“Keaton, let’s go?” Kahit hindi naman siya ang kinakausap, napatingin pa rin si Isaac kay Dean. Their leader, now on a white one-shoulder Greek chiton dress and high-cut sandals, was standing near the doorway. Tinapos muna ni Keaton ang pagkakabit ng high-cut sandals saka ito tumayo. “Sure,” tugon nito kay Dean. Togang puti na may mga gold embroidery sa hem ng damit ang suot ni Keaton. Nang lumapit ito kay Dean ay saka lang binuksan ng huli ang pinto. “Una na kami, ha? Cheer us up!” bilin sa kanila ng leader habang si Keaton ay palabas ng kwarto. “Sure! Walang problema,” tuwang-tuwa namang sambit ni Ciel. Tapos, nagtama ang tingin nila ni Dean. Gaya ng inaasahan niya, napawi na naman ang tingin nito saka umiwas ng tingin. Tapos, saka lang ito lumabas ng greenroom. Napabuga ng hangin

