Christine's POV Hindi ko na alam kung hanggang kailan namin ni Jeff maitatago kay Eliza ang totoong rason kung ano ang nangyari bago mangyari ang insidente. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kailangang i-iwas si Eliza sa mga estudyanteng walang tigil sa kaka-tanong sa kalagayan ni Bailey. Habang nag-aantay kami sa silid ay tinawag muna ako ni Jeff. Lumabas kaming dalawa sa classroom at dumiretso sa locker room. "Hanggang kay'lan ba natin 'to tatago?" pagtatanong sa akin ni Jeff, "Naaawa na ako kay Eliza. I feel like, we're betraying her!" dugtong na ani nito habang naka pamaywang. "Ako din naman nahihirapan ng itago ang katotohanan sa kaniya," sagot ko naman sa kaniyang sinabi. "Pero kailangan nating sundin si tita." pagdagdag ko. Habang naglalakad kami papasok sa aming classr

