Lumipas ang ilang araw ay narito na nga siya sa naturang restaurant na sa tingin niya ay hindi pinupuntahan ng mga mayayaman. Ibig sabihin safe siya sa mga taong pamilyar sa kanya. Aaminin niyang mahirap pero sa tulong ng kaibigan niyang si Susan ay kahit paano may ilang idea na rin siya. Ingat na ingat siyang hindi makabasag dahil kaltas daw iyon sa sweldo niya. "So, kumusta ka naman dito?" nakangiting atanong sa kanya ni Mia. Sinadya talaga siya nitong puntahan sa naturang restaurant kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho. "Okay lang naman kahit mahirap," matapat niyang sagot. "Malakas ba rito?" "Oo, kaya tingnan mo maraming waitress." "In fairness masarap ang mga pagkain nila rito," nakangiting komento ni Mia. "Iyan nga rin ang narinig ko sa ilang mga kumakain dito, balita ko

