Napansin ko ang ibang mga protettori, ang mga kawal mula sa kaharian, na nasa gilid na lamang at hinayaan ang mga royalties ang sumubok puksain ang demonyo. Pinagmasdan ko ulit ang ibang mga sirang gusali habang ang iba ay maayos pa at walang kahit na anong sira, nasa loob iyon ng protective barrier. Perhaps to stop damaging other people's homes and structures. Napasulyap naman ako sa gawa ng lava demon, kung saan naglalagablab ang apoy sa buong katawan, lumalaban pa rin ito at mukhang mas lalong nagagalit habang tumatagal. Malaki ang mga mata niya't bibig habang may parang nakaukit sa bandang noo nito. Napairap ako dahil patuloy sila sa paglalaban at wala manlang napapansin na kung ano. Sus! Tutuklawin na sila. Nasa harapan na mismo ang sagot at hinahanap. Kaya nahihiya ako kasama ang

