Isaac wasn’t imagining it. Ilang araw na niyang minamanmanan ang mga kilos ni Dean, at hindi nga siya nagkamali. There was indeed a silent tension between him and Lukas, and it became too obvious whenever Dean approached Keaton.
Gaya na lang ng araw na iyon…
It was Keaton’s birthday. Nang magising si Isaac nang umagang iyon, nadatnan niya si Lukas na abala sa pagde-decorate ng dining area.
“Naks naman, Lukas,” hindi niya maiwasang kantiyaw sa kabanda habang pinapanood itong i-tape ang tarpaulin na naglalagay ng pagbati para kay Keaton.
Gulat namang napatingin si Lukas sa kanya. “s**t, akala ko kung sino,” sabi nito. “Ikaw pa lang ba gising? Si Keaton?”
Tumango siya. “Don’t worry, p’re, mukhang tulog pa naman si Keaton.” Lumapit siya sa kabilang dulo ng tarpaulin saka nagboluntaryong tulungan itong ikabit iyon.
Once they were done, lumayo siya para tingnan kung pantay ang kabit. Nang masiguro, nag-okay sign siya kay Lukas.
“Salamat, p’re,” sabi nito saka humikab. “Now, kailangan ko na lang i-assemble ang cake.” Tapos, lumapit ito sa rice cooker nila at tiningnan ang laman niyon.
Isaac had heard before na pwede kang gumawa ng base ng cake gamit ang rice cooker. Pero hindi pa rin niya maiwasang mamangha, lalo pa’t si Lukas ang gumagawa niyon.
Ginala niya ang paningin sa kabuuan ng dining area. May mga nakalaylay na makukulay na garland sa kisame. Mayroon ding nakataling lobo sa anim na silya ng dining table.
“Ang effort mo naman, p’re,” hindi niya maiwasang kumento muli habang inaabot ang party popper na nakapatong sa lamesa. By that time, hinahango na ni Lukas ang laman ng rice cooker.
“Gano’n talaga kapag mahal mo ang tao,” nakangising anito habang binabaligtad ang rice cooker sa plato. “s**t, ba’t ayaw malaglag.”
Natawa naman si Isaac. “Kutsilyohin mo muna ang gilid kasi.”
Agad namang sumunod si Lukas.
“Iyon!” sabi nito pagkatapos isalin ang cake sa plato. “Kaso, bakit parang ang lambot?”
Hindi mahilig sa cake si Isaac, but he can tell right away na hindi pa masyadong luto ang cake. May moist pa kasi ang ibabaw niyon at hindi pa naka-umbok. “Tinusok mo ba muna ng toothpick?”
Gulat itong napatingin sa kanya. “Ha? Para sa’n iyon?”
Natawa na lang siya. “So hindi mo nga ginawa? Para malaman yun kung luto na ba ang loob. Kapag hinila mo at malinis, ibig sabihin, luto na ang loob.”
“Hala? Puta, paano kaya ito?” Nakapamaywang pa si Lukas habang tinitingnan ang cake.
“Ibalik mo kaya ulit?” suhesyon niya. Kaso nang tingnan nila ang oras sa wall clock sa sala, napagtanto nilang pasado alas siete na. Malapit nang magising si Keaton. Gaya ni Isaac, morning person din kasi ito.
“s**t, bahala na! Hindi naman sira ang cake,” desisyon ni Lukas. Tapos, kinuha nito ang mini candles na nakalagay sa kitchen counter saka isa-isang tinusok sa ibabaw niyon.
Dahil natataranta na ito, nagkusa na rin si Isaac na tulungan ito. There were 23 candles in total. Bale, edad ni Keaton.
“P’re, pasuyo. Ikaw magdala ng party poppers,” utos nito habang bitbit sa isang kamay ang cake.
Agad niyang inabot ang dalawang cake mahabang tube sa lamesa.
“May lighter ka na ba?” tanong niya habang paakyat sila sa second floor. Nauuna sa kanya si Lukas.
“Ay s**t. Oo nga pala!”
Natawa naman si Isaac. “Tingnan mo to!” Napailing-iling na lang. “Sige, kunin ko ang lighter ko sa kwarto.”
Nang makarating sila sa ikalawang palapag, muli siyang pumasok sa kwarto niya at lumapit sa night stand kung saan niya pinapatong ang lighter niya.
Saktong palabas na siya nang magising si Dean.
“Anong meron?” nagpupungas na saad nito.
Napatigil siya sa paglabas. “We’re surpiring Keaton. Sama ka?” Pinakita niya ang mga hawak na party popper.
Biglang kuminang ang mga mata nito. ”s**t. Oo nga pala!” Agad itong tumayo at kinuha ang isang tube sa kanya. “Sinong naghanda nito?”
“Si Lukas. Sino pa ba?”
“Naks!”
Sabay silang lumabas.
“Iba talaga itong si Lukas. Kinakarir ang pagiging boyfriend,” sambit ni Dean kay Lukas habang palapit sila rito. Nakatayo ito sa harap ng pinto ng kwarto nina Ciel at Keaton.
Samantalang, biglang nagdilim ang mukha nito nang makita ang leader nila. “Why are you here?”
“What? Bawal kong batiin ang bunso natin?” tugon ni Dean.
At naramdaman na naman ni Isaac ang tensyon sa pagitan ng dalawa. He was especially alarmed on the way Dean smirk. Hindi iyon pang-asar. It was reminding him of his psychopathic tendency.
Napatiim-bagang tuloy siya. He needed to know what happened between the two.
But of course, he would rather not ruin the mood first. Sayang ang effort ni Lukas. And it’s Keaton’s birthday too. He wanted his bandmate’s day to be amazing.
Kaya naman, pumagitna siya sa dalawa at sinimulang sindihan ang mga kandila. Laking pasalamat niya na kusang iniwas ni Lukas ang tingin kay Dean, at tinuon muli ang atensyon sa cake.
“Okay, here’s what we gonna do: pagbukas ko, sabay-sabay nating babatiin si Keaton,” panimula ni Lukas. “Then, that party popper, syempre, ipuputok n’yo yan kapag nagising na siya.”
“Ipuputok?” hirit ni Dean habang patuloy na nakangisi.
Muli na namang sumama ang tingin nito sa leader nila, kaya minabuti na ni Isaac buksan na ang pinto.
“Let’s do it,” sabi pa niya saka mahinang tinulak ang pinto.
Nadatnan nilang naghihilik pa pareho sina Keaton at Ciel sa kani-kanilang mga kama. Nilapitan nila si Keaton, na mas malapit sa pintuan ang higaan.
Lukas counted silently up to three.
“Happy birthday, Keaton!” sabay-sabay nilang sabi.
Bigla namang napadilat si Keaton at napabalikwas ng bangon.
“Whoa! Asan ang sunog?!” bulalas pa nito saka nagtatakang napatingin sa kanila at napakurap-kurap.
Sabay-sabay silang natawa.
“Walang sunog, Keaton,” sagot ni Lukas saka inilapit ang cake. “Happy birthday, babe,” nakangiting tugon nito.
Napamaang naman si Keaton. Parang nalilito pa ito.
“Blow the candle now, Keaton,” muling sabi ni Lukas. “Then, blow me after?” Ngumisi ito.
Natawa na naman silang lahat, habang si Keaton naman ay naningkit ang mga mata. Then, their youngest grabbed Lukas’s crotch. Napaigk naman ang nobyo nito pero hindi tumigil sa pagtawa.
“Anyway, make a wish and blow the candle,” ani Dean habang tinututok ang phone kay Keaton.
Saglit na pumikit ang main vocals nila saka sinimulang hipan ang mga kandali. Once, they were done, sabay-sabay silang pumalakpak. Noon lang din nila naalala ang party poppers. Agad nilang pinutok iyon.
Then, Ciel grunted. “Ano ba iyan? Ang ingay?” iratadong sambit nito habang kinakamot ang ulo.
Hinagis ni Dean ang basyo ng popper sa visual nila. “Tang ina mo, Ciel! Birthday ng best friend mo, oy?”
Dahan-dahan naman itong dumilat. “Ah? Oo nga pala.” Tumagilid ito paharap kay Keaton. “Happy birthday, Keaton,” usal nito. Pagkuwa’y pumikit muli at natulog.
Napuno na naman ng halakhakan ang kwarto.
“Shet, buti pala nag-video ako,” sabi pa ni Dean matapos i-end ang video. “Ma-upload nga ito sa IG mamaya.”
Then, sinuksok nito ang phone sa bulsa saka hinarap si Keaton. “Happy birthday, bunso! Sana tumangkad ka pa. Sa pwet mo lang yata napunta lahat ng sustansya mo.”
Keaton flashed his middle fingers. “Tang ina mo, Dean!” angil.
Dean laughed. Tapos, yumukod ito to initiate a hug.
And this was when Lukas showed his hostility again. Gamit ang kaliwa nitong braso, sinagi nito mukha ni Dean.
Dean howled in pain. “Tang ina,” angil nito saka nilayo ang sariling sapo-sapo ang ilong.
Samantalang, niyapos naman ni Lukas si Keaton. Masama pa rin ang titig nito kay Dean.
Dean flashed his smirk that screamed danger again.
“Napaka-possessive naman pala,” anito saka tumalikod. “Anyway, balik muna ako sa kwarto ko.” Tapos, lumabas ito ng silid.
Isaac followed their leader with his gaze, his face was long as a way of exhibiting his uncertainty on what to feel toward him.
Nagkuyom ang mga kamao niya. There was some void space forming in his stomach.
What did you do, Dean? Napatiim-bagang siya. Did you just betray me?
Naalala niya kung paanong hindi nakukuha ni Dean ang mga subtle flirting niya nitong mga nakakaraang araw. Now, that made him wonder: may pakialam ba talaga si Dean sa nararamdaman niya?
Napalunok siya. He felt something clogging at the back of his throat.
Noon lang din sumagi sa isip niya kung ano nga ba ang turing sa kanya ni Dean noong una niyang malaman ang tunay nitong kulay: isang pawn. In the game, a pawn has no value. It’s just a sacrificial unit.
And maybe that’s what he is to Dean: isang bagay na madali lang nitong maitatapon kapag wala nang gamit.
Naudlot ang pag-iisip niya nang tumunog bigla ang phone ni Lukas.
“Oh, nandito na pala ang pina-deliver kong breakfast,” sabi nito matapos basahin ang text. Tapos, hinarap nito si Keaton. “Sorry, babe, kung McDo lang ang handa ko. Pero don’t worry, babawi naman ako sayo mamayang gabi. I’ll bring you to the finest restaurant in the city.”
Napamulagat naman si Keaton. “What? No, it’s okay!” bulalas pa nito. “Di naman ako mahilig sa fine dining. Happy na ako sa fast food. And besides, you made that.” Nginusuan nito ang cake na nakapatong sa night stand. “Sapat na sakin iyan. I love your effort.”
That made Lukas smile. “Gano’n ba?” Napapakamot pa ito ng ulo. “Pero dadalhin pa rin kita somewhere later. I just want to celebrate your birthday.” Kinuha nito ang kamay ni Keaton saka hinagkan. “For now, kunin ko muna ang delivery sa lobby.”
“Ay, di na, p’re,” pigil ni Isaac kay Lukas nang tumayo ito. “Ako na lang kukuha. Wala naman akong ginagawa.”
“Sure ka? Baka naman nakakaabala sayo, ah?”
“No, it’s okay, p’re.” Giniya ito paupo muli sa kama. “Spend your time with Keaton. Birthday niya kaya wag mong iwan.” Kinidatan niya ito.
Mahina namang natawa si Lukas habang napaikot ng mga mata si Keaton.
“Sige, p’re, thank you,” sabi na lang ni Lukas.
It was the cue for Isaac to come out. Nang pababa na siya, ibinaling niya ang tingin sa pintuan ng kwarto nila ni Dean.
Tumalak siya.
“Sige, kung ganyan pala ang tingin mo sakin, so be it,” bulong niya saka naglakad pababa ng hagdan. “I don’t have to prove myself to you, Dean. Mas mahal ko ang sarili ko kaysa sayo.”
Was he a pawn? No. In fact, he wasn’t a part of Dean’s team. Siya ang kalaban nito. After all, two can play this game, and like Dean, he had one goal.
To win.