'Yong necklace na binigay sa akin ni Aveline my future teller ay sinusuot ko. Hindi pa ako nakakapagresearch about sa necklace kasi I'm lazy to do that. Well, I want to gala-gala to labas because I'm so bored na rito in our dorm. Tsk. Why so conyo? Hmp. Hindi bagay sa akin. Nahawa na tuloy ako kay Tita Trixie. She's so cool kaya. Kapag siya ang nagsasalita, bagay sa kaniya pero kapag ako, para akong tanga. Dahil gusto ko gumala kaysa magkulong dito sa kwarto ay bumaba ako. Sa kasamaang palad, wala rito ang mga unggoy. So sino ang isasama ko? Psh. Kung kailan gusto kong gumala na may kasama e. Pupunta na sana ako sa may pinto nang mapansin ko na may nakahiga sa sofa. Dahan-dahan ako lumapit doon at nakita kung sino ang nakahiga. It's fafi Cody! Hindi siguro 'to sumama sa kung saan man p

