Chapter 1 : Katangahan Strike

628 Words
Prologue Isang pangit na dalaga na napaka-lakas mambara,matapang at laging binubuntutan ng kamalasan,nameet ang isang ubod ng yaman, gwapo,MALIBOG at mapanglait na lalaki. Ang ating bidang tanga este maganda lol! ay may gusto kay Koby Valdez na pinsan ng kanyang MALIBOG na amo. Paano kung biglang maiba ang takbo *erase*erase* ang pintig ng puso niya? Itutuloy mo pa ba ang pagbabasa? Mwehehehe "Ante pagbigyan niyo ako ulit. Di ko pa po sahod eh babayaran ko po kayo kapag naka-sahod na ako" "Isang buwan ka ng walang bayad!! Tapos ngayon wala na naman?!! Aba!! Anong akala mo libre ang pagtira mo dito?!" "Eh di pa po ako nakakasahod. Sige na naman ante oh. " pagmamakaawa ko sa tiyahin ko. "Di na lumayas ka na!! Mamalasin ako ng dahil sayo!!" "Grabe naman po kayo sakin, kayo na lang po ang kakilala ko dito ante wala po akong matirhan kundi dito sa apartment niyo." Mangiyak-ngiyak kung sabi. Bruha talaga di man lang naawa sakin. "Nangongonsensya ka pa!! Sige isang buwan pa pero kapag di ka pa nakabayad lumayas ka ng kusa at huwag ka ng magpakita sa akin!! Maliwanag?!!" Sigaw niya. "O-opo. Naiintindihan ko. " Umalis na siya. Ang aga-aga pinapahiya ako. Hayy, ng pagtingin ko sa paligid lahat ng boarders sa apartment namin eh nakatingin sakin. Oo apartment NAMIN nung buhay pa ang mga magulang ko pero ng maaksidente sila inangkin na ng tiyahin kung walang puso at atay!! Kaya kahit na labag sa kalooban ko wala akong magawa dahil tiyahin ko siya at kapatid siya ni mama. Hayy, pumasok na lang ako sa loob para mag-ayos at ng makapasok na ako sa trabaho. Habang naglalakad ako iniisip ko sila papa at mama kung sana buhay pa sila di siguro ako ginaganito ni ante. Di sana ako pinapalayas sa sarili kung apartment. Haayy! Habang naglalakad ako may nadaanan akong glass walls ng isang mini-mart at nakita ko ang kabuoan ko. Napasimangot ako ng makita ko ang itsura ko. "Pangita jud nako uy! (Ampanget ko talaga!) Umalis na ako baka lumabas pa ang cashier at pagsabihan pa ako ng kung anu-ano. Habang naglalakad ako may nakita akong coke can sa daan. "Hay! Andame talagang burara sa mundo may malapit na nga na basurahan di pa maitapon ng maayos!" Umayos ako ng tayo at pumwesto na parang sisipa ng soccer ball sa isang last goal....sinipa ko ng buong lakas ang lata at............. O_O di ko nakita may aso pala na natamaan *gulp* "Rrrrrrrrrr" Tumingin sakin ng pagkasama-sama. Patay!! "H-hehe naku aso p-pasensya kana h-ha? H-hehe kung *gulp* natamaan man k-kita." "Rrrrrrrrr" papalapit sya sakin. Huhu takot pa naman ako sa aso. Ba't ba ang malas ko ngayong araw nato? Hakbang pagilid habang nakatingin sa aso. Waaaahhh para na akong talangka maglakad! "Naman! Sorry na d-di ko talaga sinasadya eh" para na akong baliw dito na nakikiusap sa aso. T_T "Raaaaaaawwwwrrrrr!!!!" Waaaaaaaahhhhhhh!!! Napatakbo ako ng di oras sa lakas ng tahol nya!! At ang putek na aso hinahabol ako?!! Waaaaahhhh!!! (Kinsa may dili gukdon na nidagan manka!!) sino ba ang di hahabolin eh tumakbo ka!! Ayy antanga talaga! Ang bobo pa!! Sarap bitayin ng sarili ko ehhh!!! "Waaaaahhhhh tulonggggggggg!!! Hinahabol ako ng asooooo!!!" Patuloy ako sa pagtakbo habang ang aso naman eh nakasunod pa rin! Lumingon ako para tingnan at..walangho naman uh di ba nya ako titigilan? Mukha na akong baliw ehh kainis kang aso ka!! Lingon pa din ako ng lingon sa likuran ko ayun parin! Humarap na ako ng..... Nagustuhan niyo ba ang simula ng storya? Kung nagustuhan mo beke nemen magbigay ka ng comment/feedback sa story ko kikiligin ako nun hihi. Vote mo na din para mas kiligin ako haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD