I wish everything was just a dream. I've been hurting my self a lot thinking I could wake up from this nightmare. It was the worst.
"Mina, kaya mo ba talagang umuwi mag-isa?", Nana asked. I just nodded and forced a smile. I didn't tell them that I already knew the killer. I feel like I became an accomplice because it's my sister. I need to protect my friends from my sister. However, I don't have the courage to tell them everything.
"Wash your self when you get home. You're totally soaked.", ani ni Yanyan.
"We'll explain everything to Jill's mom, don't worry", Totoy added.
"Thank you", I said and just left the hospital. Jill is already conscious and Nana was left to answer his questions. Alam kong marami siyang tanong tungkol sa mga pangyayari.
***
I don't want to go home because I'm afraid to face the clearer truth. But I need to. I will face her and ask why she became like that. Why is the sister I always adore turned into a monster.
The first thing that welcomed me at home is our car. It's wet and the tires are covered with mud. I'm not dreaming. It's real.
Pumasok ako at tulog na si Mama at ang kapatid kong lalaki. Nakita ko si Ate na nakahiga lang sa sofa habang nanonood ng K-Drama na parang walang nangyari...na parang wala siyang sinaktan.
"Paano mo 'to nagawa?", nakatayo lang ako sa gilid niya. Hindi niya napansin na dumating ako kaya napalingon siya.
"Oh? Ba't basa ka? ", she said. She looked...different.
"Alam mo kung bakit. Please stop acting innocent", puno ng pagtataka ang kanyang mukha. Na parang wala siyang alam sa kung anong kasamaan ang ginawa niya.
"Ano sinasabi mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?"
Why is she acting like she did nothing wrong when the evidence is clear? Tinapon ko sa kanya ang larawan na itinapon niya din sa akin kanina.
"Ano 'to?", hindi pa rin siya bumibigay kahit nasa kamay na niya ang ebidensya.
"Ate please! Stop pretending! Turn yourself in", sigaw ko. Wala akong pakialam kung magising sina Mama. Mabuti't malaman nila na naging ganito ang kanilang anak. Naging mamamatay tao.
"Ano ba pinagsasabi mo, Mina? Ano bang nangyari? May ginawa ba ako?"
HIndi ko alam kung magaling lang talaga siyang umakting pero nakikita ko sa mata niya ang senseridad. Mas naguguluhan ako. Paano kung hindi si ate yun? Hindi ko din naman nakita ang mukha niya. Pwede din naman isulat ng kahit kanino ang note sa likod ng litrato. Pero...
"Bakit basa yung sasakyan? Saan ka galing?", tanong ko. Yun ay isa sa mga ebidensya na kailangan kong makumpirma.
"Ha? Hindi ako umalis. Hindi ko maalalang umalis ako...", nag-aalangan siya sa huli niyang sinabi. Hindi niya maalala? "Teka, ano ba ito? Ano bang nangyari? Bakit ako magpapakulong?", sunod-sunod niyang tanong.
"Jill almost died", mahinang wika ko.
"What? Asan siya? Okay lang ba siya?", parang hindi siya mapakali sa narinig niya.
What the hell is happening? Why can't she remember everything? Nagkamali ba ako?
I only have one thing to confirm if the killer really is my sister. Pumunta ako sa shoe rack para hanapin ang heels na suot ng killer kanina. Isa-isa kong binuksan ang mga kahon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kinuha ko ang huling kahon na nandito. Binuksan ko at agad na nabitawan nang makumpirmang iyon ang heels na suot niya kanina. Basa ito at malinaw kakasuot lang.
"Bakit?", tanong niya sakin. Hindi ako makagalaw dahil sa paghampas ng katotohanan. Kusang tumulo ang mga luha ko.
"Kung ayaw mong ipakulong ang sarili mo, ako magpapakulong sa'yo.", tinalikuran ko na siya.
"Mina sandali! Hindi kita maintindihan", sinubukan niya akong pigilan pero tinapi ko ang kamay niya.
I don't want to listen to her. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay pawang kasinungalingan lang. Wala akong pakialam kung pamilya ko siya. I have to report her because that's the right thing to do. I can't tolerate her doings just because she's my sister. I have conscience. That's the least I could do for my sake.
Paglabas ko ng gate, nagulat ako nang makita si Ina. Basa siya ng ulan. Hindi ko matukoy kung alin ang ulan at luha sa kanyang pisngi pero sigurado akong umiiyak siya.
"Ina? Bakit--", hindi ko natuloy ang pagsasalita ng maramdaman ang palad niya sa pisngi ko. I'm trying to recall all the possible reasons why she showed up at this hour to slap me. But I can't find any. Hindi naman kami nag away.
"Ikaw ba?", nagulat ako sa tanong niya.
"What are you saying? What did I do?", I'm having the same reaction with my sister earlier.
"Akala ko kaibigan kita...kaibigan namin. Bakit mo nagawa yun?", mahina niyang hinahampas ang balikat ko. "Bakit, Mina? Bakit ka nagkaganyan?", patuloy ang paghampas niya sa akin. She's telling me the words I should say to my sister.
Hinawakan ko ang kamay niya para matigil ang paghampas niya sakin. Mahigpit kong hinawakan para huminahon siya. "What happened?", I asked.
"Si Totoy...", hinahabol niya ang kanyang hininga sa pagsasalita. "...nasaksak siya."
Nabitawan ko ang kanyang kamay. Pati ako ay nanghina din. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil mas lalong naging komplikado.
Nagkamali ako.
Hindi si Ate ang killer.