black. Hinila ng mga ito ang lalaki paalis. “Huwag! Maawa kayo!” Dumaan ang ilang minuto bago nawala ang boses ng lalaki sa paligid. Bumuntonghininga si Angel sa tabi ko. “Kahit saan, may isa talagang hindi sumusunod sa batas.” Bigla akong kinabahan. Paano kung may isang batas akong hindi susundin pagpasok sa loob? That would make Angel crazy. I silently laughed at the thought. Kilala si Rage dahil sa paraan ng pagpapatupad niya ng batas sa kanyang nasasakupan. Walang nakalalampas kahit isang kaluluwa mula sa kanya pagpasok at paglabas sa kanyang teritoryo. I had a feeling it was the same for his club—The Raven. The thought sent shivers down my spine. I wouldn't dare, yet a small peck of excitement rise on my chest. I felt exposed under the gaze of the mighty guard. Muntik ko ng hilahin paalis si Angel dahil sa kabang nararamdaman ko. I crossed my arms at pilit na inaalis ang atensyon sa guwardiyang nasa harapan namin ni Angel. Binigay ni Angel ang aming pangalan. The man paused as he spoke to a mic. Dumaan ang ilang minuto, binuksan ng guwardiya ang pinto papasok sa club. Gulat kong siniko si Angel dahil sa kaba. The room we entered was dim and silent. May dalawang guwardiya na nakatayo at mataman kaming tiningnan. “Bags?” I opened mine. The man in front of me check my bag for prohibited items. No phones allowed. To take photos inside The Raven was forbidden. But I’d like to take one if I see Rage tonight. Ipinilig ko ang aking ulo. “Bakit bawal? I’d like to take a pic of him.” “Wala akong ideya kung bakit pero bawal talaga. Huwag na tayong sumuway at baka mahila rin tayo palabas.” I got excited though. “What are the punishment?” Angel snorted, hindi makapaniwala sa tanong ko. “Masisira ang cellphone mo, masisira pa ang buhay mo,” aniya sa nakakatakot na boses. I laughed. “I’d like him to torture me with his bare hand.” Pinandilatan niya ako. “Pinagsasabi mo?” I shrugged. “Wala,” I said and fake a laugh. Rage was famous for being a private person. He managed to stay out of the public eye and he is not into relationship. Walang balita tungkol sa kanyang love life and everyone was eager to know him deeper. I admired that about him. Binuksan ng mga guwardiya ang panibagong pinto. Nakangiti si Angel sa akin bago niya ako hinila papasok. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin, carrying the scent of freshly cut strawberries, sweat, and a distinctive smell, especially one that is pleasant. I recognized the scent, devils flower. I found myself on the balcony overlooking the floor of the club. Angel was right, the club was packed with people everywhere—nakapalibot sa bawat mesa habang nag-iinom, nagsusugal, hanggang sa bar counter, nagbubungguan ang balikat ng bawat isa. Their silhouettes created a dark shadows under the red light of the club. May mangilan-ngilang mga booths na nakahilera sa bawat sulok at puno ng mga tao. I drew a sharp breath, a pang of excitement rose in my chest as a sunken dance floor at the center of the club catches my attention. Sumasayaw ang mga tao sa nakakaakit na ritmo kasabay ang anino ng pulang ilaw. Sa itaas ng club, nakahilera ang mga kristal at aranya na gawa sa pundidong bakal. Angel gasp beside me. “Halika na!” Hinatak niya ako papunta sa hagdan na pababa sa ground floor. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay sa takot na maiwanan at mawala sa dagat ng mga tao. “Hoy!” sigaw ko kay Angel. “Saan ba tayo pupunta?” Inirapan niya ako. “Drinks, Faye, drinks,” aniya. We squeezed into a space only big enough for one person. “Two whiskey,” Angel ordered. “Ano ang gusto mo? Beer?” “Hindi pa ako nakakainom ng whiskey.” “I know. Let’s try it anyway.” Gulat akong napalingon nang may kamay na dumaan sa pagitan namin at naglagay ng pera sa counter kasunod ang isang boses ng lalaki, “Libre ko.” Pareho kaming lumingon ni Angel sa lalaking nakatayo sa likod. Kakulay ng kanyang itim na mga mata ang kulot niyang buhok, parang nabilad sa araw ang makintab niyang balat. I drew a sharp breath. He was handsome. “Salamat,” pigil-hiningang sagot ni Angel sa tabi ko. Ngumiti ang lalaki, flashing a set of white teeth. “Walang problema,” sagot niya. “Is this your first time here?” intriga niyang tanong. Huminga si Angel bago sumagot. “Oo. Ikaw ba?” Umiling ang lalaki. “Hindi. Palagi ako rito.” Sumulyap ako kay Angel bago tumingin pabalik sa lalaki. “Really? Akala ko ba mahirap makapasok dito?” tanong niya. Biglang tumawa ang lalaki. “Thanks to my lucky stars, I guess?” Naglahad siya ng kamay, “Alfred, at your service,” he said in a playful way. Palihim akong napangiti. “I’m Angel, ito naman si Faye. Mahiyain ’yan,” dagdag pang wika ni Angel. Palihim ko siyang tinaasan ng kilay pero tumawa lang siya. “I would like to invite you to my table.” “Thanks for the invite, but were fine,” sagot ko. He’s handsome but no—there’s something in him that bothers me. His face fell with my rejection, pero kaagad ding nakabawi. “Suit yourself.” Pilit siyang ngumiti bago umalis. Kunot-noong bumaling sa akin si Angel. “Bakit mo ginawa ’yon?” tanong niya. May halong pagkairita sa kanyang boses. I shrug. “Girl, I want to celebrate my birthday with you, not with some hot guy na halatang gusto mo.” She blushed and looked away. “Erst. I’ll take it as pangungulila mo sa akin.” I laughed. “Ew!” I scanned the room. May bakante sa hindi kalayuan. “Come on! Let’s sit.” Hinatak ko siya papalapit sa nakita kong couch saka kami naupo. With a drink in hand, I scanned the area again. Hindi ko alam kung bakit parang may hinahanap ang puso ko. Hindi ko alam kung ano o kung sino. A blond girl walk to us. She had long legs and wore a simple white dress. Beautiful. “Hello. I saw you talking to Alfred kanina. I’m one of his friends,” nakangiting pakilala ng babae saka naupo sa kaharap na couch. “Daniela,” she said. “Faye. This is Angel.” “Taga saan ba kayo? I think you’re new here. Ngayon ko lang kayo nakita, eh,” magalang niyang sabi. Nanlaki sa gulat ang mga mata ko. “Wow! As in araw-araw ka rito?” Nakangiti siyang umiling. “No. I’m a student so every saturday lang kaming nagkikita rito with my friends.” “Really? Ang galing naman. Friends n’yo ba ang may-ari?” intrigang tanong ni Angel. Umiling na naman siya. “Hindi. Nagpapa-appoint lang talaga kami.” Lalo akong napahanga. Siguro dahil maganda siya kaya pinapaboran siya. “Saan ka ba nag-aaral?” “La Trinidad Community College.” “Really?” sabay naming tanong ni Angel, parehong hindi makapaniwala sa narinig. “Gosh! Schoolmates pala tayo!” manghang sambit ni Angel. After several shots later, napuno ng tawanan ang mesa namin dahil sa mga katatawanang kuwento ni Daniela. Somehow, I feel at peace with her at hindi ko alam kung bakit. She has this calming voice, parang anghel kung magsalita. I got distracted by my surroundings. Napansin ko ang malilit na detalye sa paligid. Katulad na lang ng mga maliliit na ilaw sa itaas na parang mga bituin sa langit, bulaklak sa plorera na nakalagay sa bawat mesa, at ang nag-iisang pigura na nakatayo sa balcony sa ikalawang palapag ng club. Nanatili roon ang aking paningin hanggang sa naaninag ko ang pares ng mga mata na ngayon ay nakatitig sa akin. Hindi ko maaninag ang kulay ng kanyang mga mata. Napukaw ang nakatagong init sa aking katawan sa paraan ng kanyang pagtitig at para bang alam niya ang nagagawa ng kanyang paningin dahil sa pagtaas ng sulok ng kanyang labi. He has sharp and strong jaw, and it was covered with dark beard. Malaking lalaki, six and a half feet tall, kasing itim ng kanyang buhok ang suot na terno. Nanuyo ang aking lalamunan. Bigla na lang akong naging balisa. Hindi ako mapakali kaya pinag-krus ko ang aking mga binti. Kaagad kong pinagsisihan ang ginawang pagkilos dahil doon natuon ang paningin ng lalaki bago siya nag-angat ng paningin sa aking mukha. Huminga ako nang malalim. The fire he’d ignited under my skin sent heatwaves and pooled low in my stomach, reminding me of how empty I felt, how desperately I needed to be filled up. Sino ba siya? How could I possibly feel this way about a person I haven't really met? I can’t hardly breath. Kailangan kong tapusin ang kuryenteng namagitan sa amin. Nahigit ko ang hininga nang mapansin ang isang makinis na kamay na biglang dumausdos sa baywang ng lalaki. Hindi ko na hinintay na makita ang mukha ng babae. I cleared my throat bago ibinaling ang paningin sa dalawang kasama. “Bakit nakakunot ang noo mo?” kunot-noong tanong ni Angel sa akin. “What happened? Parang kanina ka pa balisa, ah,” saad ni Daniela. Ngumiti ako ng pilit. “Ayos lang ako.” Nagtuloy-tuloy sila sa pagkukuwentuhan. I tried to follow their conversation, pero hindi ako mapakali. Nakatuon sa ibang bagay ang aking utak at hindi ako matahimik kung hindi ko masasagot ang mga tanong sa aking isipan—like how would I feel to be in the arms of the man on the balcony. He could fill this emptiness I felt, stroke this heatwaves that crept under my skin, he could end my suffering. But he was taken or worse, engaged with that woman. Gusto kong lumingon upang tingnan kung naroon pa ba ang lalaki. Ilang beses kong pinigilan ang sarili until my curiosity won. The balcony was empty. I hated how disappointed I felt after finding out he was not there anymore. Nagpalinga-linga ako, kunot-noong nakatingin sa dagat ng tao. “Si Rage ba ang hinahanap mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD