*Bailey's POV* Ilang araw na rin nung naging kami ni Eliza. Ngayon ang plano namin na magpakilala sa aming mga magulang as a couple. Hindi ko maitago ang aking saya na nararamdaman at ganoon din si Eliza. Bago ako dumiretso sa aming unibersidad ay dumaan muna ako sa bukas na florist at bumili ng Bouquet of yellow tulips, paboritong bulaklak ni Eliza. Nauna akong nakarating sa campus kaya naman ay naisipan kong hintayin si Eliza sa harap ng campus entrance. Hindi nagtagal ay nakarating din ito kasama ang kaniyang mga kaibigan. Habang naglalakad ito papalapit sa akin ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw na rin ang lumipas ng maging kami pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang pag-papanggap namin ang magiging dahilan ng pag-iibigan namin ngayon. "Hi, Bailey!" Ani ng mga kaibi

