[Hoy babae, asan ka na? Ikaw na lang hinihintay dito]
Mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko sa school nang matanggap ang text galing kay ate. Nasa terminal na sila ng bus at ako na lang daw hinihintay. Nag ayos na din ako ng sarili para hindi naman halatang na haggard ako sa enrollment. Atsaka dapat blooming ako kasi may hint na sila about samin ni Yanyan, yung mukha na parang inlove ka.
Hindi pa naman namin lubusang sinimulan itong scam sa Tulips. Nag 'goodnight' with matching heart emojis lang naman si Yanyan sakin sa groupchat. Medyo nagulat lang yung ibang members pero hindi pa sila nagconclude agad na may relasyon kami. Yung naiintriga pa lang si Tan at si Ina. Nag message kasi si Tan kay Yanyan nung gabing 'yun na kung ano daw meron saming dalawa, at itong si Yanyan medyo pakipot muna. Ganun din naman ginawa ko nang mag message si Ina.
Nakarating na ako sa bus terminal at malayo pa lang ay tanaw ko na sila. Hindi kami ngayon kumpleto. Sina Ina, Jimmy, Jose, Tan, Nathan at Ate lang yung nandito. Si Totoy kasi, matapos yung confession nito kay Ina, lumipad papuntang Japan. Baka masyadong na broken-hearted at kailangan niya munang mag meditate.
"Wow gorl! Late ka talaga kahit kailan noh? ", komento ni Ina nang makalapit na ako sa kanila.
Ngumiti lang ako. "Tara na! Naghihintay na si Yanyan 'dun", wika ko. Gumuhit yung pilyong ngiti sa mukha ni Ina at Tan.
"Hmmm...something fishy talaga eh", wika ni Ina habang paakyat kami sa bus. Hindi ko na siya pinansin at pangiti-ngiti lang na parang kinikilig.
Mahaba yung byahe namin papunta sa hometown ni Yanyan. Katabi ko sa bus si Ina at ate, ako yung nasa gitna. We're just having fun on the first hour like talking random things. Good thing hindi na nag salita muli si Ina about sa amin ni Yanyan kasi hindi pa ready yung script ko. On the next hour ay nakatulog na kaming lahat sa byahe.
Nakagising ako nang maramdaman kong malapit na kami. Gumising na din yung mga kasama ko maliban kay Nathan na mukhang nag-eenjoy na sa panaginip. Nang huminto na yung bus sa terminal kung saan kami bababa, doon na namin ginising si Nathan. Halatang antok na antok pa ito at pa gewang-gewang na bumaba sa bus. Napatawa kaming lahat dahil parang may kasama kaming lasing.
Palapit na palapit kami sa venue at nakakaramdam na ako ng tensyon sa sistema ko. First time mangyari sa buong buhay ko ang umakting na hindi para sa grades at yung role ko ay ang bagay na hindi ko pa naranasan. Kaya mo 'yan Mina. Keep it casual. Relax.
Pumasok na kami sa Arena kung saan gaganapin ang event. Hindi pa ganoon kadami yung tao dahil nag-aassemble pa lang yung mga staff. Nandito na din yung ibang contestants na siyang busy din mag ayos ng costume at makeup. Mga bagay na ginagawa din namin kapag may events. Pero ngayon, kami na muna yung 10% sa criteria, audience impact.
"Ayun si Yanyan!", wika ko nang makita si Yanyan na nasa unahan. Hindi pa niya kami nakikita kaya kami na lang yung lumapit. May ilang vacant seats sa tabi niya dahil sinabihan ko din siyang reserbahan kami ng seats.
"Grabe, ba't biglang luminaw mata mo?", komento ulit ni Ina. Alam kong hinuhuli-huli niya na ako, syempre todo sakay din ako.
Lumingon samin si Yanyan at ngumiti siya sakin. Nagtinginan lang kami na parang nag-uusap yung mga mata namin. Napansin din naman iyon nina Ina at Tan kasi silang dalawa yung medyo suspicious na samin. Yung iba wala pang pake. Nagsiupuan na sila sa mga seats na nireserba ni Yanyan. Syempre dun ako umupo sa tabi niya.
Medyo matagal pa bago magstart yung event. Nakaramdam na ng gutom mga kasama namin kaya nag text ako kay ate na yayain silang lumabas muna para kami lang ni Yanyan yung maiwan sa venue. Marami kaming pag-uusapan tulad ng magiging love story namin para tumugma yung sagot namin in case my magaganap na interview.
"Mina, dito ka lang? Bibili kami ng pagkain", biglang tanong ni Ate sakin. And the game starts.
"Pakibilhan na lang ako. Dito na muna kami ni Yanyan para may mag babantay ng upuan niyo", sagot ko.
Isa-isa na silang tumayo at itong si Ina sa harap ko talaga dumaan para sabihing,"Para-paraan. Hmmmm". Halatang narinig yun ni Yanyan kaya sabay kaming ngumisi. Kunyare kinikilig pero yung totoo, tumatawa kami dahil unti-unti na silang naniniwala na may relasyon kaming dalawa.
Nang tuluyan na silang lumabas, inilahad ni Yanyan ang palad nito at tinapik ko naman iyon "Apir!"
"May naisip ka na bang love story natin?", tanong ni Yanyan.
"Hmmmm", nag-isip muna ako saglit. Pinag-isipan ko din kasi 'yun kagabi. Umayos muna ako ng upo bago magsalita "Sabihin nating... matagal mo na akong nililigawan tapos kagabi kita sinagot officially"
"Pwede yung kagabi tayo naging official. Pero ano naman yung rason ba't niligawan kita agad? Hindi pa naman tayo ganun katagal na nagkakilala. Masyado atang aggressive move 'yun baka hindi sila maniwala", nag-aalangan itong si Yanyan. Naisip ko ding masyadong aggressive siya at masyadong marupok ako kung ganun.
"Oo nga. Mas lalong hindi kapani-paniwala kung ganoon ako karupok na sasagutin kita agad. What if... matagal ka nang may gusto sakin? Like hindi kita kilala pero ako kilala mo na ako kasi palagi mo akong nakikita sa mga KPOP events. Noong una naging fan ka lang hanggang sa nagkakagusto ka na sakin. Sabihin na din nating masyado kang matapang at nagconfess ka agad sakin noong naging part ka na ng Tulips at nagkakilala na tayo. At dahil sinusubukan kong baguhin ang personality kong hindi namamansin after confession, kinakausap pa rin kita at sinubukan kong wag maging awkward sa'yo for the sake of our team also. Pagkatapos nun, nagiging close tayo at unti-unting nahuhulog na ako sa'yo."
"Paano 'yan? Eh sabi mo hindi kapani-paniwala na ganyan ka kabilis mahulog sa isang tao?", tanong niya saka lumingon baka kasi andito na yung mga kasama namin.
"Sabihin nating...", bumalik yung tingin niya nang magsalita ako. "We can't predict when our heart will fall for someone. You cannot say that you won't fall in love and you will never like someone kasi pusong-bato ka. We cannot truly define love. And we can't stop love." Ako mismo ay nagulat na ang mga salitang iyon ay nanggaling sa bibig ko.
"You're right. We'll never know...", napatingin ako kay Yanyan dahil biglang umiba ang tono nang pagkasabi niya nun at umiwas ako agad dahil nakatingin din siya sa akin.
Eksaktong dumating din mga kasama namin kaya "HAHAHAHAHAHA", tumingin si Yanyan sakin na may pagtataka nang bigla na lang akong tumawa kaya lumapit ako ng kaunti sa kanya, "Tumawa ka kunyare masaya ka din sa pag-uusap natin", bulong ko.
"AHHAHAHAHAHA baliw ka talaga Mina", sumakay din siya at sabay kaming humalakhak na parang mga baliw hanggang sa andito na sila sa tabi namin at isa-isang umupo.
"Sana all nag momoment", komento ni Ate.
"Ayieeeee sana all", dugtong ni Ina. Sina Nathan at Jose ay unti-unting naniniwala na may something na sa amin ni Yanyan. Kapag napaniwala na namin lahat ng Tulips, doon na kami magrereveal na prank lang ang lahat ng ito.
***
Tapos na yung event at nagpaalam na kami kay Yanyan kasi babalik na kami sa city. This time ay nakatulog na kaming lahat sa byahe. Masyadong napagod kami kahit hindi kami contestant. Basta kasi may random play dance sa isang event, doon talaga nauubos energy namin. Nang makarating kami sa city, nagdinner muna kami bago magsi-uwian sa mga bahay namin.
"Mina, tapatin mo nga ako. Kayo na ba ni Yanyan?", tanong ni Ina sakin. Sumama siya sakin maghugas ng kamay dito sa CR ng Ribshack para tanungin iyon. Kanina pa kasi siya naiintriga pero hindi ko siya masagot dahil maririnig ng mga kasama namin. Gusto ko kasing isa-isa nilang malalaman, hindi yung sabay sila. At para lumalim muna yung curiousity nila.
"Paano mo nasabi?", pabalik kong tanong. Walang thrill kapag umamin ako agad.
"Sobrang close niyo kasi eh. Kanina magkatabi pa kayo tapos parang may mga sariling mundo", sabi niya habang tinitignan ako sa salamin sa harap namin. Inalala ko muna mga pangyayari kanina. Hindi na namin planado mga pinagusapan namin during the event. Hindi ko din maalalang acting lang 'yun. Sadyang nagkakasundo lang kami ni Yanyan at katabi ko siya kaya natural na siya kakausapin ko. Though, it's a good thing that Ina put malice on it.
"Ah, yun ba? Tss", ngumisi ako habang pinapatuyo ang kamay. "Eh close naman kami talaga ni Yanyan, ngayon mo lang nilagyan ng malisya? Close din ako kina Totoy at Jimmy, jowa ka na din ba sila nun?"
"Hmmm. Iba kasi talaga yung aura kapag magkasama kayo ni Yanyan eh. Parang may nakikita akong hearts ayieeee sabihin mo na kasi. Hindi ko sasabihin kahit kanino, pramis!", pangungulit ni Ina.
I sighed. Mukhang si Ina ang unang makakaalam nito. "Ok fine. I'm dating Yanyan. Okay na?"
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng aminin ko iyon. Ilang segundo siyang natameme bago makapagsalita, "Oh my God! For real? T-teka? Ikaw? Paano? I mean marunong ka din palang magmahal? Oh baka prank lang ito?"
Yes girl, it's a prank. Napatawa ako dahil halos hindi siya makapaniwala. Inexpect ko din naman na magiging ganito reaction nila especially mga friends na matagal na akong kilala. "Ako nga din parang hindi makapaniwala na dadating ang araw na maiinlove ako sa isang tao"
"Mina ikaw ba talaga 'yan? Wala ka namang sakit diba?", hinawakan pa ni Ina yung noo ko para macheck kung may lagnat ako at bakit nasasabi ko ang mga bagay na 'yun.
"Ano ka ba, wala akong sakit. Hindi ako nasisiraan ng bait. Lahat ng sinasabi ko ngayon, I mean it. It's true that I'm inlove with Yanyan and we're dating.", pinipigilan ko ang sarili ko na wag tumawa. Everything that came out from my mouth made me cringe. Nakikita ko nga sa salamin na namumula na ako kakapigil pero hinayaan ko lang dahil nagmumukhang kinikilig yun.
"Omg! I'm so happy for you. Dalaga ka na Mina", tuwang-tuwa nitong wika.
"Baliw"
"Pero di nga, ano meron kay Yanyan ba't na fall ka agad? Like hindi pa naman ganun katagal nang magkakilala kayo?", ngumiti ako sa tanong ni Ina. It's time to use the script.
"I don't know. It feels like fate let us meet. Naalala mo nung sumayaw tayo sa SMX at hindi pa natin kilala si Yanyan dun, I just discovered sa isa kong selfie na nandyan siya sa likod ko. He also said that he knew me a long time ago and just liking me from a distance. Ngayon lang siya nagkacourage na mag confess sakin."
"You mean nung nag confess siya sa'yo, sinagot mo agad? That's not very like you, Mina"
"Ofcourse not. Nag confess siya sakin the first day he joined in our team. Like that time tinawanan ko lang talaga siya. He is younger than me kaya inisip ko na lang din na parang may batang nag confess sakin at sasakyan ko na lang para hindi umiyak. But after that confession, we got closer. Siguro dahil na din IZ*ONE at nagkakasundo kaming dalawa. He's easy going at komportable ako sa kanya. kahit corny mga jokes niya, surprisingly, It made me laugh. I don't know, you really can't explain feelings"
"Wow. So matagal ka na palang nililigawan nun? No wonder na sobrang close niyong dalawa. Kahit kami ni Jimmy, na notice 'yun eh. So kailan naging official? ", tanong ni Ina.
"Kagabi", tipid na sagot ko.
"Ayieee grabe ka talaga gorl! Sana all!", sinundot pa niya tagiliran ko. Bumalik na kami sa table matapos maghugas ng kamay at mag-usap.
Nang makarating kami sa table, tamang tama na nakalapag na dun ang pagkain namin. "Asan si Jimmy?", tanong ni Ina. Nakita ko din na wala siya sa upuan niya.
"Nag cr ata", sagot ni Jose. Nagtinginan kami ni Ina dahil doon kami galing. Ibig sabihin...narinig niya pinag-usapan namin?
Maya-maya ay bumalik na si Jimmy at tahimik lang siyang umupo sa harap namin. Hindi ako nagsasalita at ganun din siya. Sina Jose at Nathan nagkwekwento ng kahit ano at sumasakay na din kami sa pagtawa. Napansin kong tahimik parin si Jimmy. Hindi siya nagsasalita kung hindi siya tinatanong ni Nathan. Tipid din ang mga tawa niya kahit sumasakit na tiyan namin kakatawa sa mga picture na pinapakita nina Nathan.
"Jim, sasabay ka ba samin?", niyaya ko siyang sumakay sa sasakyan namin nang pauwi na kami. Si Ina kasi sasabay sa amin at iisa lang yung sakayan nila ni Jimmy kaya usually, silang dalawa ang sumasabay.
"Sabay na ako kina Nathan", malamig niyang sagot nang hindi man lang tumitingin sakin.
I'm right...narinig niya nga pinag-usapan namin ni Ina. It means, he already knew I'm dating. Maybe that's the reason why he is feeling down the whole dinner when his mood is a bit different earlier during the event. Ina said he likes me and maybe that's the reason why he is avoiding me knowing that I chose Yanyan over him. Suddenly, I feel bad about continuing this scam.
***
Buong gabi hindi ako hindi mapakali dahil mukhang nagtatampo nga sakin si Jimmy. Hindi siya ngarereply sakin kahit na online siya. Iniinbox niya lang mga message ko. Paano kung tuluyang magtatampo yun? I rereveal ko ba yung prank kahit sa kanya lang muna? Pero baka si Ina naman yung magtatampo nun kasi sinabihan ko si Jimmy tapos siya hindi. Ano na gagawin ko?
Si Ina...Bigla kong naalala na baka makakatulong sakin si Ina kapag tungkol kay Jimmy kasi mas close yung dalawang yun. Hinanap ko pangalan niya sa messenger para magchat.
Me: Ina...mukhang nagtatampo sakin si Jimmy
Ina: Hala mo gorl! Mukhang nagseselos si Jimmy.
Me: Selos kanino? Kay Yanyan? May gusto pa din ba sakin si Jimmy?
Ina: Omg! Hindi mo pa alam?
Nagtaka ako sa reply ni Ina. Kinakabahan ako na baka totoong may gusto si Jimmy sakin at nasasaktan siya dahil samin ni Yanyan. At baka mas lalong magtatampo yun pag nalaman niyang prank lang pala lahat ng ito.
Me: Anong hindi ko alam?
Ina: Ang totoo niyan Mina...
Sinabi sakin lahat ni Ina mga kwento ni Jimmy sa tuwing naglalasing siya. Ngayon alam ko na bakit biglang naging cold si Jimmy kanina. Nagseselos siya.
Ako yung type ng tao na hindi sumasagot ng call kasi na-aawkwardan ako, unless kung emergency. Pero ngayon, ako mismo ang tumawag kay Jimmy. Hindi siya nagrereply kaya naisipan ko na lang na tawagan siya.
Matagal na nagring ang phone niya. Napasinghal ako nang sagutin niya ang tawag.
"H-hello, Jim", panimula ko na medyo nanginginig pa boses ko. Awkward talaga. Walang sumasagot sa kabilang linya. Mukhang sinagot niya ang tawag para pakinggan ang paliwanag ko. "Nagtatampo ka sakin?", tanong ko.
Matagal pa bago may magsalita sa kabilang linya.
[Hindi] Yun ang sinabi niya pero halatang nagtatampo ang tono ng kanyang pananalita.
"Dahil ba kay Yanyan?", wala akong sagot na natanggap. "Narinig ko kay Ina...na kaya hindi ka nagmake move sakin kasi--"
[Yes] Pagputol niya sakin. [Kasi hinihintay kita na makapaggraduate muna dahil alam kong hindi ka pa mature pagdating sa pag-ibig. Hindi mo pa nararamdaman dahil may priorities ka.]
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Hindi ako sanay na makarinig ng ganoong bagay galing kay Jimmy o kahit na kanino. Nakonsensya ako bigla kasi scam lang ito pero mukhang malaki ang naging epekto kay Jimmy.
"So...nagseselos ka nga", mahina ang pagkasabi ko nun dahil parang wala nang may ilalakas ang boses ko.
[Oo] Napalunok ako nang sagutin niya dahil akala ko hindi niya narinig iyon. Hindi ko na alam ano isasagot ko at parang gusto ko na lang i-end yung call ngunit nagsalita siya muli na siyang mas ikinagulat ko.[Pero hindi kay Yanyan]
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Kanino ka nagseselos?", tanong ko na puno ng pagtataka.
[Sa'yo. Ikaw ang pinagseselosan ko, Mina]
Sinusubukan kong isipin kung ano ang nais ipahiwatig ni Jimmy. Anong ibig niyang sabihin na ako ang pinagseselosan niya?
"What do you mean? B-bakit pinagseselosan mo ako--"
[Gusto ko si Yanyan] Muntik ko nang mabitawan cellphone ko nang sabihin niya 'yun. Parang na deja vu ako sa mga pangyayari. Gusto kong tumawa pero nalilito ako. Hindi ko alam ano magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
"Y-you like Yanyan?", tinanong ko ulit para makasigurado.
[Yes. I know it's childish. Wala kang kasalanan pero nagtatampo ako sa'yo] Punyeta. May kasalanan ako Jimmy dahil prank lang yung samin ni Yanyan. [But don't be sorry. I have no right to stop your relationship and I know Yanyan would never like me back. For now, I want to be alone. Don't worry, this won't change our friendship. I just want to heal my self.] Pagkasabi niya nun ay binaba na niya ang tawag.
Napatitig ako sa kawalan at napabuga na lamang ng hangin. Napakagat ako ng labi. Hindi na tama 'to. Kinuha ko muli cellphone ko para i-chat si Yanyan.
Me: Yan...reveal na natin yung scam.
Yanyan: Bakit? Kakastart lang natin. Yung stalker mo? Okay na?
Me: I can extend the scam for him pero sa Tulips mukhang kailangan na nating sabihin sa kanila ang totoo
Yanyan: May problema ba? Naiilang ka sakin? Babawasan ko ba mga sweet words para less cringe?
Me: Hindi. Eh kasi si Jimmy...
Yanyan: May gusto sa'yo si Jimmy?
Me: Hindi sakin, sa'yo.
Yanyan: Ah right
Me: Alam mo din? Na gusto ka ni Jimmy?
Yanyan: Yeah
Me: Ba't di mo sinabi? Edi sana hindi na lang natin dinamay yung Tulips
Yanyan: Don't worry. Ako bahala. Let's keep dating
Me: Eh baka mas lalong magtampo si Jimmy pag tumagal ito at malalaman niyang scam lang pala
Yanyan: Mina, kasi...
Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ni Yanyan.
Yanyan: I need you.
Natigilan ako nang mabasa yun. Why would Yanyan need me?
Me: Bakit? Why do you need someone like me? May stalker ka din ba at kailangan mo ng fake girlfriend? Well I can act for that pero itigil na natin yung scam sa Tulips.
Yanyan: Wag muna. Ako bahala kay Jimmy. I want you and me to date
Sa ikalawang pagkakataon ay natigilan ako. Lalo na sa huling pangungusap.
Me: What does that mean? The last sentence.
May gusto ba si Yanyan sakin? *shook head* No way. I'm just being paranoid.
Yanyan: Not for real...I mean the scam, let's not reveal for now.
I sighed. Akala ko may dadagdag na naman sa mga iisipin ko sa madaling araw.
Me: So tell me, bakit ayaw mong magreveal?
Yanyan: I need to figure out something
***
I couldn't argue to Yanyan anymore and so I decided to just keep this scam going. Everyone is having a clue about what is happening between us. They keep teasing us in the group chat and we go along with it. I posted couple pictures on my f*******: stories that only them can view.
Somehow, I experienced being in a relationship, even if it's fake. Sweet talks, couple pictures, a day without saying "Sana all", and friends that are happy for you. Kiran flooding me messages saying we should end the scam and make it real. She's one of my friend who's pushing me to date. She wants me to marry someone, sayang din kasi ang genes. Kiran also said that my stalker is trying to get rid his feelings for me and stop bothering me. He's not chatting anymore and I'm relieved. Now one of my problem is solved and thanks to this scam.
Maybe even after break up of this fake relationship, I won't regret everything. It was a good experience. Now I know the feeling of having a lover, somehow. But I still can't consider having one. I need to figure out something too.
Now I have two problems left. Si Jimmy at ang totoong rason bakit ayaw ni Yanyan mag reveal.
Me: Yan...you have time tomorrow?
Yanyan: Yes. Why?
Me: Let's meet.
I need to ask him in person. Words are more valid when you witnessed how they were delivered.
***
Mas maaga siyang nakarating sa sinabi kong location kung saan kami magmemeet. Malayo pa ako, kitang-kita ko na siya. His fashion stands out among the people inside the cafe. He is wearing specs and mask as usual. Lumapit ako sa table kung saan siya nakaupo. He already bought two drinks.
"Oh you're here", tugon niya at umupo ako sa harap niya.
"Is this mine?", tukoy ko sa isang drink.
"Yes. That's not coffee-based", nagulat ako nang sabihin niya yun.
"How did you know?", I fascinatingly asked. I can't drink coffee. If I do, I can't concentrate because of palpitation. I have cardiomegaly and scoliosis so it's a bit painful if my heart beats that fast because of caffeine.
"I just observed every cupsleeve events. You don't order coffee-based drinks. You also hate tea, right? Everytime we go to Crepetealogy, you go out to buy coke because all their drinks are tea-based.", he explained. Napangisi ako dahil dun. This kid is quite observant.
"That's cool. By the way magkano pala 'to?", I asked taking out my wallet. I'm a kind a girl who pays her own bills, unless kung libre.
"No. Treat ko yan"
"Naks, legit jowa ha", I jokingly said. "Thanks for the drink"
Bigla niyang inextend ang kanyang braso na hawak yung phone nito "Selfie tayo. Send ko sa group chat mamaya, siguradong makikilig na naman mga kasama natin"
Sumakay na din ako at lumapit ng konti saka nagsmile sa camera. Matapos mag selfie ay umayos na ako ng upo. I sipped my frappe while trying to think how to start a conversation.
I'm glad he did. "Ano na pala sasabihin mo?", he asked.
"You said you'll figure out something kaya hindi mo pa gustong ireveal itong scam. Can you tell me what's that 'something' ?", Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Napabuga siya ng hangin bago magsalita, "Si Totoy kasi...biglang naging cold yung treatment niya sakin simula nitong scam"
"Same with Jimmy, so ba't di na lang natin i-reveal nang wala ng magtatampo?", I suggested.
"Hindi ka ba curious, Mina? Na kung bakit naging cold yung treatment ni Totoy sakin?", dahil sa tanong niyang iyon ay bigla tuloy akong na curious.
"So you're having a theory na baka nagseselos siya? That he likes one of us?", tumango siya na tila nakuha ko ang point niya.
"Kaya gusto kong ipagpatuloy muna itong scam natin para malaman kung sino yung gusto ni Totoy. Ako o ikaw, though it would be better if ako", ikinagulat ko ang huli niyang sinabi.
"Y-you like Totoy? ", I stuttered.
"Don't tell anyone, okay? Only you and Jimmy knows"
Napanganga ako dahil sa mga nalalaman ko. Bakit ganito ang nagyayari sa buhay ko? Bakit palaging 'Senpai is a Lie'? Jimmy likes Yanyan but Yanyan likes Totoy. And Totoy likes...
"The truth is... alam ko kung sino yung gusto ni Totoy", sabi ko dahilan para maudlot ang pag-inom ni Yanyan ng kape at hintayin ang susunod kong sasabihin. "Si Ina...si Ina ang gusto ni Totoy"
"Are you sure? How did you know that? Sinabi niya sa'yo?", sunod-sunod niyang tanong.
"Sinabi sakin ni Ina. Totoy confessed to her before he went to Japan", This is supposedly a secret but I have no choice but to tell Yanyan for his own sake.
"So sila na ni Ina?", bakas sa mukha niya ang pagpigil ng kanyang nararamdaman.
"No. Ina rejected him", saglit na tumahimik kaming pareho. He is still gasping everything that I have said. "Now that you know the truth, you have no reason why we should keep this prank going. Let's reveal it, Yan. Mamayang gabi", I continued.
He made a deep sigh before speaking. "That was an excuse", nagtaka ako sa sinabi niya.
"What do you mean? What excuse? For what?"
"It's not true that I like Totoy. And I'm not gay. That was just an excuse...", he clarified pero mas lalo ko siyang hindi maintindihan.
"Why do you need excuses? Para saan?"
"An excuse to date you", Biglang bumilis t***k ng puso ko kahit walang kape ang iniinom ko. "...even if it's fake", dugtong niya. Hindi ako ganun ka bobo para hindi ma gets ang sinasabi niya.
"Y-you like me?", I asked even if it's obvious.
"Yes. I like you, Mina. You didn't know how happy I am when you asked me to pretend as your boyfriend", sa hindi mabilang na pagkakataon ay napanganga ako. Hindi ko alam ano isasagot ko. I've heard a lot of confessions but I'm still not used to it. I'm trying to be mature with these things but it wasn't easy. "You're right, Mina. Let's end this scam, and date for real." Ang linyang sa w*****d ko lang mababasa, ngayon naririnig ko mismo sa harap ko.
"Y-yan...I appreciate that...you like me, but...I can't date you...for now. Sorry", hindi ko na alam ano lumalabas sa bibig ko. I'm trying to think how to reject him in a painless way as possible. Yumuko siya at halatang nalungkot siya sa sagot ko "But...I really thank you for acting as my fake boyfriend. I didn't regret choosing you. Hindi na ako kinukulit ng stalker dahil effective kang boyfriend"
Umangat yung ulo niya at diretsong tumingin ang naluluhang mata niya sakin "Can't you give me a chance?"
"I'm sorry but I'm not in a good state to date you..."
"Dahil ba mas bata ako? Dahil hindi pa natin lubusang kilala ang isa't isa? O dahil may iba kang gusto?"
"Wala akong ibang gusto pero--"
"Then let's date. Let's know if we will work"
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya.
Yanyan is a fine man. I won't mind dating younger boys nor people I've just met. I could give him a chance and date for real. But not until I figure out the thing that bothers me for a long time.
I can sense things I shouldn't. I know curiousity kills but I still seek answers to questions I cannot understand.
I'm not sure if I'm just overthinking something...or was it my imagination leading me to a darker side of the world.
Clues and leads are slowly appearing but still hard to tell. A beautiful facade but was b****y inside. It's almost impossible that you are about to quit but it keeps haunting you.
"Mina?", I was spacing out until Yanyan called my name.
I looked at him."I can't date you. I can't date anyone", I answered holding back my tears.
"I understand. Hindi din naman pwedeng pilitin kita na magustuhan mo ak---"
"I can't let anyone die", umiba expresyon niya sa sinabi ko. Tulad ko ay puno din siya ng pagtataka.
"What are you saying? Why would someone die?", he is confused as I am.
"Someone is watching us"